Chapter 8

6.6K 167 16
                                    

"Manang si Chazer po?" Tanong niya sa maid ng makababa siya sa kusina.

After the kiss they shared ay nauna na itong pumasok sa bahay dahil may tumawag dito na kaibigan ata nito. Habang siya naman ay nag nilay nilay ng mga kalahating oras bago bumalik sa kwarto niya.

"Umalis na po ma'am. Maaga nga pong umalis at nagmamadali." Sabi nito at tumango siya. "Kumain na po kayo." Sabi nito na agad niyang sinunod.

While eating ay busy ang isip niya sa pag iisip kung paano kakausapin ang lola niya, she's also thinking how to get a job that will pay for her. Hindi naman habang buhay siyang titira sa bahay ng asawa. At kahit asawa niya pa to eh iba naman ang sitwasyon nila. Ayaw niya itong abusohin.

"Who are you?"

Napaangat siya ng tingin ng may magsalita sa likuran niya. She saw a woman maybe same age as her husband. Sopistikada ito at maganda.

"Why are you in Chazer's house? Are you an intruder?" Tanong nito.

Gusto niya itong irapan. Seriously kung intruder siya bat pa siya mag aaksaya ng oras sa pagkain?

"Hindi ako intruder." She said.

Tinitigan siya nito na tila ba binabasa ang kaluluwa niya. Sino ba ang babaeng to?

"Then what are you doing here in my Chazer's house?"

"Your Chazer?" Ulit niya.

Ngumisi ito bago itinaas ang kamay at kita niya ang singsing nito na may malaking bato.

"Yes my Chazer. I am his fiancé. Now answer me who are you? Maid ka ba? Kamag anak ng isa sa mga maid?"
Nang uuyam nitong tanong.

Umiling siya bago sumagot. "Hindi."

"Then answer me. Who are you and what are you doing here?"

"Wait lang ha." She said sabay kuha ng cellphone niya at tawag kay Chazer na agad nitong sinagot na ikinakunot noo ng babae.

"Hello?"

"Good morning." Bati niya.

"Morning? What do you want? I'm in the meeting."

"Eh bat mo sinagot ang tawag ko kung nasa meeting ka?"

"Tsk, just tell me what you want."

Tumingin siya sa babae bago nagtanong sa asawa.

"Pag may nagtanong kung ano ako sayo, ano ang isasagot ko?" Tanong niya bago ini loudspeaker ang cellphone.

"What else? You're my wife Cassandra, then tell them you're my wife." Sabi nito na ikinasinghap ng kaharap niya at dinig din niya ang mga gulat na reaksiyon sa kabilang linya.

"Ahh. Ok lang na sabihin ko na wife mo ako?"

"Woman we're married remember? Incase you forgot we have a marriage certificate that shows our union."

Tumango siya bago nangalumbaba na tiningnan ang babae.

"Eh paano yan andito ang fiancé mo."

"What fiancé? I'm a married man, I don't do those kind of shit."

"May babae dito sa bahay, sabi fiancé mo raw. Wait ask ko siya anong pangalan niya." She said bago tinanong ang babae. "Anong pangalan mo nga?" She casually ask.

"L-loren."

"What is that bitch doing in there? Where's manang? Tell them to kick her out of our house."

Our house. Napangiti siya.

"Nah. Let her be. So di mo siya fiancé?"

"Hell no." Chazer answer na ikinangisi niya habang namumula naman ang babae sa harap niya.

"Well thats good to know. Thanks hubby, go back to work na. Bye."

"Tsk. Don't forget to eat Cassandra. Also pack some clothes good for three days, I'll bring you with me later. Be ready at 7pm. Bye." Sabi nito bago ibinaba ang tawag.

Huminga siya ng malalim bago tumingin sa babaeng masama ang tingin sa kanya.

"Sana nasagot ang tanong mo." She said na ikinakuyom ng kamao nito. "Nice try by the way for saying na fiancé mo ang asawa ko. With props pa ha." She said bago nagpatuloy sa pagkain.

"H-hindi kayo bagay."

"Girl talo kana,  tapos na ang laban. Asawa na ako ng lalaking halatang pinapantasya mo. At kahit ano paman ang sabihin mo, asawa na ako." She said.

Di ito nagsalita kaya tumaas ang kilay niya.

"What now? Baka gusto mo pang makikain?" She ask na sinagot nito ng irap bago siya tinalikuran at lumabas ito ng bahay.

"Pasensiya na po kayo sa babaeng yun ma'am. Baliw na baliw po yun kay Sir mula pa dati." Sabi ni manang na lumapit sa mesa. Mukhang nadinig nito ang pinagsasabi ng baliw na babaeng yun.

"Palagi po ba yun dito manang?"

"Opo. Anak po siya ng isa sa mga investor sa kumpanya ni Chazer, kung makaasta eh akala mo girlfriend ni Sir."

"And Chazer is ok with her coming to this house always?"

"Hindi po, at sigurado akong matatanggal na naman ang guard sa village dahil pinapasok ang babaeng yun."

Napailing siya bago napangiti. Umagang umaga pinapalabas ang pagiging maldita niya.

"Sana po di kayo galit kay Sir."

Tiningnan niya ang matanda bago ngumiti.

"Wag kang mag alala manang, di ako galit."

At my Worst Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon