Chapter 21

6.7K 175 28
                                    

"Si Cassandra?" Tanong niya sa maid ng bumaba siya sa kusina para mag agahan. Normally at this hour eh nasa kusina na ang asawa at naghihintay sa kanya para sabay silang kumain but this morning she's not present.

"Di pa po bumababa sir. Gusto niyo po bang tawagin ko?"

Umiling siya bago naglakad patungong refrigerator.

"Wag na." Simpleng sagot niya.

Hindi siya kakain ng breakfast at iinom nalang nang tubig. Sa opisina na siya kakain dahil baka malate pa siya gayong may monthly meeting siyang dadaluhan with his head department officers.

When he open the fridge ay agad siyang natigilan ng may makita siyang birthday cake sa loob. He read it and it says "hey hubby, it's my birthday. Will you celebrate it with me?" 

Napaayos siya ng tayo bago tumingin sa mga maid na nag aabang sa kusina.

"Who bought this?"

"Gawa po yan ni Ma'am kahapon sir. Birthday niya kasi kahapon at mukhang nakalimutan niyo." Sabi nito bago napayuko.

Habang siya naman ay walang sabing lumabas ng kusina at umayak sa second floor. He totally forgot about it. He got some important things to do yesterday na nakalimutan niyang kaarawan ng asawa. He thought naglalambing lang ito kagabi nang imbetahan siya nitong sabay na mag dinner na kinalimutan naman nito kaya siya nagalit. He could spend those two hours of waiting elsewhere but he goes home pero wala ito.

But now. Damn. Gusto niyang sapakin ang sarili for being an asshole to her.

When he reach her room ay kumatok siya dito.

"Cassandra? Hey open up. Can we talk?"

Ilang ulit p siyang kumatok pero walang sagot kaya kinuha na niya ang master key ng bahay at binuksan ang kwarto nito gamit ang susi.

When he opens her room ay katahimikan at kadiliman ang  bumungad sa kanya. And when he turns on the light at kita niya ang asawa na tulog na tulog sa kama. He walks towards the bed at agad nalukot ang mukha ng amoy alak ito. He looks around and shook his head when he saw a vodka bottle empty on the floor. Mukhang naglasing ang asawa niya.

Nilapitan niya ito at inayos nang higa dahil maling galaw lang ay mahuhulog na ito sa sahig. Agad siyang napabuntong hininga ng makita ang mukha nito. He could see a visible traces of tears on her face. Katibayan na umiyak ito hanggang sa makatulog.

He sat down on the side of the bed bago hinawakan ang kamay nito. "I'm sorry." Bulong niya. "I'm sorry babe."

At dahil tulog ito ay di ito sumagot kaya tumayo siya bago kinuha ang cellphone bago tinawagan ang secretary.

"Cancel all my meetings today. I'm not going to work. Also I don't want any disturbance today." He said at di na hinintay na sumagot ito dahil ibinaba na niya ang tawag.

He look at the mess of Cassandra's room bago sinimulan iyong linisin. Yes sometimes she sleep on his room but she still own this room as hers.

After cleaning ay pumunta siya sa kwarto niya para magpalit ng damit pambahay. He then goes down to the kitchen and ask the maid to cook soup for his wife. Dahil sure siyang hangover ang sasalubong dito pagka gising. After giving instructions on what soup to make and grabbing some water and medicine ay bumalik siya sa kwarto ng asawa at pinagkasya ang sarili sa pagtitig sa mukha nito.

He hates the idea of her celebrating her birthday in a sad way. He wanna blame himself for forgetting it but he was too occupied of something that what matters to him yesterday is to be alone in a cemetery.

Thinking about it ay napakuyom nalang siya ng kamao bago huminga ng malalim at tinitigan ang asawang unti unti ng nagising.

"Hmm." Inat nito bago dahan dahang binuksan ang mga mata. Isang singhap ang napakawalan nito bago mabilis na naupo na agad nitong pinagsisihan dahil napahawak ito sa ulo.

"Tsk." He said bago hinaplos ang ulo nito. "Asan ang masakit?" Mahina niyang tanong.

Napakurap ito bago umatras na ikinakunot ng noo niya.

"Ahm bakit ka andito? Diba may pasok ka?" Tanong nito bago napapikit sa dahil siguro sa pagkirot ng ulo nito.

"Drink this." He said bago inabot ang gamot sa sakit ng ulo at tubig dito. "Bat ka kasi naglasing kagabi."

Umiwas ito ng tingin at ininum ang gamot na bigay niya.

"Pasensiya na gusto ko lang kasing mag celebrate." Mahina nitong sabi bago yumuko. Ayaw nitong salubungin ang tingin niya.

"Bakit?" He asks.

Kita niya ang pagkuyom ng kamao nito bago ito marahang umiling. "W-wala lang."

Napahinga siya ng malalim at magsasalita na sana ng may kumatok sa pinto. When he got up and open it ay andoon na angkasambahay na dala ang sopas para sa asawa. After taking it ay bumalik siya sa kama.

"Eat for you to feel better." He said bago siya na mismo ang nagsandok ng sopas at isinubo iyon sa asawa.

Kita niya ang gulat nitong itsura bago ito napa angat ng tingin sa kanya.

"Eat babe. Then will talk." Mahina niyang sabi habang ito naman ay pinangiliran ng luha na ikinailing nalang niya.

"A-ako na." Sabi nito bago aagawin sana ang kutsara ng ilayo niya iyon.

"I'll feed you. Babawi ako." He said at napatitig ito sa kanya. "Happy birthday." He said at kita niya ang mabilis na pagtulo ng luha nito.

Naiiling na inilagay niya ang sopas sa side table nito bago sinapo ang mukha nito.

"I'm sorry. Sorry about yesterday. Happy birthday babe."

Agad niya itong nayakap ng humagulgol ito. Umagang umaga iyak na agad ang almusal ng asawa niya. He is such an asshole.

"M-malungkot ako. Ang lungkot ng puso ko Chazer. Akala ko magiging iba ang birthday ko kahapon, pero magiging pinaka pm malungkot pala."

Di siya nagsalita bagkos ay hinayaan itong maglabas ng hinaing.

"Other than Eca, no one remembers my birthday. I am so lonely and sad inside. Bakit hindi ako masaya? Am I not deserving to be happy? As much as possible nagpapakabait naman ako, pero bat ang hirap maging masaya sa katauhang to?" Umiiyak nitong sabi.

All he could do is to rub her back and when he looks down ay may napansin siyang di niya nakita kanina. Inilayo niya ito sa kanya bago hinawakan ang pulso nito.

"What is this?" Matigas niyang tanong.

Napatigil ito sa pag iyak bago napatitig sa pulso nito.

"Cassandra I'm asking you? Ano to?" Galit niyang tanong.

She got some fresh wounds marks. Probably four slices on her wrest. He looks around and saw a small knife on the other side of her pillow na nalihis ng kumot.

"D-did you try to hurt or worst kill yourself?" Tantyado niyang tanong.

Agad nitong hinila ang kamay nito at niyakap iyon.

"Yes." She answered na ikinalaki ng mga mata niya. Umiyak ito ulit bago tiningnan ang pulsong may sugat pero di naman malalim. "I am emotionally drained last night that I though doing this will help me."

Tila sasabog ang utak niya sa sinabi nito. "Then what stop you."

Ngumuso ito bago nagpahid ng luha. "Pain. The pain stop me. The knife is too sharp and it hurts."

Napailing siya bago hinawakan ang ulo nito at hinila patungo sa dibdib niya.

"Damn you. Death is not an escape to a problem Cassandra." He said bago ito niyakap ng mahigpit. Tangina.

His heart is beating so fast and a familiar pain is starting to form inside him kaya isinubsob niya ang mukha sa may leeg nito.

"Don't leave me babe." He said bago halos kargahin na ito sa pagkakayakap. "Don't be like her who choose to leave me than fight for me. Diko na kakayanin."

At my Worst Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon