Chapter 18

6.7K 170 16
                                    

"Hoy."

Napakurap siya sabay tingin kay Sunshine na busy sa pagkain.

"Bakit?"

"Kanina ka pa tulala. Gising gising din pag may time." Sabi nito bago kumain ng magana.

Napailing siya bago napatitig sa babae. Wala itong pakialam sa mga taong napapatingin sa kanila dahil sa lakas nitong kumain. I mean dalawa lang sila sa mesa pero puno ng pagkain ang mesa nila dahil dito.

"May iniisip lang ako." Sabi niya bago napabuntong hininga at sumubo ng barbecue. "Nakita ko ang pinsan ko sa opisina ni Chazer kanina. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya sa asawa ko."

"Gusto mo ipatumba ko yang pinsan mo?" Sunshine asks na ikinagulat niya. "Sabihin mo lang, may mga kakilala akong gagawa nun para sayo."sabi nito dahil naikwento na niya dito ang hidwaan nila ni Camille.

Napailing siya. "Baliw di ako ganun kasama. Nagtataka lang ako kung bakit yun andoon. I can see naman na walang paki si Chazer base on how chazer treat her. But Camille is a persistent woman. Natatakot akong maagawan." Mahina niyang sabi.

Napapalatak ito bago uminom ng tubig. "Alam mo Cass wag mo kasing eh bully ka ng pinsan mo. Kaya namimihasa yan kasi hinahayaan mo. Learn how to fight, labanan mo kabaliwan non. Be a bitch sometime."

"Ayaw ko lang na sumama ang loob ni Lola pag nag away kami."

"Duh pinalayas kana nga ng lola mo diba? That means na bilog na ng pinsan mo ang utak ng lola mo." Sabi nito na ikinatahimik niya.

She surely wonder why Camille hated her so much. Kahit naman kasi namatay ang mga magulang niya at mas naging close siya sa lola niya ay nabibigyan padin naman ito ng atensiyon ng lola nila.

Bumuntong hininga siya bago tumingin kay sunshine na tila walang kabusugan.

"Di kaya sasakit ang tiyan mo niyan? Kanina ka pa kumakain ah." She said.

Umingos ito bago may kinuha sa bag na dala tsaka binigay sa kanya. Nang tingnan niya iyon ay agad na nanlaki ang mga mata niya. Its an ultrasound picture.

"Omg." She said na ikinairap ito.

"Ang arte." Sunshine said na ikinatawa niya.

"Congrats Sunny." Sabi niya. "Wait, triplets?" Gulat niyang tanong nang matitigan ng mabuti ang picture.

Ngumisi ito bago tumango. "Tanginang Dark malalakas ang semilya."

Napatawa siya bago masayang tumingin dito. "I'm happy for you. Ilang buwan na?"

"Two months. At di pa alam ni Dark." Sabi nito.

"Ninang ako ha." She said.

"Hmm. Sure yan dahil ninong din si Chazer panigurado." Sabi nito at kumain na naman.

"Kailan malalaman ang gender?"

"Four months ata o five? Pero may pangalan na ako para sa kanila. Twilight, Dawn, Dusk, Sunrise, Sunset and Midnight. Yan ang mga pangalan na pag pipilian ko."

"Eh bakit yan? Hindi mo ba hahayang si Dark ang magpangalan?"

Umirap ito bago umiling. "No way. Ako mahihirapan sa panganganak kaya ako ang magpapangalan. Isa pa kaya yan ang ipapangalan ko dahil sa pangalan namin ni Dark. Ang ganda kaya."

Napatawa siya bago tumango bago napatitig sa ultrasound picture.

"Ikaw ba walang balak mag buntis?" Tanong nito.

"Meron naman. Pero kumplikado pa ang sitwasyon namin ni Chazer. Tsaka inienjoy muna namin ang isat isa."

Tumango ito.

"Mabuti yan. Kami din naman ni Sinta. Inenjoy muna namin ang isat isa for couple of months."

"Masakit ba mavirginize Sunny?" Tanong niya na ikinakunot ng noo nito. "I'm a virgin." Mahina niyang sabi.

Gulat itong napatitig sa kanya. "Di nga?" Tanong nito kaya tumango siya. "Tangina nakaya ni Chazer na dika galawin?"

Napanguso siya bago balik ng ultrasound picture dito. "We makeout. But no penetration."

"Bakit?"

"Di pa ako ready?"

"Bakit patanong ang sagot? Girl magpadevirginized kana sa asawa mo. Masarap ang kanto..." natigil ito ng batuhin niya ng tissue. "Tangina."

"Shine!! Geez nasa public place tayo." Namumula niyang sabi.

Ngumisi ito. "Paki ko naman. Nakikinig na nga lang sila eh." Sabi nito na ikinailing niya. Ibang klaseng babae talaga ang isang to. "As I was saying masarap siya girl, masakit sa una pero maeenjoy mo din. Nako magpatusok kana. Ilang buwan na kayong mag asawa ni Chazer?"

"Mag aapat na." She response.

"Geez matagal na pala. Patusok kana girl. Bah baka maagaw ang asawa mo ng pinsan mo."

"Shine!!!"

Natawa ito bago umiling. "Girl ang lalaki malaki ang tsansa na magloko pag di naibibigay ang tawag nang laman sa kanila. Isa pa mag asawa na kayo. Pakangkang kana."

"Sunshine ang bunganga naman." Sabi niya na ikinatawa nito ng malakas.

"I'm serious. Total mag asawa na kayo. Learn how to please your man. Makeout is ok but giving your all to the man you love is a different story."

Napabuntong hininga siya bago napaisip. The man I love ha. Tsk mahal ko na ba ang asawa ko?

"Ano ba kasi ang ikinatatakot mo?"

Napatingin siya dito bago nagdalawang isip. Pero sa huli ay sinabi din dito  ang bumabagabag sa kanya.

"Im scared that Chazer might changed once he get my virginity. Siya nalang ang meron ako ngayon Sunny. Ayaw kong maiwan."'

"Paranoid." Sabi nito bago nangalumbaba sa harap niya. "Tell me Cassandra, nahuhulog ka naba sa asawa mo? And don't lie to me, I know your story. Alam ko ang Sitwasyon ninyo ni Chazer, how you become his wife."

Gulat na napatingin siya dito.

"I am an ex-agent Cass, also my husband is the one who did your marriage with Chazer and come on Chazer is aloof when it comes to girls bago ka biglang sumulpot at naging asawa nito. Hindi mahirap malaman ang sitwasyon ninyo. So tell me mahal mo naba ang asawa mo?"

Napakurap siya bago napatingin sa pinto ng restaurant kung saan may dalawang lalaking naglalakad papasok. Dark and Chazer. Napatitig siya sa asawa niya na agad na ngumisi ng makita siya.

Dug dug dug

Napahinga siya ng malalim bago bumaling kay sunshine.

"Tangina." All she could say when a realization hit her. "Mahal ko na nga."

At my Worst Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon