03

573 28 29
                                    

Nakakasilaw na liwanag.

Iyan ang bumungad sa akin nang magising ako na may mabigat na ulo. Pakiramdam ko ay mabibiyak na ito anumang oras. Malalim rin ang aking paghininga na para bang hirap na hirap ako.

Nagising akong masama ang aking pakiramdam na hindi ko malaman ang dahilan. Kahit simpleng pagtayo ay nahihirapan akong gawin. Kasabay nito ang pagsakit ng aking lalamunan na siyang nagpapahirap sa aking magsalita.

Halos ilang araw na rin ang nakakalipas at walang pagbabago sa araw-arw na patatagpo namin ng asawa ko. Maaga siyang aalis at gabi rin uuwi. Wala kaming oras sa isa't isa dahil kasama niya ang kaniyang nobya habang ako ay naiiwan dito sa bahay mag-isa.

Linggo ngayon at wala ang mga katulong at trabahador dahil umuuwi sila sa kanikanilang pamilya. Kami lang ni Lanz ang nasa bahay ngayon pero hindi pa ako sigurado kung umuwi nga ba siya kagabi. Pero kahit anong mangyari ay heto ako ngayon at pinipilit tumayo dahil walang magsisilbi sa asawa ko.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili ko pero mukha pa rin akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa itsura ko ngayon.

Pakiramdam ko ay ang laki ng pinayat ko, ang mga mata ay malalim na namumugto, at ang balat at labi ay namumutla

Nang makababa ako ay nagluto agad ako ng simpleng almusal tulad ng ham, hotdog, egg, and toast bago nagtimpla ng kape habang nahihilo-hilo pa. Sakto naman pagkatapos ko ay nakarinig na ako ng mga yabag ng paa mula sa labas.

Nang makalapit ito sa kusina ay napalingon ako sa gawi no'n at parang napuno muli ng enerhiya ang katawan ko dahil nasilayan ko na naman ang gwapo at bagong gising na mukha ng asawa ko. Magulo pa ang buhok at papikit pikit pa ang mga mata habang simpleng white t-shirt at shorts lang ang suot niya.

"Ah, Lanz. K-kain kana." Pagyaya ko sa kaniyang kumain na bahagyang paos pa pero mayroong matamis na ngiti sa aking labi.

Sandali niyang pinagmasdan ang kabuoan ko at dahil duon, nagtama ang mata namin dahilan ng pagbundol na naman ng aking puso na tila ba gustong kumawala sa dibdib ko upang yakapin siya. Ang mga mata niya ay mapanuri at tila ba hindi pinapalampas ang ni isang detalye sa kabuoan ko ngunit hindi rin nagtagal ay inalis niya ang tingin sa akin bago ilipat ito sa mga pagkain na nakahain sa mesa.

"'Yan lang ang pagkain?"

Agad namang nawala ang ngiti ko at natigilan sa turan niya. Hindi ko siya maunawaan noong una ngunit nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin at sumagot nang may pag-aalala at pagkapahiya.

"M-may gusto ka pa bang i-iba? Ipagluluto ulit k-kita."

Umismid siya at umiling bago umupo sa dulo ng mesa. Walang gana siyang sumagot sa akin nang hindi ako nililingon at binibigyang pansin.

"Tsk. Huwag na, pwede na 'to."

Naalarma naman ako dahil duon at mabilis na lumapit sa tabi niya kahit nanghihina ang aking katawan.

"H-hindi! I-ipagluluto kita ng b-bago." pagpupumilit ko pa.

Hindi ko naman gustong kulitin pa siya pero ayoko namang kainin niya ang pagkaing niluto ko na hindi naman siya gusto. Tinignan niya ako ng masama at mukhang napipikon na dahilan ng pagyuko ng ulo ko.

"Huwag ka ng makulit, pwede ba?"

Bahagyang tumaas ang boses niya kaya nataranta ako, "P-pasensya na..."

Hindi na siya sumagot at nagsalita pa pero nanatili ako sa tabi niya, nag-aabang kung may kailangan pa siya. Hindi naman ako nagkamali nang luminga-linga siya na para bang may hinahanap.

"M-may kailangan ka ba?"

Hindi siya lumingon sa akin nang tumango siya at nagsalita, "Yung kape?"

At duon ko naalala na hindi ko pa nga pala siya nadadalhan ng kape sa lamesa, "Ah, s-sandali..."

L'Soberania #1: VillagarciaWhere stories live. Discover now