06

468 24 8
                                    

"Caspian, baka masunog 'yun!"

Kanina pa tumutunog ang alarm para sa oven pero hindi gumagalaw ang isang 'to. Abala kasi ako ngayon sa paghahalo ng icing na gagamitin namin para sa ginawang chocolate cupcakes.

Imbis na kunin niya iyon sa oven, pilit niyang inaagaw sa akin ang hand mixer na ginagamit ko.

"Ito na, ito na." Kamot ulong pagsuko niya.

Matapos namin mamili sa grocery store kanina, umuwi kami agad para makapagluto ng tanghalian si Eda.

Wala kaming ibang ginawa ni Caspian kundi ang magkatuwan dito sa bahay. Manood ng mga palabas na cartoon, kumain, maglaro, tumakbo, mag-asaran, at magluto.

Sa madaling salita, magkalat at pahirapan si Eda na maglinis.

At ideya lahat iyon ni Caspian. Kaya naman ang isa ay kanina pa kami binubulyawan at sinusungitan.

Kakatapos lang namin maghapunan ngayon at maagang nagpaalam si Eda upang magpahinga. Panigurado ay napagod dahil sa kakulitan naming dalawa.

Kanina pa ako nakukunsensya sa mga kagagawan ni Caspian na mukhang tuwang tuwa talagang inisin si Eda at dinadamay pa niya talaga ako.

Babawi nalang ako bukas para tulungan siya sa mga gawaing bahay.

Si Caspian kasi!

"Tang--- Ang init!"

Dali daling ibinaba si Caspian ang cupcake pan sa lamesa na may kasamang pagdaing dahil mainit ito kahit gumamit naman siya ng heat gloves.

Gusto ko sanang maawa dahil bahagya siyang napaso pero mas nanaig sa akin ang matawa dahil sa itsura niya ngayong hindi na maipinta.

"Bakit mo naman naisipang magbake, Caspian?" Tanong ko habang dahan dahang nilalagyan ng icing ang bawak tuktok ng cupcake.

"Alam mo..."

Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay tutok na tutok sa ginagawa niya, ginagaya ang paglalagay ko ng icing sa cupcake.

Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa aking ginagawa bago inosenteng sumagot, "Hindi pa."

Narinig ko siyang malalim na bumuntong hininga kaya naman muli akong napalingon sa kaniya na ngayon ay umiirap na.

"Tsismosa ka. Ang dami dami mong tanong!" Iyon ang isinagot niya bago kunot noong bumaling sa cupcake niya.

Napanguso naman ako at bumulong na narinig naman niya, "Nagtatanong lang naman."

"Oh, talaga ba?"

Impit akong napatili nang makaramdam ng lamig sa tuktok ng aking ilong.

Nang balingan ko ang salarin ay hawak hawak na niya ang isang bowl habang ang kaniyang daliri ay may bakas ng icing. Mayroong naglalarong ngisi sa kaniyang labi na para bang hinahamon at inaasar ako.

At nang hawakan ko ang aking ilong ay dumikit sa aking daliri ang lagkit ng puting icing.

"Caspian!" Sita ko sa kaniya nang lagyan muli ako ng icing at ngayon ay sa pisngi naman.

"Kespiyen!" Pinatinis niya sa kaniyang boses upang magaya ako na may kasabay pang pag-irap.

Natawa naman ako nang dahil sa ginawa niya. Nagmumukha na naman kasi siyang batang naghahanap ng kalaro.

Binitawan ko ang kaninang hawak na piping bag bago nagtangkang habulin siya. Ngunit bago pa man ako makalapit sa kaniya ay umikot na siya sa lamesa habang humahalakhak kaya naman sa kabila ako umikot para salubungin siya.

L'Soberania #1: VillagarciaWhere stories live. Discover now