05

517 21 14
                                    

Banayad na paghaplos sa aking buhok ang gumising sa akin.

Ngayon, sa pagdilat ng aking mga mata ay natatakot ako sa aking matutunghayan.

May kung anong pag-aalala sa akin na hindi mawala sa tuwing susubok ako sa isang bagay, natatakot sa naghihintay para sa akin.

Nang bahagya kong buksan ang aking mata upang sumilip ay bumungad sa akin ang malabong pigura ng isang lalaki.

Sa palagay ko ay siya ang lalaking nagpapatibok ng aking puso ngunit siya ring dahilan ng aking pagdurusa.

"L-lanz..." Mahina ngunit mababakas ang mangiyak ngiyak na boses kong tawag sa kaniya nang maalala ang ginawa niyang pag-iwan sa akin kagabi.

Nakarinig ako ng mahinang pagtikhim at hindi kalaunan ay bumalot naman sa aking tainga ang boses ng isang lalaking hindi ko inaasahan na makakaharap ko ngayon.

"Ang feeling mo, kanina pa umalis si kuya."

Tuluyan ko na ngang idinilat ang mata ko at tumambad sa aking harapan ang nakalumbaba at nakangiting itsura ng pinabatang mukha ng aking asawa.

"Good morning, my princess!" Masiglang bati niya sa akin at ipinikit pikit pa ang mga mata na parang nagpapa-cute sa aking harapan.

Kasalukuyan akong nakatagilid sa aking kinahihigaan at siya naman ay nakapalumbaba sa aking kama habang nakaharap sa akin at tutok na tutok pa sa aking mukha. Napabalikwas naman ako ng bangon dahil sa pagkakagulat.

"C-caspian?"

Hindi siya sumagot at sandaling pinikit ang kaniyang mga mata bago tumango ng ilang ulit.

"A-anong ginagawa mo dito? K-kailan kapa nakauwi?"

Hindi pa rin siya gumagalaw mula sa pwesto niya kanina nang sumagot sa aking mga tanong, "Wala lang. Kanina lang."

Napatingin naman ako sa paligid at ang tanging nakita ko lang ay ang ordinaryong silid ko na wala namang pagbabago kaya sigurado akong hindi ako nanaginip ngayon.

Nang balingan ko naman siya ay nakahiga na siya sa aking kama at nakapikit, mukhang handa nang matulog kaya kinalabit ko siya.

"Huy."

Hindi siya sumagot at itinakip lang ang kamay sa kaniyang mga mata, hindi ako pinapansin. Napasimangot naman ako nang dahil doon kaya naman mahina kong pinalo ang kaniyang dibdib kaya napadaing siya.

"Tang---" Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang dali dali siyang tumayo at tumingin sa aking mukha.

"Tangos! Ang tangos ng ilong mo, ang sarap kurutin!"

At iyon na nga ang ginawa niya, kinurot at pinanggigilan niya ang ilong ko. Mabilis namang kumalat ang sakit duon kaya bahagya akong napasigaw.

"Aray! Masakit, Caspian!"

Hindi pa siya tumigil dahil ang sunod niyang ginawa ay nakakuha ng malakas na halakhak mula sa akin. Kinikiliti niya ako sa aking bewang at isasabay ang aking leeg.

"Caspian!"

Napuno ng tawanan ang buong silid ko. Pakiramdam ko ngayon lang ulit ako nagpakawala ng ganitong klaseng tawa. Pero alam ko na sa kabila ng halakhak na ito ay hindi magtatagal, panibagong sakit na naman ang dadaan na magdudulot ng pagdausdos ng aking mga luha.

Pero hindi naman siguro masama na kahit sandali lang, takasan ko muna ang mga bagay na nagpapahirap sa akin.

Kahit sandali lang.

"Tama na, hindi ako makahinga!"

Ilang minuto rin ang tinagal ng aming kulitan ni Caspian bago siya tumigil. Pareho na kaming nakahiga ngayon sa aking kama at naghahabol ng hininga habang nakatitig sa kisame.

L'Soberania #1: VillagarciaWhere stories live. Discover now