01

1K 33 80
                                    

"Where the fuck is my wife?!"

Napabalikwas ako ng tayo mula sa pagkakaupo sa bench na matatagpuan sa tagong lugar dito sa mansyon. Madilim na at ramdam ko ang malamig na gabing bumabalot sa aking katawan. Naputol ang aking malalim na pag-iisip nang may malakas na sigaw at pagwawala na dumagundong sa paligid.

Nakauwi na siya.

Gusto kong umiyak na lamang nang umiyak dahil sa halo-halong emosyon ngunit mukhang naubos na ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata.

"Tanginang yan! Huwang niyong sabihin na natakasan kayo?!"

Gusto ko na ring magpakita na lamang sa kaniya upang tumigil na siya sa pagwawala pero binabalot ako ng takot sa maaaring gawin niya sa akin.

"You idiots! Ano pang tinutunganga niyo?!"

"Hanapin niyo ang asawa ko, mga tanga!"

Lubha ang panginginig ng aking mga kamay kasabay ng pagtulo ng akin mga pawis habang yakap yakap ko ang aking sarili.

Ayaw ko siyang makita dahil sa sakit na bumabalot sa aking puso sa tuwing masisilayan ko ang kaniyang mukhang hindi ko kayang tiisin.

Limang buwan na akong nakakulong sa mansyong pagmamayari ng unico hijo ng mga Castillo. Sa loob ng mga panahong iyon ay wala akong naramdamang aruga't pagmamahal, 'di tulad ng inaasahan ko. Kinulong ako sa iilang sulok ng kalakihang pamamahay at itinuturing na prinsesa ngunit pakiramdam ko ay isa lang akong manika ng aking asawa.

Akala ko ay isa itong paraan ng kaniyang simpleng pangangalaga't pakialam, ngunit pinagsamantalahan niya ang taimtim at tunay na nararamdaman ko sa kaniya.

Gusto kong magalit. Gusto kong maghiganti. Gusto ko siyang iwan, pero hindi ko maintindihan na sa kabila ng mga sakit ay mas pinili kong magpakatanga at tanggapin ang lahat dahil sa kadahilanang 'mahal ko siya.'

Huminga ako ng malalim bago tumayo at pinagpagan ang suot kong dilaw na bestida. Naglakad ako ng bahagya, nagtira ng ilang pagitan mula sa sliding door na nagkokonekta sa mansyon at sa malawak na hardin. Sumalubong sa akin ang tahimik at maaliwalas na paligid kaya naman napagpasiyahan kong manatili na lamang dito hanggang sa matagpuan nila ako.

Pinagmasdan ko ang mabubungang mga bulaklak na lumiliwanag pa rin sa kabila ng madilim na gabi. Ang mga dahon na siyang malayang sumasabay sa simoy ng hangin. At syempre, ang buwan na siyang tahimik na nakamasid mula sa itaas kasama ang mga bituin.

"Zaccaria!"

At hindi nga ako nagkamali dahil hindi pa umaabot ng ilang minuto noong narinig ko ang may awtoridad niyang sigaw sa aking pangalan. Ang kaninang takot na aking nararamdaman ay lumala lamang na naging sanhi ng panginginig ng aking katawan, ngunit kalakip nito ang pananabik sa kaniyang boses na muli kong narinig matapos ang isang napakahabang araw.

Lumingon ako sa kaniya at nagtama ang aming mga mata. Ang kulay abo kong mata ay sinalubong ang kaniyang itim ngunit nagbabaga sa galit na mga mata.

"L-lanz... N-nakauwi ka na pala..." Saad ko gamit ang kinakabahang tono.

Malalaki ang hakbang niya upang makalapit sa akin at agresibong hinablot ang aking braso bago dali-daling naglakad papasok sa mansyon. Kinakaladkad niya ako kaya naman halos matapilok na ako habang sumasakit naman ang braso kong mahigpit na kinakapitan ng kamay niya.

"N-nasasaktan ako, L-lanz..." Pilit akong kumawala sa hawak niya ngunit mas hinigpitan niya ang kapit sa braso ko dahilan kung bakit ako napadaing sa sakit.

"Putangina naman, Zaccaria! Sinabi ko na naman sa'yo na hindi ka pwedeng lumabas! Ang tigas ng ulo mo!"

Hindi ko maunawaan kung bakit mahigpit ang pagbabawal niya sa aking lumabas ng bahay kahit sa simpleng hardin na hindi naman nalalayo sa bubong ng mansyon niya. Sa tuwing sususwayin ko ang utos niya sa kagustuhang makalanghap ng sariwang hangin at upang makakita naman ng ibang tanawin ay nagiging sanhi lamang ng pagkagalit niya.

L'Soberania #1: VillagarciaWhere stories live. Discover now