08

467 25 6
                                    

"Are you sure you're okay?"

Pangatlong beses na iyon sa loob ng mahigit tatlumpung minuto.

Isa na namang malalim at matunog na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.

Tahimik ang paligid. Salungat sa isipan kong gulong-gulo na sa mga nalalaman ko at nangyayari sa akin.

Walang nadadaang sasakyan kundi ang sinasakyan lang namin at ang apat pang sasakyan na nakasunod sa amin na sakay ang mga bodyguards ni Lavinia.

Mula sa umuusad na bintana ng sasakyan ay bumaling ang aking mata sa aking katabi, walang iba kundi ang nobya ng aking asawa.

"O-opo..." Upang mabawasan ang kaniyang pag-aalala ay binibyan ko siya ng sinserong ngiti ngunit hindi ito umaabot sa aking mata.

"What happened?"

Akala ko ay titigil na siya pero hindi pala. Matapos kong makabasag sa isang store kanina ay napagdesisyunan na naming umuwi.

Ang totoo niyan, si Lavinia ang nag-aya dahil mukha raw hindi maganda ang pakiramdam ko at nag-aalala daw siya. Siya na nga din ang nagbayad sa nabasag ko kaya sobra-sobra ang hiyang nararamdaman ko hanggang ngayon.

Pero hindi noon napapantayan ang gulat, sakit, at lito na aking nararamdaman nang dahil sa nalaman ko.

'It's our anniversary.'

'It's our anniversary.'

'It's our anniversary.'

'It's our anniversary.'

'It's our anniversary.'

Paulit-ulit itong umiikot sa aking isipin. Pagod na pagod na akong marinig iyon. Pero tila ba kahit anong gawin ko ay walang makakapigil sa mga salitang iyon.

Hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang mga salitang nagsasabihing binabawi niya ang sinabi niya kanina.

Na isang 'joke' lang ang lahat. O mas mabuti, panaginip na lang sana.

Pagod na akong masaktan ng ganito. Paulit-ulit na lang. Ano bang ginawa ko para mangyari sa akin 'to?

Kahit ilang taon na ang nakalipas at kahit alam kong hindi naman pwede, gusto ko na lang bumalik sa mga panahong kasama ko ang papa ko.

Mga panahong okay pa ang lahat. Mga panahong hindi niya ako hinahayaang masaktan. Na kahit mumunting dumi ay hindi niya hinahayaang dumapo sa balat ko. Laging nandyan sa tuwing malungkot ako.

Yung mga panahong hindi inaalala ang ibang bagay dahil ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa.

Papa...

"Your kuya Lanz must be worried."

Iyon na nga ang nagpagising sa aking diwa. Tila ba nakarinig ng isang napaka imposibleng bagay. Sarkastiko akong napatawa sa aking isipan.

W-wala naman siyang pakialam...

Naiilang ako sa mga tingin ni Lavinia sa akin. Mukhang hinihintay niya kasi ang sagot sa kaniyang katanungan na kanina niya pa ipinipilit sa akin. "Ahm..."

Hindi ko naman pwedeng sabihin ang tunay na dahilan sa nangyari kanina dahil hindi pa malinaw ang lahat sa akin. Kaya naman tulad ng madalas kong ginagawa ay napilitan na naman akong mag-imbento ng idadahilan ko.

"N-nakita ko po kasi yung ex-boyfriend ko kanina sa m-mall."

Biglang nanlaki ang kaniyang mata ng dahil sa narinig at malakas na suminghap habang ang kanang kamay ay tinatakpan ang kaniyang bibig.

L'Soberania #1: VillagarciaWhere stories live. Discover now