"Liko ka rito." Turo niya pakanan nang makalabas kami ng bundok. May mga sasakyan na kaming nakikita makalipas ang siguro kalahating oras.
"Malapit na ba tayo?" Tanong ko nang makarating kami sa bayan. Tumango siya kaya naisipan ko na maglakad na lang. Kawawa naman si Vega. Uuwi pa kami mamaya.
"Doon tayo sa Park Way. Mag-bike tayo!" Masayang sambit ni Eugene. Natawa ako dahil medyo hindi ako marunong mag-bike.
Itinali namin si Vega sa tabi ng guardhouse para mabantayan din ng bantay roon. Nag-arkila kami ng bike sa isang oras at nalaman niya rin agad na hindi ako marunong.
"Sige, bibitawan na kita, ha!" Pananakot pa niya habang nakahawak sa likod na bahagi ng bike ko. Ako naman ay nagpepedal lang habang nagpa-panic onti.
"T-teka lang! H-huwag muna. Paano kung malaglag ako?!" Takot kong sambit.
"Anong 'paano kung malaglag'?" Kumunot ang noo ko dahil mahina ang boses niya kaya napalingon ako. Nakita ko siyang nakatayo sa kabilang side. Kanina pa pala niya ako binitawan! Siraulo! Scammer!
Tumingala ako nang may maramdaman na pumatak sa mukha ko. Umaambon! Umikot ako kay Eugene at agad kaming bumalik sa bike shop. Nagbayad na kami bago tumakbo kay Vega.
[TWITTER]
🍁 🔒 @autumnleaves
👺👹👺👹👺👹| replying to @autumnleaves:
joke clout chasing lang ule 🫢"Bilis! Iba na lang ang gawin natin. May malapit dito!" Itinakip ko ang roba na suot kay Vega habang tumatakbo kami papasok sa isang bilyaran.
Huh... How nostalgic. I used to play pool back in Manila when I was still in college.
Medyo inabutan kami ng ulan kaya nabasa tuloy ang dress ko at buhok. Si Eugene naman ay agad tinanggal ang roba na nakapatong kay Vega. Itatakip niya na sa akin ang roba nang may mauna sa kanya. I smelled a very familiar scent coming from the jacket on my shoulders. Sabay kaming lumingon at nakita si Alfaro na galit na galit.
"W-what are you doing here?" Gulat kong tanong. Hindi ito sumagot at nakipag titigan kay Eugene.
"Dude, calm down. I didn't do anything." Tinaas ni Eugene ang dalawang kamay. Nginitian ko siya bago nagpasalamat at kinuha ang roba ko sa kanya.
"I should be the one asking you that, Lux." That voice again. So different and scary— something I'm not used to. Nanginig ako nang umihip ang hangin. Lumapit si Alfaro upang harangan ang hangin na direktang tumatama sa katawan ko. Yumuko ako habang yakap ang sarili.
"What were you doing here? With that guy, Lux?" Humina ang boses niya dahil magkatapat na kaming dalawa at halos magdikit ang katawan namin. I can feel the heat radiating from his body to mine. Halos isubsob ko ang sarili sa kanya.
BINABASA MO ANG
anywhere, somewhere, far away
Lãng mạnMirabile Sisters #1: Lux Priscilla Mirabile ©️ All Rights Reserved 承 - 轉 - 結 (support)