06

17 3 9
                                    

"Thank you for not listening to me noong sinabi ko na hindi mo na kailangan magpaliwanag kay lolo. " I glanced at Alfaro with a small smile. Tahimik lang siyang nakatitig sa akin at hindi nagsalita. Nginitian niya ako.

"I may have to talk to lolo about this... Siguro hindi ngayon, but maybe after the event?" Inangat ko muli ang mata sa kanya.

"Yes, Lux..." Sang-ayon niya. Kunot noo ko siyang tinawanan. Kanina pa siya parang wala sa sarili! Ayos lang kaya ito?

"Tapos na tayo kumain... Ano nga pala iyong sasabihin mo?" Paalala ko pagkatapos sumimsim ng champagne na sinerve sa amin.

"Oh," he cleared his throat. "Is the food to your liking? Sorry, I haven't had the chance to ask for your choice of food." I saw how he slightly blushed. Ngumiti ako.

"It's fine! I loved it." Pero hindi pa iyon ang tanong niya. Kaya hinintay ko.

"I see." Tango niya. May kakaibang awra sa kanya ngayon. I can't pinpoint what it is, but there's something foreign.

Nang magtama ang mga mata namin ay napahugot ako ng hininga. His dark, expressive eyes stared back at me, drowning me.

"I... I'm in lo—" His words got cut off when both our phones started ringing. My phone was the first one to ring, then after a few seconds, his phone started ringing as well.

Tumatawag si Lily... Sabay namin sinagot ni Alfaro ang tumatawag sa amin at sabay rin kaming napatingin sa isa't isa.

"What do you mean fell? Is Flora all right?" Agad akong napatayo. Mabilis kong kinuha ang gamit ko at ganoon din si Alfaro.

"Pasakay na raw si Flora at may kinausap lang saglit si Doc Nikolas sa stables ng mga kabayo mo pero bigla raw nagwala si Vega." Boses naman ni Willow ang narinig ko. Agad kumunot ang noo ko. Naramdaman ko ang mainit na palad ni Alfaro sa likod ko, napansin ko na inaalalayan ako nito sa paglalakad dahil muntik na ako bumangga sa pinto. Tapos na rin siya makipag-usap kaya naman mabilis niyang nabuksan ang kotse niya.

"Vega? Ang usapan namin ay si Violet!" Napahilot ako sa noo ko bago pumikit. Hindi pa ganoon ka-okay si Vega, kaya nga hindi ko siya masyado dinadala kung saan.

"Yeah, she never listen. And now, pinapagalitan siya ni lolo. Kung makanguso ngayon akala mo inaapi!" Natatawang sambit ni Lily.

"How is she now? Hindi naman ganoon kalala ang pagkakabagsak niya?" Hindi ko mapigilan mag-alala dahil alam ko ang pakiramdam ng malaglag mula kay Vega. Malaki ito at matangkad! Plus, she's not used to things like this!

"She's fine now. May iilang gasgas lang sa katawan. Good thing, Doctor Nikolas is here. Agad siyang nagawan ng first aid." Ano nanaman kaya ang ginawa niya para mapapayag si Doc Wyatt na kay Vega ito sumakay. Matindi ang bilin ko rito na huwag na huwag pasakayin kina Vega at Vesper si Flora.

But knowing my sister, she's unpredictable and so hardheaded.

"Lux, she's fine. Si Niko ang tumawag sa akin. Don't worry." Hinawakan ni Alfaro ang kamay kong nasa binti ko. Nilingon ko siya at nginitian ng malungkot. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

Mainit ang kamay niya samantalang ang akin ay napakalamig. Probably because I'm nervous and anxious.

"We're here, Lux." Agad kong tinanggal ang seatbelt at bubuksan na sana ang pinto nang i-lock ulit iyon ni Alfaro... Kunot noo ko siyang nilingon at medyo nagtakha.

anywhere, somewhere, far awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon