08

20 3 7
                                    

Ilang araw rin akong hindi nila masyado pinagalaw. Kaya naman hanggang chismis na lang ako sa mga balita at nangyayari sa labas ng palasyo.

Nanalo kami ni Vesper sa endurance running at si Amalla naman sana sa show jumping, ngunit na-disqualify siya dahil nga sa ginawa niya kaya napunta sa iba ang award. Nakuha na rin namin ni Vesper ang trophy namin kaya agad akong nagpunta sa stable para makapag-picture kami.

Maghapon naman nasa tabi ko si Alfaro habang nasa labas ng palasyo. Akala mo naman ay baldado ako!

[TWITTER]

Lux @priscillalux
Kaninong personal doctor ka po ba, @dr.alfarodeayala? Sa akin o kay lolo? Medyo nakakalito po kasi. 😅
| A.Lenoci @dr.alfarodeayala replied:
Your family. Pero pwede naman natin pag-usapan when it comes to you. 😊
| niko pogi @N.WyattDVM replied:
Gusto ko lang naman mag twitter... Soft block ko kaya kayo?

A.Lenoci @dr.alfarodeayala
What's soft block? @N.WyattDVM
| florette @mirabileflora replied:
It's when you block someone then immediately unblocking them to remove their follow on your account. You will still manage to dm them, but won't see their tweets on your feed, Doc. Hope this helps!
| galit sa bulaklak @N.WyattDVM replied:
Ay bakit sinabi... 😠

A.Lenoci @dr.alfarodeayala
Soft block pala, huh? I'll bad mouth you in front of the Señor. Paalam, Palawan.
| galit sa bulaklak @N.WyattDVM replied:
Uy gagi joke lang. Di ka naman mabiro doc parang di tropa ha

We have been next to each other the whole week while I was preparing for Flora's twenty-first birthday. Bukas na ang celebration at sobrang grande nito! Nag-imbita pa si Lolo ng mga business partners niya. Pati na rin ang Giannellis. Ayaw niya sana, pero sabi ko for formality.

It's not like may lakas pa sila ng loob pumunta dahil sa nangyari. But it's not a bad thing pa rin naman if they do come.

Sa grand ballroom gaganapin ang celebration. Hindi halatang isang linggo lang ginawa dahil napakaganda ng itsura ng palasyo. Sa rami ba naman ng trabahante ni lolo... Pati sa labas ay may disensyo. Mula sa garden, portico, swimming pool at marami pa!

May ibang bisita na kahapon dumating, mga kilalang pamilya at ibang kasyosyo ni lolo sa business. Gusto sana ni lolo na rito sila patuluyin sa palasyo sapagkat marami namang bed chambers na available ngunit umayaw sila dahil gusto nila sa resort namin. Nais daw nila mag dagat at pumunta sa mga falls at caves. Wala naman nagawa si lolo dahil iyon ang kagustuhan ng mga bisita.

"When's our gown coming?" Excited na tanong ni Lily over lunch. Lolo smiled at her.

"Right now." Sabay-sabay kaming napalingon sa malaking pinto ng dining room. Pumasok sina Alfaro at Wyatt na parang kagigising lang. Kasunod nila ay ang mga tauhan ng kilalang designer sa buong mundo. Lolo is friends with him, so the gowns were prioritized.

Bawat gown ay bitbit ng dalawang tao papasok sa loob. Nakatakip iyon sa puting tela. Agad tumabi sa akin si Alfaro. I gave him a smile before greeting him a good morning. Si Doc Wyatt naman ay doon sa bakanteng upuan katabi ni Flora.

"Excited? I know you'll look great on it, Lux." Malawak ang ngiti ko sa kanya.

"Oh, oh!" I face him in an excited manner while clapping in small fonts. Alfaro chuckles beside me. "How's your suit? Nakuha mo na?"

"Yeah, just yesterday. I already tried it on." Napanganga ako.

"Why didn't you let me see it?" Ngumuso ako. Napakamot siya sa nagsisimula nanamang mamula na tenga niya.

"I'm shy." He said.

"Okay, I'll see it naman in person later!" Pinakita na nila sa amin ang gowns and they are fabulous!

anywhere, somewhere, far awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon