KABANATA 38

7.9K 201 9
                                    

●●●●●


"Eh 'yong Mama mo nga chismosa nga inasar ba kita?"hinahanap ko ang akin napaka kulit na anak.

Natagpuan ko lang siya sa tabing bahay namin nakipag away sa kapitbahay namin. Ito talaga batang 'to.

"Aeion! Sinasabi ko sayo! Nang-aaway ka na naman umuwi ka at maligo, di mo pa natapos ang assignment mo, nako! Kukurutin kita sa singit, sige ka!"bumelat ang ang limang taong gulang kong anak.

Aeion Jahlil Anderson.

Ginamit ko ang surname namin kasi di naman kami kasal ni Alex.

Medyo matabil talaga ang dila ng anak ko, eh saan pa ba magmamana ede sa Lola. Na medyo akin.

Medyo masungit rin ito, pero malambing ito sa akin, na empluwensyahan ng pasaway ko ring kapatid ede 'yan. Pasaway.

"Sige po nay, wait lang!"bungisngis pa ang bulilit.

"Dalian mo, dadalhin kita sa palengke!"sigaw pa balik ko sabay pasok sa two storey house namin.

Ang nasa baba ng bahay namin ay ang aming karenderya, ang aming pinagkukuhanan ng pera araw araw.

Kaming dalawa ni Mama ang nagluluto at si Mica naman ang server. Sino mag aakala na mag-aaply sa amin si Mica as a server kasi wala na daw siyang balak bumalik sa Maynila katulad ko. 

Siguro tungkol 'yon sa ex ninyang si "Jojo"

Si Mama naman matapos ninya maoperahan ay 3 months ninyang hindi magalaw ang kanang kamay dahil 'yon nga. Na stroke daw siya pero dahil sa pag tyityiga namin sa pag papa check up at sa treatment na rin.

Nagpapasalamat rin ako kay Erika at Mica dahil sila 'yong kaibigan kong nandito sa tabi ko ng buntis ko at lugmok.

Si Erika ang kakambal ni Mica. True name ninya ay Maria Erica, medyo mas mahinhin itong si Ate Erica. Sa katunayan ay ang gaganda nila. Parang may lahi katulad ko. Pero ang sabi sabi daw na rape daw ang nanay nila ng isang banyaga kaya ganyan ang lahi nila.

Hindi naman daw nila nakilala ang nanay at tatay nila at wala silang balak na kilalalanin.

Si Justin naman ay 2nd year college in civil engineering. 'Yon sa awa ng diyos medyo nakaluwag luwag kami ng pinanganak ko si Aeion. Lucky charm siya ng buhay namin.

About naman kay Alex at Henry wala na akong balita basta ang last kong narinig sa balita is magpapakasal daw silang dalawa.

Ede good for them. Naka move on na ako eh.

Minsan hinahanap ni Aeion ang Ama at hindi ko naman siya pinagsisinungalingan dahil may sama ng loob ako sa Ama ninya. Lahat ng tanong ninya about sa Ama ninya sinasagot ko ng maayos at walang halong kasinungalingan.

Kontento na ako sa buhay ko siguro nalulungkot para sa anak ko pero, mas okay na 'yon kaysa ipagpipilitan ang responsibilidad ni Alex.

"Anak ito ang bibilhin mo, si Justin na ang tutulong dito sa akin sa kusina, paki singil na rin si Aling bebang sa Avon ninyang utang sa akin 250 pa 'yon. Sabi ninya babayaran ninya sa linggo. Linggo na ngayon kaya paki singil na lang. Tapos ito ang 500 paki bayad sa SSS ko. At syempre may tabi ako para sa apo ko, bilhan mo siya ng bagong tsinelas at bagong bag malapit na ang pasukan."ang bait talaga ng ina ko. Ina ko 'to!

HMBS [ COMPLETED ] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon