KABANATA 39

7.7K 170 8
                                    

●●●●●

Busy ako sa pag sl-slice ng mga rekados para sa lulutuin naming pansit at bihon. Alas sinco palang ng umaga ang luluto na kami.

"Justin na ubos ang patis natin bumili ka nga don!" Sana dinami ko nalang ang pagbili ng patis.

"Sige Ate, wait lang po."nasa taas pa kasi si Justin. Pinapaliguan si bulilit.

Halos isang oras at sampong minuto akong busy sa pagluluto sa aming i bebenta. Denisplay na namin ang bagong luto sa crystal na cover ng mga ulam.

"Ate pabili ng tortang talong, limang pisong sabaw ng nilaga at dalawang lumpia."binalotan ko siya ng order ninya. si Mica kasi busy na siya pagseserve ng ibang customer dito.

Dito ba nag-uumagahan. hindi naman kalakihan ang sweldo ni Mica pero may benefits naman like hinuhulugan ko ang SSS ninya pag-ibig, at marami pang iba.

Si Ate Erica naman ay may trabaho sa pabrika na pag-aari ni Marko ang masugid kong manliligaw.

Busying busy talaga kami kaya hindi pa ako nakapag umagahan mamaya na, kung medyo kumunti na ang customer. kami lang kasing tatlo ang nagtratrabaho dito. May balak kaming mag hire uli ng isang sever at taga tulong sa paghugas ng plato pero kapos pa sa budgets lalo na't college na si Justin, si Jhalil mag aaral na sa pasukan.

May last therapy pa si Mama para magalaw ninya ang tatlong daliri sa left side ng kamay. 'Yong tatlong 'yon ay hindi na nagfu-function pero may posibilidad na bumalik sa dati kung i papatherapy, tuloy-tuloy. Medyo hirap si Mama sa pagluluto kasi parang patay patay lang daw ng mga daliri ninya. Kaya halos maubos na talaga ang pera namin. Buti't nalang ay ni-negosyo namin.

May time na medyo kumikirot ang left hand ninya dahil daw don sa tatlong daliri. Medyo naaapektuhan ang dalawang natitira. Kaya hangga't kaya at maaagapan pa, sulusyonan na.

"Mhie, may chismis ako." pangugulo ni Mica sa akin ng wala nang customers.

"Ano 'yon?"busy pa rin ako sa pag aayos ng ulam dito sa counter.

"May party daw sa Hacienda de Corazon! May sayawan at shala may mga dayo daw na ang popogi! Baka sign na 'to, na para na talaga ito sa atin, this time. At saka may pasabog daw ang may ari ng hacienda Ali. kaya ayon invited tayo Mare. alam mo naman may connection ako dito, sa kahit sino. Ako kaya ang most generous and kind sa ating baryo Mabini Di Mabúlbûl city!"napatawa naman ako sa last. Sa totoo lang, siya naman talaga ang most chismosa dito sa baryo namin lahat ng balita nasasagap ninya. Kaya hindi talaga ako huli sa trend at balita. Sinasabi ninya lahat sa akin eh.

"Jusko tigil tigilan mo ko Mica, wala ako oras diyan."saway ko sa kanya sabay entertain sa bagong pasok ma custumer.

"Good morning po, ano po ang inyo?"bati ko sa matanda sabay ngiti.

Dapat pang world class ang ngiti para ma feel ninya na nasa restaurant sila, at gini-give talaga namin ang best quality of foods and service from our karinderya.

"Ah iha, pwede maka hingi ng kahit sabaw lang. wala kasi kaming ulam ng apo ko, graduation ninya ngayon ayaw ko naman na aakyat siya sa stage na walang laman ang tyan."nakakawang lintanya ni Lola.

HMBS [ COMPLETED ] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon