KABANATA 45

9.5K 200 29
                                    

●●●●●


Kinagabihan ay wala pa rin ako sa sarili. Napapaisip pa rin ako sa mga sinabi ni Alex kanina.

Hindi daw sila nag sex ni Ariel pero buntis si Ariel? Don't tell me may kinakasamang iba si Ariel. Akala ko ba obsess at mahal ninya si Alex? O baka nagsisinungaling lang si Ariel para masaktan ako. Ang gulo, bwésït!

At mas lalong gumulo ang isip ko sa sinabi ni Alex. Mahal pa daw ninya ako all those years. Eh bakit ninya ako niloko? kailangan ko ba siyang kausapan para malaman at mapakingan?

Masyado ba akong bingi or bulag?

Mga ilang minuto ay nakapag-isip isip ako. Mag-uusap kami ng masinsinan bukas.

"Ma,"tawag ko sa kanya sa kusina. Alam kong nakamasid siya sa akin. Kanina pa ako dito sa inuupuan ko dahil masyado wala ako sa sarili.

"Anak."guilty ninyang wika. Alam ninya nakita ko siya eh.

Ano akala ninya sa akin bulag hindi makita ang pasimpleng pagtingin tingin ninya sa akin dito?

"Sagutin mo nga ako ng tapat Ma, nakakabuti bang payagan kong nakipag-usap kay Alex tungkol sa issue five years ago?"naguguluhan ako eh. Hindi ako makapag isip ng maayos.

"Alam mo anak, hindi sa kinakampihan ko siya ha, pero base sa mukha at ginagawa ninya mahal ka talaga ninya. Kaya bigyan mo na ng chance nakipag-usap. Hindi naman kita papayagan na kausapin siya kung alam kong masasaktan ka diba at saka wala namang mawawala kong kausapin mo siya diba?"

"Diba boto ka kay Marko Ma, at galit ka kay Alex? Anong nangyari."pangaasar ko.

"Wala change mind lang, anyways wag mong ilayo ang topic. Ito na nga. Isipin mo what if mali pala ang nakita mo nong five years ago? What if maling hinala lang? What if hindi talaga sila nag kineme that time? What if lang naman, binibigyan lang kita ng overthink, ikaw na dapat nagdesisyon sa buhay mo. Malaki kana nakapag produce na nga ng bata ang matres mo, kaya gora mo na 'yan."maling desisyon ata na manghingi pa ako ng advice kay Mama.

"At saka anak kausapin mo si Alex about sa anak ninyo. Hindi dapat na dadamay ang bata sa desisyon ninyo. ginawa ninyo 'yan, panigdigan mo."tumawa pa siya mama na parang kontrabida sa serye.

Nagbalat ako ng saging at sinuksok sa baba ninya kaya nabubuliunan siyang tumingin ng masama sa akin.

Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko kasi hinahabol na ako ni Mama ng sandok.

Pumasok ako sa kwarto, nagtaka ako ng hindi ko nakita si Jhalil, saan na 'yon pumunta?

"Jhalil?"tawag ko pero wala pa rin sumasagot.

Tinignan ko ang bintana namin sa likod wala rin siya sa aratilis. Ay baka nasa kwarto ni Justin, shútâ ang bobô ko.

Binuksan ko ang kwarto ng bunsong kapatid ko at don nakita ko silang  naglalaro sa PC ni Justin.

"Jhalil."

Tumingin sila sa akin kaya tumakbo silang pumunta sa direksyon ko. Binati naman ako ni Justin kaya tumango ako at niremind siyang wag magbababad sa Computer at kumain na ng meryenda sa baba.

"Sige ate,"

Tumango ako at sinarado ang pinto ninya binuhat ko ang bebebobot namin at pinaliguan ulit. Habang pinapaliguan ko siya kinausap ko siya.

HMBS [ COMPLETED ] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon