One

204 7 0
                                    

       SAMANTHA WALTON screamed after her driver stopped the bridal car she was in.

     "Oh My Gosh! What is it, Mang Narding?"

      She almost fell off her seat because of what happened. For God's sake! Kailangan ng dobleng ingat dahil ikakasal pa naman siya ngayong araw at ito na nga't papunta na sila sa simbahan.

     "Pasensya na po señorita, may itim na kotse po kasing humarang na lamang bigla sa daraanan natin." Halata sa tinig ng matanda ang kaba.

     A loud gunshot was heard shortly. Samantha gasped as she saw Mang Narding flinch from the gunshot wound to his shoulder and noticed the shattered glass on the side of the driver's seat. Another gasped escape her mouth when the car door opened. She could not help but scream in fear as the stranger pointed the gun at her.

MEANWHILE...

       SOMETHING fluttered in Gareth's chest, the moment he saw the strange look on his mother's face as she walked towards him. Gareth knew, it was a bad news. Hindi niya kayang mag-entertain ng masamang bagay sa ngayon, lalo na't ngayong araw ang kasal nila ng kaniyang kasintahan na si Samantha Walton. Nasa simbahan na nga siya at hinihintay na lamang ang pagdating ng dalaga.

        "Bakit po 'nay?" may halong kaba ang tinig ni Gareth, habang pinagpapawisan ng malamig. Inayos niya ang makapal na salamin na kaniyang suot.

        "A-anak..." mahina at nauutal na usal ng kan'yang ina. Nanginginig ang kamay at may iniabot na puting papel kay Gareth.

         Kinuha ni Gareth ang pirasong papel. "Ano po ito?" usisa niya sa ina na nag-umpisa nang umiyak.

        "Basahin mo ang nakasulat, anak. Para malaman mo..." anang kaniyang ina sa pagitan ng mga hikbi.

         Habang nanginginig ang kamay, marahang binuklat ni Gareth ang nakatuping papel. Nang mabasa ang nakasulat doon ay nagsimulang pumatak ang mga luha ng binata, marahan siyang napaluhod sa sahig ng simbahan, dahil tila nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Wala na siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya at tila naguguluhan sa mga nangyayari. Muling naglaro sa isip niya ang nabasa...

         "Sorry, Gareth. I can't make it."

                                             -SAMANTHA

          Maliwanag ang mensaheng iyon. Hindi na darating si Samantha ngayon. Hindi na siya nito nais pakasalan, walang kasalang magaganap. Napapikit si Gareth sa sakit na nararamdaman nang mga sandaling iyon. Sakit at kahihiyan na hindi lamang siya ang makakadarama, pati na rin ang mga taong mahal niya.

          "Kuya..." ang tanging nasambit na lamang ni Gail, ang bunso niyang kapatid. Awang-awa ito kay Gareth.

          "Anak tumayo ka diyan. Hala sige na huwag ka rito umiyak, umuwi na tayo. Hindi darating si Sam." Pilit na pinatatag ni Aling Estrella ang boses niyang basag dahil sa pag-iyak.

          Gareth felt a tap on his shoulder, he knew who it was. It was Mang Castor- his father.

          "Hala sige at Tumayo ka riyan, Gareth. Tara na anak at sa bahay tayo mag-usap," banayad na turan nito sa kaniya. Hindi gaya ng kaniyang ina, ang ama niya ay walang bakas ng luha sa mga mata, pero makikita roon ang sakit at awa patungkol sa anak.

           Marahang tumayo si Gareth at yukong-yuko na naglakad palabas ng simbahan. Nakasunod sa kaniya ang mga magulang at ibang kamag-anakan.

          "Masyado kasing ambisyoso, magpakasal ba naman sa isang heridera."

          "Ayan ang napapala ng mga matatayog ang pangarap. Umuuwing luhaan."

          "Nahibang kasi siya, akala niya e papakasalan siya ng isang matayog na katulad ni Samantha Walton."

           Iilan lamang iyan sa mga bulungan na nadidinig ng binata habang papalabas ng simbahan. Mga salitang tila patalim na tumatarak sa kaniyang dibdib, mga patalim na nag-iiwan ng marka sa kaniyang puso.

          Imbes na dumiretso ang binata sa kanilang bahay, tumakbo siya patungo sa hacienda ng mga Walton. Nais pa rin niyang makausap si Samantha, nais niyang tanungin kung bakit hindi ito sumipot sa simbahan. Marami siyang nais itanong sa dalaga.

         Nasa bukana pa lamang siya ng hacienda, nakita na ni Gareth ang papalapit na magarang sasakyan ng mga Walton, alam niyang nasa loob nun si Sam, kahit pa tinted ang mga salamin ng kotse. Si Sam lang naman kasi ang gumagamit ng kotseng iyon. Humarang siya at nagsisisigaw. Tumigil naman ang sasakyan.

        "Sam, mag-usap tayo. Bumaba ka!" may halong pagmamakaawang sabi ni Gareth sa dalaga. "Sam! please kausapin mo ako!"

        Ilang segundong pagmamakaawa at sa wakas ay may bumaba. Pero hindi si Sam iyon, kung hindi si Donya Thesa, ang madrasta ni Samantha. Kasama nito ang anak na si Carmela.

        "Gareth,bakit ka narito? Patungo pa lang kami sa simbahan e, medyo na-late na nga," bungad sa kaniya ni Donya Thesa na may pag-aalala sa mukha. Alam ni Gareth na galing pa sa Canada ang dalawa.

        "Nasaan ho si Samantha?" mahinang tanong niya sa Donya.

         Nangunot ang noo ni Donya Thesa at napatingin sa anak. "Hindi ba't umalis na ang Ate Samantha mo?" May halong pagtataka ang tinig nito.

          Sunod-sunod na napatango si Carmela. "Ang sabi niya sa amin kaninang tumawag e patungo na siya sa simbahan," mahinang sabi ni Carmela na tila naguguluhan sa mga nangyayari.

         "Nagpadala ho siya ng sulat sa akin, ang sabi niya ay ayaw na niyang ituloy ang kasal namin," ani Gareth sa garalgal na tinig.

         Nanlaki ang mata ni Doña Thesa. "Ano?! Nahihibang na ba si Samantha?! Hala sige, Carmela kunin mo ang cellphone mo at tawagan mo ang ate mo!" Utos ni Doña Thesa sa anak.

         Lumayo naman si Carmela at tinawagan nga si Samantha. Pero maya-maya pa ay bumalik din sa kanila. "Mommy, out of coverage naman ang cellphone ni Ate Sam," ulat nito na may awa sa mga mata nang balingan si Gareth.

         "H-Hayaan niyo na lang ho siya kung iyan ang desisyon niya." May pilit na ngiti sa labi ang binata, kahit sa totoo lang ay nais na niyang umiyak muli.

         "Pasensya ka na, Gareth. Hayaan mo kapag nakita ko ang batang iyon ay malilintikan talaga sa akin!" Nahimigan ng binata ang galit sa tinig ng Doña.

         "Hayaan niyo na lang ho siya. Aalis na ho ako at maraming salamat." Hindi na hinintay pa ni Gareth ang sagot ng Doña at tumalikod na siya.

         ANG TANGING nagawa na lamang ng pobreng si Gareth ay umuwi na lamang sa kanilang kubo. Mabigat ang mga paa sa paglalakad, hindi na siya makaiyak, tila namamanhid na ang kaniyang buong katawan.

         "G-gareth," sabi ni Aling Estrella na bakas sa mukha ang pag-aalala.

         "Matutulog ho muna ako, Inay." Tsaka niya nilampasan ang ina. Ayaw muna niya ng may kausap, gusto niyang mapag-isa.

          Pumasok ang binata sa kaniyang silid at marahang humiga sa maliit na papag na naroon.
Napatingin sa may butas-butas nilang pawid. Napatawa siya ng pagak. Kaya ba siya biglang iniwan ni Samantha ay dahil na-realize nito na hindi sila magkatulad ng mundo? Na masyadong malayo ang antas ng kanilang pamumuhay.

          Pero alam naman ni Samantha kung gaano kataas ang pangarap niya. Pinapatapos at iginagapang lamang niya si Gail sa college at kapag nakapagtapos na ito ay siya naman ang mag-aaral. Nainip ba ang dalaga sa pag-unlad niya?

THE BILLIONAIRE'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon