After Five Years...
"GIVE me a kiss, c'mon!" tawag ni Samantha kay Graciella. Lumuhod pa siya at sinalubong nang tumakbo ito papalapit sa kaniya.
"You're so sweet, Graciella!" ani Samantha rito at niyakap ng mahigpit ito.
Ganoon din ang ginawa ng limang taon na si Graciella. Kinarga niya ang anak at nagtungo sila sa malawak na living room ng kanilang mansion. Ang masion nila rito sa manila na halos kasinlaki ng mansion nila sa hacienda.
"Oh, ang aga mo yata, hija? Akala ko ba ay may meeting ka?"
Napatingin si Samantha sa kaniyang madrasta na pababa sa matarik na hagdan. Mapostura ito at halos suot yata nito ang lahat ng alahas. Habang hawak nito sa kabilang kamay ang mamahaling Prada bag nito na hiningi sa kaniya bilang regalo sa ika 50th birthday nito noong nakaraang buwan. Mukhang may lakad ang kaniyang madrasta at himalang hindi kasama ang anak na si Carmela.
Nginitian niya ang madrasta. "Umurong ho sa meeting ang foreign investor na kausap ko ngayon, " aniya rito na hindi maitago ang panghihinayang sa boses.
"Naku, ganoon ba? Paano na 'yan?"
"Hayaan niyo na ho 'yon, may mga darating pang investor. Anyway, mukhang may lakad ho kayo? Saan ho ang punta?" aniya na naisipang itanong sa madrasta.
"Sa taiwan. Mga ilang days lang naman kami ni Carmela doon, nag-aya kasi ang isang kaibigan ko. Nakakahiyang tanggihan," anito na malawak ang pagkakangiti.
Buti pa ito at si Carmela ay nagagawang mag-unwind madalas. Samantalang siya ay hindi na alam kung ano ang gagawin sa kompanya nilang namimiligro sa pagkalugi.
"Sige ho. Happy trip," iyon na lamang ang sinabi niya.
"Can I come with you, guys?" bigla ay sabi ni Graciella kay Doña Thesa.
"Oh no, Gracie. Hindi kita mababantayan doon," sagot nito sa bata.
Mabilis na bumaba sa hagdan si Doña Thesa at hinawakan sa braso si Sam. "Baka naman may cash ka diyan, Samantha? Pandagdag ko lang sa pera ko. Hindi kasi ako nakapag-withdraw dahil sa pagmamadali," anito na may pakiusap sa mga mata.
Hindi niya matanggihan ang madrasta. "Sige ho. Teka at kukuha ako," aniya at nilampasan ang babae upang magtungo sa silid niya.
Buhay pa ang ama niya ay ganoon na talaga ang madrasta. Sa pagkakaalala niya, binibigay naman ng ama niya ang lahat ng luho nito, kaya nang mamatay ang ama niya ay tila siya ang pumalit sa pagssupply ng luho ng babae at ng anak nitong si Carmela. Hindi naman problema iyon kay Samantha, dahil mabait naman sa kanya ang dalawa. Kaso sa katayuan ng kompanya ngayon ay kailangan nilang magtipid. Walang kaalam-alam ang dalawa na papalugi na ang Walton shipping company.
Nang maibigay ni Samantha ang pera sa babae ay dali-dali na itong umalis. At siya? As usual, naiwan siya kasama si Graciella.
"Let's sleep, Graciella. Mamaya ipapasyal kita sa parke," aniya sa anak na nasa tabi niya. Kinumutan niya rin ito at kapwa sila natulog.
"HEY, SAM!"
Biglang napalingon si Samantha sa tumawag sa kanya habang naglalakad siya sa parke kasama si Graciella.
"Ikaw pala, Drake. What are you doing here?" usisa niya sa binata na ngayon ay kasabay na niyang maglakad.
Si Drake ay isa sa masugid niyang manliligaw noon pa man.
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE'S REVENGE
RomanceSelf-made billionaire Gareth Sebastian wants his revenge from the girl who jilted him at the altar and ripped his heart. He has a lot of plan in his head. Five years later, their paths cross again unexpectedly. Gareth made sure that Samantha w...