Seventeen

31 4 0
                                    

"MR. SEBASTIAN, you may now kiss your bride," nakangiting wika ng marriage celebrant kay Gareth.

"That's not necessary," sagot naman Sam habang namumula ang pisngi. "Let us have that documents now para matapos na," dagdag pa niya.

Pumirma siya sa marriage contract at pagkatapos ay inabot iyon kay Gareth na blanko lamang ang ekspresyon. Yes, ikinasal na sila ni Gareth ngayon at tanging silang dalawa lang ang naroon sa opisina ng marriage celebrant. Ganoon lang kabilis ang lahat, in an instant she lost her freedom.

"Done," saad ni Gareth nang matapos pumirma.

"I'm going," agad na sabi naman ni Sam at naglakad patungo sa exit.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng marriage celebrant sa kanilang dalawa na tila naweweiduhan sa kilos nila.

"Wait!" Inabot ni Gareth ang braso ni Sam at hinila ito pabalik.

"W-what?"

"Let'a follow the tradition, wife." Bago pa makatugon si Sam ay yumuko na si Gareth at inangkin ang kaniyang mga labi.

Nanlaki ang mga mata ni Sam at balak itulak si Gareth ngunit naisip niya, nakadepende sa kasal at halik na iyon ang kompanyang mahal na mahal ng kaniyang ama. So he let him kiss her.

"Did you like it?" Bulong ni Gareth nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

Dahil sa hiya ay hindi sumagot si Sam at mabilis na lumabas kahit pa halos bumigay ang kaniyang mga tuhod dahil sa nanlalambot na pakiramdam. Tahimik lamang na sumunod si Gareth habang may ngisi sa mga labi. Naabutan na nito si Sam sa sasakyan at pilit iniiwas ang titig sa kaniya.

"From now on, uuwi ka na sa bahay ko- what I mean is sa bahay ng parents ko."

"Sa bahay ng parents mo?"

"Yes." Sabay start ng sasakyan. "Hindi pa tapos ang ipinapagawa kong bahay, so temporarily doon muna tayo."

Nais tumanggi ni Sam pero ano bang magagawa niya?

"If you want doon na muna ako sa bahay ko while hindi pa tapos ang ipinapagawa mong bahay..."

"No. Kung nasaan ako, dapat naroon ka rin"

Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila.

"How about my daughter? Isasama ko siya with me."

Tinignan siya ni Gareth. Tiim ang mga bagang nito na tila may emosyong pinipigilan.

"No. She is not going with you, with us."

Parang napunit ang puso ni Sam para sa anak. Nag init ang sulok ng kaniyang mga mata. She can't leave her daughter behind. Naiisip pa lang niya iyon ay nadudurog na ang puso niya bilang ina.

She cleared her throat before talking. "H-hindi ko siya puwedeng iwan basta-basta na lang, Gareth. She's my daughter."

Tinignan siya ni Gareth. "But she is not my daughter."

Nag iwas ng tingin si Sam dhil ayaw niya ang nakikita niyang tila panunumbat sa mata ni Gareth. Sa kaloob-looban niya ay may namumuong poot patungkol sa lalaki dahil tila ba sayang saya ito kapag nahihirapan siya.

"You can visit her anytime, pero hindi siya maaring sumama sa atin."

Hindi na lamang siya sumagot, dahil nang mga oras na iyon ay alam niyang basag na ang kaniyang boses and anytime ay maaring tumulo ng mga luha niya.

I'm sorry, Gracie...

*******

Nang makauwi sila sa bahay nina Gareth, ramdam niyang hindi welcoming ang pagsalubong sa kaniya ng mga magulang nito. Iyon ang isang dahilan kung bakit ayaw niya roon dahil nararamdaman niya ang disgusto sa kaniya ng mga ito kahit hindi kumikibo ang mga ito. Hindi naman siya manhid para hindi mahalata sa mga kilos ng mga to iyon.

"We're married," anunsyo ni Gareth sa mga magulang nang kumakain sila ng hapunan.

Gulat ang dalawa at nagkatinginan. Sam is wondering, bakit hindi inaya ni Gareth ang mga ito sa kasal nila?

"Congratulation," sabi ng ama ni Gareth at isang pilit na ngiti ang sumilay sa labi nito. Habang tahimik lang na kumakain ang ina ni Gareth.

"S-salamat po," utal pa niyang sagot at tinapunan ng tingin si Gareth na ipinagpatuloy ang pagkain.

Hangang sa matapos na ang hapunan ay wala ng kibuang naganap. Niyaya siya ni Gareth na umakyat na sa second floor. Kinabahan siya, paano kapag sila na lamang dalawa ang nasa silid? Ano na ang susunod na mangyayari?

"This is our room," ani Gareth nang buksan ang pintuan ng silid.

Bumungad sa kaniya ang isang silid na maiisip mo agad na isang lalaki ang nagmamay-ari. The room was rough, cold and boxy. It has a shades of black everywhere. From the furniture, painting, settee and bed. Bukod sa napansin niya ang masculine style ng room, she also noticed na para bang walang buhay ang kwartong iyon.

"You can come in," malamig na sabi ni Gareth sa kaniya. Nasa loob na ito ng kwarto.

Doon lang narealized ni Sam na nasa labas pa pala siya ng pinto at naging abala sa pag aaral sa silid. Marahan siyang pumasok at isinara ang pintuan.

Nagkatitigan sila ni Gareth, may kung ano sa mga mata nito na hindi niya maintindihan. Napaatras siya nang lumakad ang lalaki palapit sa kaniya.

"Gareth..." Usal niya nang maramdaman na niyang wala siyang maaatrasan dahil tumama na ang likod niya sa dahon ng pintuan.

"Bakit ka umaatras? Natatakot ka na sa akin?" Walang emosyong sabi ni Gareth sa asawa. Ipinagpatuloy nito ang paglapit hangang sa dangkal na lamang ang layo nila sa isa't isa.

Amoy na amoy ni Sam ang pabango ng asawa, pabangong kaysarap sa kaniyang pang-amoy.

Nagulantang si Sam nang bigla na lamang tawirin ni Gareth ang distansya sa pagitan nila at inangkin nito ang kaniyang labi. Isang mapusok na halik ang ipinagkaloob nito sa babae na halos magpapugto sa hininga ni Sam.

"Gareth!" Sa pagitan ng mapusok na halik ay nakuhang itulak ni Sam ang asawa. Pero muli nitong inangkin ang labi ni Sam.

This time his kiss has soften, bagay na madaling magpadarang kay Sam. Ipinikit ng babae ang kaniyang mga mata at ninamnam ang bawat sandali, hangang sa maramdaman niyang bumaba sa leeg niya ang labi ni Gareth, doon humalik. Unti-unting napapaungol ng mahina si Sam dahil nagsisimula na siyang makaramdam ng kiliti at init sa kaniyang katawan. Yes, she wanted him, kahit tutol ang isip niya ang katawan naman niya ang pumapayag. Nang ramdam na niyang darang na darang na siya ay biglang tumigil si Gareth.

Lumayo ang lalaki sa kaniya ng bahagya at seryoso ang mukha na pinagmasdan ang kaniyang mukha.

"I see. You liked it, isn't it?"

Baliw ba si Gareth? Kailangan bang itanong iyon?

"I won't touch you, Sam."

Nagulat siya sa sinabi ng asawa. So kung ganoon nga, bakit pa siya pinakasalan nito kung hindi naman nito balak ikonsyumo ang kasal na 'yon?

"K-kung ganoon, bakit mo ako pinakasalan? Anong dahilan?" Hindi niya napigilang isatinig ang tanong na nasa kaniyang isipan.

Gareth just stared at her blankly.

"Malalaman mo rin." Pagkaraan ay tumiim ang mga bagang nito. "I can't bear to touch you knowing that Jener has already touch and lick every inch of you." Tsaka siya nito iniwan at lumabas ng silid.

Napanganga si Sam sa narinig, halos gusto nga niyang maluha. Para bang nang sabihin ni Gareth ang mga salitang iyon sa kaniya ay may pandidiri doon at galit. Para na rin nitong binastos ang buong pagkatao niya.

THE BILLIONAIRE'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon