Eight

35 6 0
                                    

         "MOMMY!"

          Kasabay nun ay ang pagsalubong ng yakap ni Graciella sa kaniya. Tila isang mahika ang yakap ng anak, nawala bigla ang bigat at lungkot na dala-dala niya kanina lamang.

           "It's already 11pm, sweetie. Bakit hindi ka pa natutulog?"

          Napanguso ang anak. "Hinihintay kita, Mom. I can't sleep e," anito.

          Napangiti si Sam, naglalambing lamang ang anak kapag ganoon, kaya hindi na niya ito pinagsabihan. Madalang lang naman itong matulog ng late, usually 8pm ay tulog na ito talaga.

           "Okay, wait mo ako sa room mo. Kakain lang ang mommy at maglilinis ng katawan at tatabihan na kita, okay ba iyon?"

          Sunod-sunod na tango ang natanggap niya mula kay Gracie at nagtatakbo na ito patungo sa silid nito, sinenyasan naman niya si Tonet upang sundan ito para may kasama ang anak habang wala pa siya. Mukhang wala pa ang stepmother niya at si Carmela, dahil tahimik pa ang mansion. Tila naenjoy ng mga ito ang bakasyon, ah.

          Nang mapag-isa, ibinagsak ni Sam ang sarili sa sofa sa salang iyon at isinandal ang ulo sa sandalan atsaka pumikit nang mariin. Muling naglaro sa balintataw niya ang naging usapan nila ni Gareth kanina. Hindi niya malaman kung anong mararamdaman sa mga nagaganap ngayon. Naputol ang pagbabaliktanaw niya nang tumunog ang kaniyang cellphone, tinignan niya iyon. It's Ren.

          "Yep?" Bungad niya.

          "What's her name?"

           Nangunot ang noo ni Sam. "Who?"

          "The girl who approached you in the park."

           Huminga nang marahas si Sam at  inaalalang pilit ang pangalan ng babae. Naikuwento niya kay Ren ang babaeng iyon.

           "Sam?" untag ni Ren sa kabilang linya.

           "Oh, shit. Sorry, Ren. Hindi ko maalala ngayon," aniya na naiinis sa sarili. Mabilis siyang makalimot sa mga pangalan ngayon or sa isang pangyayari. Ganoon ba talaga iyon?

            Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Ren sa kabilang linya.

            "Para sana mapuntahan ko siya and ask some things. Ano pa ang mga natatandaan mo sa mga naging pag-uusap niyo?"

             "Basta ang natatandaan kong sinabi niya, she's from Sta. Rosa too and tinanong niya ako kung anak ba raw namin ni Gareth si Graciella."

             "What? Gareth? Ikaw, may naaalala ka naman bang Gareth?"

              "Wala. But his name was familiar na tila kilala siya ng sistema ko. I met him actually, kanina lang."

              "Nice. Then?" Biglang naging interesado ang tinig ni Ren.

              "Hindi ko talaga siya kilala." Pinili ni Sam na huwag na munang sabihin kay Ren ang mga naging usapan nila ni Gareth kanina.

              "Okay, ako na muna ang bahala sa Gareth na ito. Anong full name niya?"

              "Gareth Sebastian," tipid niyang sagot.

              "Wow! Sounds familiar to me. By the way, I've got to go. Thanks Sam!"

             "Yeah, bye." Pinutol na niya ang tawag.

             Napagpasyahan na niyang kumain, dahil hindi naman siya nakakain kanina sa pag-uusap nila ni Gareth at pagkaraan ay mabilisan nang naligo upang mapuntahan na ang anak. Nang matapos na siya sa lahat ng ginagawa ay pinuntahan niya si Gracie sa silid nito.

               "Okay na, Tonet. Ako na ang bahala sa kaniya," aniya sa yaya ng bata na mukhang antok na rin.

              Tinabihan niya ang anak na kasalukuyang  nanonood sa gadget nito.

              "Tama na iyan, sweetie. Let's sleep na?" Pukae niya sa atensyon nito. Agad naman itong tumalima at binitiwan ang hawak, atsaka ito yumakap sa kaniya, sumubsob sa kaniyang dibdib.

              "Good night, mommy. I love you!"

              "That's sweet. I love you more," puno ng pagmamahal na sagot niya sa anak.

               Kung alam lang nito kung gaano niya ito kamahal, kung alam lang nito na ito ang dahilan kung bakit ang tatag niya pa rin sa gitna ng mga unos na kaniyang pinagdadaanan. Hinaplos-haplos niya ang buhok ng anak habang mahinang kinakantahan ito, hangang sa maramdaman na niya ang banayad nitong paghinga na tila nahimbing na. Ipinikit na rin niya ang mga mata upang makatulog na at panandaliang mawala ang mga agam-agam niya.

----

               KINABUKASAN ay may biglaang emergency si Tonet sa kanilang pamilya, kaya nagpaalam ito sa kaniya na mag-off. Mabilis naman niya itong pinayagan at isinama na lamang si Graciella sa opisina. Wala naman kasi siyang mapag-iiwanan since wala pa ang stepmother niya at si Carmela.

              "Mom, where are we going?" tila excited na tanong ni Gracie sa kaniya.

               Akala siguro nito ay mamasyal sila. Bigla tuloy siyang na-guilty. Sobrang dalang lang kasi niya itong maipasyal since sobrang busy niya.

               "Sa company lang anak. Wala kasi si Yaya Tonet kaya isasama kita."

               Biglang nalungkot ang hitsura ng anak na ang buong akala nga ay sa mall sila pupunta.

                "Gracie, babawi ang mommy sa'yo, ah? Sa ngayon I need your understanding, sweetie. Puwede ba iyon?" Malambing niyang kausap sa anak.

                Talagang babawi siya rito once na-solve na ang mga problemang kinakaharap niya. Pero paano at kailan?

                "Okay, mommy. I understand po." Masaya na ulit ang mukha nito. Napakabait talaga ng anak niya, manang-manang sa ama nitong si Jener.

                Nang makarating sila sa kompanya, sinalubong sila ni Martina. Nasabi kasi niya rito na kasama niya ang anak at hindi niya kayang bitbitin ang mga dala niyang gamit.

               "Good morning, Miss Walton!" Masiglang bati nito sa kaniya at pagkaraan ay tinignan si Graciella. "Hi, cutie! Ang ganda-ganda mo talaga! Manang-mana ka talaga sa'kin!" Gigil na turan nito sa bata.

                Natawa na lamang siya.

               "Mamaya mo na panggigilan 'yan. Late na ako," biro niya sa sekretarya na humalakhak pa bago kinuha ang mga gamit niya sa kotse.

               Hinawakan niya si Graciella sa kamay at iginiya ito papasok sa kompanya. Talagang kailangan niyang ilaban ang kompanya upang balang araw ay mayroong mamanahin ang anak niya at masigurong maganda ang magiging kinabukasan nito.

             "Martina, pakibilhan si Gracie ng breakfast. Milk lang kasi ang nainom niya kanina. Thanks," aniya kay Martina nang maiayos na nito ang mga gamit niya sa table.

             "Okay, Miss Walton. How about you po?"
 
             "Oh, I'm okay. Kape lang sa akin." Hindi talaga siya mahilig mag-almusal, tho alam niyang ang almusal ang pinakamahalaga. Ewan, hindi lang niya siguro nakasanayan.

             Pagkaalis ni Martina ay iniupo niya ang anak sa sofa na naroon at binigyan ng mga laruan.

             "Magw-work muna ang mommy. Behave, okay, sweetie?" Kausap niya rito.

              "Okay po mommy," she politely said.

              Palihim na napangiti si Sam, hindi talaga mahirap kausap ang anak. Umupo na siya sa kaniyang swivel chair at hinarap ang mga papeles at pinag-aralan ang iba't ibang dokumentong naroon. Panaka-nakang napapatingin siya kay Graciella, sinisigurado niyang okay at komportable ito. Pagdating ni Martina, ito na ang nagpakain kay Gracie at ipinagpatuloy niya ang trabaho.

              
              Hangang sa may hindi inaasahang bisita ang dumating...

THE BILLIONAIRE'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon