Twelve

28 5 0
                                    

          "ANAK..."

           Natigil sa paglalakad si Gareth nang tawagin siya ng kaniyang ina na nakaupo sa sala. Kasama nito ang ama niya at si Gail na nakasimangot pa rin hangang ngayon. Bukas na sana siya babalik sa mansion nila at sa kaniyang pad niya siya matutulog- well, lagi naman siya doon natutulog, dahil mas gusto niyang mag-isa.
Bumalik lang siya sa mansion to get some things.

          "Mag-usap tayo, Gareth," muling sabi ng kaniyang ina. Kalmado naman ang mukha nito, ganoon din ang kaniyang ama.

           Napabuntong hininga si Gareth, parang alam na niya kung ano ang pag uusapan nila. It's about Samantha. Naglakad siya palapit sa mga ito at umupo sa single sofa na naroon.

          "Sigurado ka na ba sa desiyon mo na, pakasalan si Sam? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya noon sa'yo?" Panimula ng kaniyang ina.

          Alam niyang tutol ang mga ito, sapagkat gaya niya, dala-dala niya ang sakit ng nakaraan na si Sam ang dahilan. Isa-isa niyang tinignan ang mga ito.

          "Hindi ko nakalimutan ang ginawa niya, but she already forgot about it," malamig niyang tugon sa ina.

           Kita ang pagkalito sa mukha ng bawat isa.

           "What do you mean?" Sambot ni Gail na nakakunot ang noo.

            "May amnesia si Sam. Kaya limot na niya lahat."

             Ngayon naman ay kita niya ang pagkagulat sa mga mata ng naroon.

            "You're fooling us," ani Gail na may kasamang pag-irap.

            "Believe what you want to believe, Gail." Tsaka na siya tumayo at akmang aalis na. Ngunit muling humarap sa tatlo. "By the way, may anak na rin si Sam. Anak niya kay Jener." Sinabi na niya iyon para hindi na rin mabigla ang mga ito kapag naipakilala sa kanila ang anak ni Sam.

            Napasinghap ang tatlo na halatang hindi makapaniwala. Tinalikuran na niyang muli ang mga ito.

           Tumayo rin si Gail. "Nakakaawa ka, hangang ngayon ay mahal na mahal mo pa rin ang babaeng sumira sa pagkatao mo, kuya. Samantalang siya ay kinalimutan ka na niya. At ngayon nais mo pang pakasalan kahit may anak na siya sa lalaking mas pinili niya kesa sa'yo noon?! Hangang kailan ba ang kahibangan mo sa babaeng iyon?! Hindi pa ba sapat ang mga sakit na idinulot niya noon sa'yo at gusto mo pa ulit?!" Mahaba at puno nang hinanakit na sabi ng kaniyang kapatid.

           "Gail, tumigil ka na," awat ng kanilang ama sa babae.

            "No! Para malaman ni kuya na tama na. Dahil sa babaeng iyon nagbago ka! Dahil sa babaeng iyon naging ganiyan ka!" Galit pa rin na sigaw ni Gail.

            Akala ni Gareth ay bato na talaga ang puso niya, pero bakit nakakaramdam siya ng kirot? Akala ba ng mga ito, papakasalan niya si Sam dahil sa mahal pa niya ito?

            Tinapunan niya ng tingin ang tatlo.

            "If you think I will marry her, because I love her still, nagkakamali kayo. I'll just marry her to get back for all the pain she caused me." Iyon lamang at iniwanan na niya ang mga ito.

            Hindi na siya nag-abalang tignan ang mga reaction ng bawat isa. Sapat na siguro ang mga sinabi niya para patahimikin siya sa desisyon niyang pakasalan si Sam.

            Gareth understand their pain, kaya hindi niya masisisi ang mga ito. Tama ang sinabi ni Gail, malaki ang ipinagbago niya dahil sa mga nangyari. Simula nangyari kasi iyon, mas naging focus siya sa pagpapayaman, nawala ang oras niya sa mga ito, lalo na kay Gail na sobrang lapit sa kaniya. Pero anong magagawa niya? Kung hindi siya naging ganoon, hindi sila makakarating kung nasaan sila ngayon.

           "Sa pad," tipid niyang instrakyon kay Butler Andy.

            Tumanaw si Gareth sa bintana, nakahiligan na niya iyon sa tuwing nasa byahe. Bigla siyang natawa ng sarkastiko nang pumasok sa isipan na walang kaalam-alam si Sam sa mga balak niya rito. Talaga ngang nakalimot na ang babae sa nakaraan. 'yung halik sa opisina na ginawa niya, parte iyon ng plano niya sa pagpapaalala. Umasam siya na makikilala siya nito kahit kaunti kung hahalikan niya ang babae, pero wala. Ni halik na pinagsaluhan nila noon ay wala ng bakas sa ala-ala ni Sam.

           Pero hindi siya susuko, kapag kasal na sila, gagawin niya lahat upang maalala lamang siya nito. Gusto niyang maalala ni Sam kung ano ang mga kasalanan nito sa kaniya, gusto niya kapag nangyari iyon, maglumuhod ito sa harapan niya upang humingi ng kapatawaran na hindi niya agad ibibigay. Paghihirapan muna ni Sam iyon, gaya nang kung paano siya naghirap makamit lamang ang estado ng buhay niya ngayon.

           "That asshole, Jenner," mahinang bulong ni Gareth nang sumagi sa isipan niya ang lalaking pinili ni Sam. Sobra siyang nanghihinayang na maaga itong namatay, hindi sana ay mas exciting ang mga magaganap kung buhay lamang ito. Pero napakagaling din ni Jenner, nag-iwan ito ng isang ala-ala kay Sam. Si Graciella. Yeah, madadamay ang anumang may sangkot kina Sam at Jenner. That little girl is no exception.

***

         NANG maihatid na siya ni Butler Andy sa kaniyang pad, pagbukas ni Gareth sa pintuan ay sinalubong siya ng dilim, lamig at kahungkagan na lagi naman niyang nararamdaman. Mga pakiramdam na sa palagay niya ay panghabang buhay nang mananatili sa kaniya. Binuksan niya ang ilaw at tinanggal na ang suot na pang-itaas, lumapit sa gilid ng kama at ibinalibag ang sarili sa malambot na higaan ng padapa.

        Ilang saglit siyang nakasubsob nang tumunog ang cellphone niya na nasa bulsa niya. Agad iyong kinuha at hindi na nag-abalang tignan kung sino ang tumatawag.

         "Hi!" Matinis na bati ng babae sa kabilang linya. Naiimagine ni Gareth ang malawak nitong ngiti.

          It's Cherry. Anak-anakan ni Don Celso.

         "What?" Masungit niyang bungad dito.

          "Umm! Sungit mo naman. Tumawag lang ako, ipinapasabi ni Don Celso na pumunta ka rito bukas."

         "Okay."

          "Bye na nga! Mag asawa ka na, para naman sumasaya-saya ang buhay mo!" Inis na turan ni Cherry at agad na pinatay ang tawag.

           Hindi niya maintindihan si Cherry, kahit sobrang pinagsusungitan niya ito ay nagtyatyaga itong kausapin siya. Tila may pagkatulad sila ng buhay ni Cherry, masama rin ang nakaraan nito. Ang kaibahan lamang nila ay, hindi isinabuhay ni  Cherry ang galit sa nakaraan, lagi itong may ngiti sa mga taong nasa paligid nito. Samantalang siya,  para siyang yelo sa kalamigang bumabalot sa pagkatao niya.

         

THE BILLIONAIRE'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon