"COME ON."
Matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nila, iyon ang sinabi ni Gareth at tumayo. Naglakad palabas ng mansion. Sumunod na lamang siya sa lalaki. Dumiretso sila sa sasakyan na nakaabang na roon si Butler Andy at agad silang pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Gaya kanina, tahimik lamang sila sa loob hangang makaandar iyon.
Lumunok muna si Sam nang makailang ulit bago nagsalita. "P-pasensya ka na, dahil sa akin ay nagkasagutan pa kayo ng kapatid mo," aniya nang hindi na matiis ang katamikan.
Mula sa pagkakatingin sa labas ay lumipat ang tingin ni Gareth sa babae. Pinagmasdan siya nito. Hindi maarok ni Sam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaki nang mga sandaling iyon. Wala kasing bahid ng kahit anong emosyon ang mukha nito. Napakagaling nitong mag blank face, hindi gaya niya, masyadong transparent.
"Wala silang magagawa kung gusto kong pakasalan ka," marahan nitong bigkas.
Hindi agad nakatugon si Sam, napayuko at napaisip. Sa totoo niyan, dapat sa mga nakita niya ay magdagdag iyon ng agam-agam na hindi siya pakasal sa lalaki, pero parang biglang mas dumagdag pa yata ang kagustuhan na niyang pakasal dito, para malaman niya kung bakit ganoon ang pamilya ni Gareth sa kaniya. Gusto niyang imbestigahan gaano kalaki ang naging bahagi ni Gareth at ng mga ito sa nakaraan niyang hindi matandaan.
"By the way, tell your agent friend to stop stalking and investigating me."
Bigla siyang napatingin kay Gareth. Gulantang. Hindi kaya si Ren ang tinutukoy nito? Siya lang naman ang kaibigan niyang agent.
"You know who I'm talking about, Sam. I have my ways to know everything."
Huminga nang malalim si Sam. "Yeah. It's Ren."
"Tell him to stop, or I will kill him," banta nito sa madilim na anyo. For a seconds, parang sinaniban ito dahil sa mapanganib nitong tinig.
"You don't have to kill him, Gareth. I will tell him to stop."
"Good." Tsaka na naman ibinaling nito ang paningin sa labas ng bintana, habang tinatap sa arm rest ng upuan ng sasakyan ang hintuturo.
Muli na naman silang natahimik. Alam niyang tinutulungan lamang siya ni Ren, para lubusang maalala ang kahapon niya. Pero sasabihan niya itong huwag ng iinvolve pa ang sarili kay Gareth, dahil mapanganib ang katauhan nito.
"You can drop me na lang sa company, naroon ang kotse ko," maya-maya ay sabi ni Sam kay Gareth na tila malalim ang iniisip.
"No. Ihahatid kita. I know where you live, so don't bother to tell me."
Napabuntong hininga na lamang si Sam, hindi na nag-abalang itanong kung paano nito nalaman ang tinitirhan niya. He is Gareth Sebastian, after all. Gaya nga nang sinabi nito, he has his ways to know everything. For a seconds, naisip ni Sam, kung papakasalan niya si Gareth, maari na niyang hingin ang tulong nito upang matunton ang mga tao sa likod ng pagkidnap noon sa kaniya? Pero agad din ipinilig ni Sam ang isipang iyon, as if naman tutulungan siy nito, atsaka wala siyang balak na sabihin dito ang tungkol sa pagkidnap noon sa kaniya.
Tinignan ni Sam ang suot na wristwatch, it's already 8:15 in the evening, medyo nakaramdam na siya ng antok. Bahagya niyang tinapunan ng tingin si Gareth na sa bintana lamang nakatanaw na tila malalim talaga ang iniisip. Isinandig na lamang ni Sam ang ulo sa bintana at ipinikit ang mga mata, wala siyang balak umidlip, pero iyon ang nangyari.
*****
"HEY, wake up."
Marahang iminulat ni Sam ang mga mata nang marinig ang tinig ni Gareth. Agaran na nagising ang diwa niya nang makitang isang dipa lamang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.
"What are you doing?" Pabulong niyang tanong sa lalaki na titig na titig sa kaniya.
Hindi ito sumagot, pero naramdaman niya ang paghawak nito sa kaniyang hita na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Naitulak niya si Gareth dahil sa tila kuryenteng dumaloy sa kaniyang katawan patungo sa kaniyang pagkababae. Gosh! Bakit ganoon mag-react ang katawan niya sa ginawa ng lalaki? Hindi ba dapat ay magalit siya?
Gareth playfully smirk at her. Inirapan niya ito. Buti na lamang at hindi nakikita ng driver sa harapan ang nangyayari sa likod dahil may devider ang sasakyan.
"We're here, bumaba ka na."
Doon pa lamang napatingin sa labas ng bintana si Sam at nakitang nasa harapan na sila ng kanilang mansion. Inayos niya ang sarili at ang nagulong buhok. Muli niyang tinapunan ng tingin ang lalaki na pangisi-ngisi ng nakakaloko sa kaniya. Sa huling pagkakataon ay binigyan niya ito ng nakakatakot na irap at walang lingon na agad bumaba sa sasakyan nito. Hindi na rin niya nilingon pa ang sasakyan nang makababa at diretso pasok sa kanilang gate.
Bwiset na lalaking 'yon! Bakit ba parang alam niya kung saan malakas mag-react ang katawan ko? Inis na bulong ni Sam sa isipan.
"Ginabi ka yata?"
Iyon ang bungad ni Doña Thesa na prenteng nakaupo sa malawak na sala. Nakauwi na pala ang mga ito.
"May nilakad lang po ako, kumusta po ang bakasyon?" Naisipan niyang itanong iyon dahil mukhang nag-enjoy ang mga ito, base na rin sa maliwanag na mukha ng matanda.
"Great! Napakasaya, hija."
Ngumiti na lamang si Sam. Umaasa kasi siya kamustahin din siya nito pabalik, pero mukhang nakalimutan nito.
"S-si Carmela, po?" Usisa niya sa matanda na ngayon at sumisipsip sa tasang may kape.
"Nagpapahinga na. She's tired."
"Oh okay po. Pupuntahan ko muna si Graciella," paalam niya sa matanda at umakyat na sa matarik na hagdan patungo sa silid ng anak.
Nakita niyang tulog na ito at katabi si Toneth na abala naman sa pagbabasa ng aklat.
"Magandang gabi, ate. Halos kakatulog lang po niya," imporma nito nang mapansin siya na naroon.
Nginitian niya si Toneh atsaka nilapitan ang anak para halikan. Himbing na himbing na ito.
"Maliligo lang ako at dito ka muna, Toneth. Babalik ako," aniya sa babae na tumango naman.
Nagtungo siya sa kaniyang sariling silid at napaupo sa dulo ng kaniyang kama. Nahilot ang sintido at sunod-sunod ang mga paghingang malalim na ginawa, it's her way to calm herself. Mamaya na niya tatawagan si Ren at sasabihan to stop stalking Gareth, ayaw niyang mapahamak ang kaibigan nang dahil lamang sa kaniya.
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE'S REVENGE
RomansaSelf-made billionaire Gareth Sebastian wants his revenge from the girl who jilted him at the altar and ripped his heart. He has a lot of plan in his head. Five years later, their paths cross again unexpectedly. Gareth made sure that Samantha w...