ABALA sa mga papeles si Sam nang biglang dumating si Drake sa kaniyang opisina. Siguro ay wala itong masyadong ginagawa ngayon kaya nakuha pa nitong magpunta sa opisina niya.
"Ikaw pala, Drake. What brought you here?" Nakangiti niyang usisa sa lalaki na napansin niyang bagong gupit ito at masasabi niyang bumagay iyon sa lalaki.
"Wala naman. Free ka ba today? Let's have some lunch?" Alok nito bago umupo sa upuan na nasa harapan ng table niya.
"Sure. Tatapusin ko lang ang mga 'to." Tukoy niya sa mga papeles na hawak at muli niyang itinuon ang pansin sa ginagawa.
"Wala ka bang napapansin na changes sa hitsura ko?" Usisa ni Drake sa kaniya.
Pinigilan ni Sam ang mapangiti dahil sa sinabi nito.
"Ano?" Tinignan niya ang lalaki habang pigil ang tawa. "Huwag mong sabihing nagpunta ka rito para irampa lang sa harapan ko ang bagong gupit mong buhok?"
Napangisi si Drake sabay kamot sa batok. "Napansin mo pala. Ano, bagay ba?" Sabay pose pa ng pogi pose. Madalas ay may kakulitan din itong si Drake.
Natawa si Sam. "Ofcourse. Mas bumata ka ng mga two years I think..." biro niya.
"Two years lang?" Kunwari ay napasimangot nitong sabi. "Pero puwede na, kesa tumanda ako ng two years." Biglang bawi nito.
Sasagot sana siya nang marinig niya ang boses ni Martina.
"Sir, you're not allowed to enter her office without permiss-" Hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Martina dahil tuluyan nang nakapasok ang lalaki.
Sabay silang napatingin ni Drake sa mga pumasok sa pinto. It was Martina na hinahabol-habol si Gareth na dire-ditetsong pumasok sa opisina niya. Napatayo si Sam at biglang kinabahan, lalo na nang makita ang madilim na mukha ni Gareth nang tumingin kay Drake.
"Mr. Sebastian, what are you doing here?" Usisa ni Drake sa lalaki. Napatayo na rin ito.
Hindi niya expect na kilala ni Drake ang lalaki, pero naisip niya kilalang business magnate si Gareth at hindi malabong nagkrus na ang landas ng dalawa lalo na at kapwa sila nasa business world.
"Ako ang dapat magtanong niyan. What are you doing here in my wife's office?"
Kita ni Sam kung paano nanlaki ang mga mata ni Drake sa gulat at ganoon din ang reaction ni Martina. Naguluhan ang dalawa at napatingin sa kaniya.
Nagpamulsa si Gareth. "Oh. She haven't told you guys that we're married?" Sabi pa ni Gareth. Naglakad ito palapit sa kaniya at tumayo sa tabi niya sabay hapit sa beywang niya upang maglapit sila. Nanlalamig si Sam nang mga oras na iyon at hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Sam?" Tawag ni Drake sa kaniya. "Tell me that he is just joking?" There is a hope in his voice na sabihin niya nantitrip lang si Gareth.
"He's not. Tama siya, kasal na kami," aniya sa mahinang boses. Wala naman ng reason para itago niya dahil nasabi naman na ni Gareth ang tungkol sa bagay na 'yon.
Napanganga si Martina at si Drake naman ay halata sa mukha nito ang hindi pagkapaniwala. Bakit mayroon din siyang nahagilap na sakit sa mga mata nito?
"So, what are you doing here, Mr. Montoa? Mukhang ang saya nang pinag-uusapan niyo ng asawa ko bago ako dumating?" Muli ay tanong ni Gareth sa lalaki.
"He's my friend, Gareth." Si Sam na ang sumagot.
"A friend," ulit ni Gareth na tila may kung ano sa tinig. Tila ba pinagdududahan nito ang pagiging magkaibigan nila ni Drake.
"She's really my friend," sa wakas ay sagot ni Drake at tumingin kay Samantha. "She's my friend pero hindi ko alam na ikinasal na pala siya,' dagdag nito na tila may tampo sa tinig.
Bigla tuloy nakaramdam ng konsensya si Sam.
"But anyway, I'm here to invite her for lunch," matatag na sabi ni Drake na tila nakabawi na sa pagkabigla mula sa mga nalaman.
"Lunch? Nice. But sorry to ruin your plan, she's not going with you. May pupuntahan kami ng asawa ko." Tila diniinan pa ni Gareth ang bigkas sa 'asawa' na akala mo naman ay aagawin siya ni Drake. Naramdaman din niya ang bahagyang pagpisil nito sa kaniyang beywang. God! Gareth is acting like a jealous husband!
"Ganoon ba?" Ngumiti si Drake at tinitigan siya. "Maybe next time. By the way, magpapaalam na ako Sam, see you around."
Tumango na lamang siya, naisip niya na tsaka na lang niya ito kakausapin sa mga susunod na araw. Nakalabas na si Drake at sumunod si Martina, tanging sila na lamang dalawa ni Gareth ang naroon. Lumayo siya rito at kunwaring niligpit ang mga papeles. Nanatiling nakatayo si Gareth doon at minamasdan ang bawat kilos niya.
"I see. You're hiding our marriage."
Hindi siya umimik.
"Ayoko nang makita pang makikipag-usap ka kay Drake Montoa."
Napadiretso si Sam at tumingin sa asawa. Salubong ang kilay.
"What?! Gosh, he is my friend," tutol niya.
"I don't care. Just don't talk to him or else-"
"Or else, what?!" Inis niyang putol sa sasabihin ng lalaki.
"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. So do what I said."
Nakipaglaban siya ng titigan kay Gareth, tutol na tutol ang kalooban niya sa sinabi nito. Si Drake na nga lang ang isa sa mga piling kaibigan niya, tapos ay gusto pa nitong umiwas siya sa lalaki? Siya na ang nag-iwas ng tingin matapos niyang bahagyang irapan ito.
Naglakad patungo sa settee si Gareth at umupo doon.
"Tapusin mo na ang dapat mong tapusin. We're going to have lunch."
"Hindi ako gutom," aniya sa padabog na paraan.
Nagkasalubong ang kilay ni Gareth. "So, when it comes to Drake, you're free to have lunch with him at sa akin ay ayaw mo?"
Hinarap niya ito. "Fine. Let's have lunch." Aniya and secretly rolled her eyes.
"I saw it."
Ang tinutukoy nito ay ang pag rolled ng kaniyang mata. Hindi na lamang siya sumagot at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga papeles na nakakalat sa ibabaw ng kaniyang mesa. Nang matapos ay umalis na sila ni Gareth upang mag lunch.
"Omi Wagyu beef please."
Mula sa pagkalkal sa cellphone ay napatingin si Sam kay Gareth nang sabihin nito ang order nito sa waiter. Bigla kasi siyang natakam sa inorder nito. Nang dumating ang mga order nilang pagkain ay nabigla siya nang nilagyan siya nito ng wagyu sa plato niya. Napatingin siya sa lalaki.
"It's your favorite," ani Gareth bago nag-iwas ng tingin.
Doon natanto ni Sam na sadyang sobra siyang kilala ni Gareth, dahil alam nito ang isa sa mga pinakapaborito niyang pagkain na iilan lamang ang nakakaalam. Nagka amnesia man siya ay hindi niya nakalimutan na paborito niya ang omi wagyu beef dahil hinahanap-hanap iyon ng panlasa niya.
Nakakalungkot lamang na wala siyang matandaan ni ano tungkol sa lalaking kaharap at nananakit ang dibdib niya dahil doon.
"Thank you..." marahan at mahina niyang sabi sa asawa. Tila ba biglang nawala ang inis na nararamdaman niya rito kanina.
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE'S REVENGE
RomanceSelf-made billionaire Gareth Sebastian wants his revenge from the girl who jilted him at the altar and ripped his heart. He has a lot of plan in his head. Five years later, their paths cross again unexpectedly. Gareth made sure that Samantha w...