MULA sa pagkakayukyok sa kaniyang mesa, marahang iniangat ni Sam ang ulo nang marinig si Martina sa Intercom. Nakaidlip siya dahil na rin siguro sa pagod these past few days. Bigla tuloy siyang nahiya sa kaniyang sarili, dahil wala sa karakter niya ang mag-idlip idlip sa oras ng trabaho.
"Yes, Martina?"
"A certain Mr. Sebastian is looking for you, Ms. Walton."
Nangunot ang noo ni Sam. He is not familiar, sa pagkakaalam niya ay wala siyang appointment sa Mr. Sebastian na sinasabi nito.
"Sebastian? Sebastian who?"
"Gareth Sebastian."
Biglang tila may lumagabog sa dibdib ni Sam nang marinig ang buong pangalan na iyon. Naroon na naman ang pamilyar na kabang nararamdaman niya sa tuwing maririnig o mababasa ang pangalan na iyon. Anong ginagawa ni Gareth Sebastian sa kaniyang opisina? Napalunok muna nang sunod-sunod si Samantha. She cleared her throat before talking again.
"Kindly ask him to set an appointment first, Martina. I am busy right now." Kahit pa na curious na curious siya na makaharap ang lalaki, tila bigla naman siyang naduwag na makita ito.
"Yes, Ms. Walton."
Ilang saglit lang ay hindi na sa intercom niya nadidinig ang boses ni Martina. Nasa bukana na ito ng pinto ng kaniyang opisina.
"Sir, hindi ho kayo maaring pumasok ng walang pahintulot," tarantang turan ni Martina.
Naningkit ang mga mata ni Samantha nang mapagtantong nagpumilit ang lalaki na makaharap siya. At hindi nga siya nagkamali, bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at ang tanging nagawa na lamang ni Sam ay mapanganga nang makita ang lalaki.
"I-ikaw?!" Bulalas niya nang mapagsino ito.
"Surprised?" Tanong ni Gareth, giving her a smirk.
"S-sorry Ms. Walton, he insisted." Habang nakayukong sabi ni Martina.
"It's okay. You can leave us now, Martina." Aniya sa sekretarya.
Agad namang sumunod ang babae. Pagkasara ng pintuan ay muling nagtama ang mga mata nila ni Gareth. Ang lalaking nakabangga niya at si Gareth ay iisa. At hayun na naman ang pamilyar na kaba sa puso ni Sam. Kaba na may halong saya at excitement? Weird, pero iyon ang nararamdaman niya.
"It's nice to see you again, Ms. Walton." He walks towards her.
Nakapamulsa ito, habang nakatingin ng matiim sa kaniya. Hindi malaman ni Sam kung galit ba ito o ano. Pero isa lang ang sigurado si Sam, napaka-cold ng mga ibinibigay nitong titig sa kaniya.
Napatayo si Sam mula sa pagkakaupo. Pinilit niyang pinatatag ang hitsura upang hindi mahalata ng kaharap niya ang tunay na nararamdaman niya.
"Anong kailangan mo sa akin? Bakit ka narito? Sino ka ba talaga?" Magkakasunod niyang tanong sa unexpected visitor niya.
Tumigil sa paghakbang ang lalaki at tumawa ng pagak.
"Don't pretend, Ms. Walton. You knew me."
Huminga ng malalim si Samantha at pinagkrus ang mga braso sa kaniyang dibdib. Paano ba niya ipapaalam sa lalaki na marami siyang hindi naaalala dahil sa amnesia.
"Look, Mr. Sebastian. I don't know how to say this, but, I don't remember you, even a bit. Your face wasn't familiar either."
Hindi alam ni Samantha kung dinadaya lamang ba siya ng kaniyang paningin, pero tila may kudlit ng sakit ang nakita niyang dumaan sa mukha ng kaharap.
"You're lying. How can you forget me that easy?"
Muling huminga ng malalim si Samantha. She's dying in curiousity pero hindi niya ipinapahalata.
"I'm dead serious. May amnesia ako, cause by an accident, that's why I don't remember almost about in my past. So, please Mr. Sebastian. Introduce yourself because I am dying to know more about you."
Mula sa nandidilim at seryosong mukha ay tila napanganga si Gareth sa nalaman nito mula sa kaniya. Marahan itong napailing.
"Are you fuckin' playin'?"
Ngumiti si Sam nang marahan. "No."
Nakita niya ang muling pagseryoso ng mukha ni Gareth. Pagkaraan ay tinalikuran siya nito.
"What now? Aalis ka na lamang ba? Why don't you introduce yourself?"
"I will. 9pm at Cafe Adriatico. I will see you there." Atsaka walang lingon na lumabas ito sa kaniyang opisina.
Naiwang nanlalambot si Sam at napaupo na lamang muli. Tila nanginginig ang kaniyang mga kalamnan at mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod at hindi na nga mawari ang kaniyang nararamdaman. Bakit ba ganoon na lamang ang epekto ng lalaking iyon sa kaniyang sistema.
His eyes...
Hindi siya maaring magkamali sa nakita niya sa mga mata nito. Bakit tila punong-puno ng galit ang mga iyon patungkol sa kaniya? Bakit tila ang lamig ng bawat titig nito sa kaniya na wari'y pinaparusahan siya. Parang gusto niyang matakot tuloy, kaya ba ganoon si Gareth sa kaniya ay dahil ba nagawan niya ito ng malaking kasalanan noon at nakalimutan na lamang niya ngayon?
9pm at Café Adriatico. I will see you there.
Bigla niyang naalala ang sinabi ng lalaki, makikipagkita ba siya rito? Damn! Nahilot niya ang noo at napapikit, bigla ay tila dumagdag ang problema niya sa buhay.
"ARE you okay, Ms. Walton?"
Napatingin siya sa papasok na si Martina na may pag aalala sa mukha.
Binigyan niya ito ng ngiti at marahang tango, one thing she loves about Martina is that she's always checking her.
Tila nakahinga naman ito ng maluwag.
"Natakot ako sa Mr. Sebastian na iyon. Sino ba siya? Manliligaw mo?"
Bigla siyang natawa sa tinuran ng babae.
"Hindi, ano ka ba? Hindi ko nga siya kilala or maybe kilala ko siya before the accident, base on his action mukhang nagawan ko siya ng hindi maganda. Maybe nautangan ko?" Tsaka sinundan niya iyon ng isang tawa.
Nakitawa na rin lang si Martina.
"Mag-iingat ka roon, Ms. Walton, baka e stalker mo noon iyon at nalamang nagka-amnesia ka, baka i take advantage ka."
Bigla siyang natigilan. Paano nga kung ganoon? Maganda ba ang idea na sinabi niya sa lalaki na may amnesia siya? Baka nga gamitin nito iyon upang i-take advantage siya.
On a second thought, baka hindi naman. Mukha lang cold at masungit ang lalaki pero hindi naman mukhang masamang tao ito.
"Salamat sa paalala, Mart. Pero, since tapos na ako sa mga papeles na ito, uuwi na ako, para naman maabutan ko ng gising si Graciella at makalaro ko pa siya," aniya sa sekretarya niya, habang nakangiti.
"Ohh, that cutie, Graciella. I miss her Ms. Walton, pakisabi na lang sa kaniya," ani Martina, sabay hagikhik.
"Sure," tugon naman niya at sabay kuha sa kaniyang hand bag, at lumabas na ng opisina. Naiwan si Martina na alam niyang magliligpit na sa kaniyang opisina. This day was so exhausting and tiring, idagdag pa ang biglang pagsulpot ni Gareth Sebastian. Hangang sa byahe pauwi ay iniisip niya kung makikipagkita ba siya rito o hindi.
But hell! She's dying in curiousity. Gusto niyang tanungin ang lalaki kung gaano siya nito kakilala, kung may maisasagot ba ito sa maraming katanungan sa buhay niya. Oo tama, nagdesisyon na siya, makikipagkita siya kay Gareth Sebastian.
At sana ay maging tama ang desisyon kong ito. Bulong niya sa kaniyang sarili.
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE'S REVENGE
RomanceSelf-made billionaire Gareth Sebastian wants his revenge from the girl who jilted him at the altar and ripped his heart. He has a lot of plan in his head. Five years later, their paths cross again unexpectedly. Gareth made sure that Samantha w...