Isay's POV
"Ano ready ka na ba?" Tanong sakin ni Moira habang nag susuot ng medyas.
"Re-ready na yata.." Sagot ko nailing kahit sa loob ko ay kinakabahan ako.
Ngayon kasi ang unang araw namin sa eskwelahan. Parehas ang papasukan ko na eskwelahan kay Moira kaya medyo magaan pa ang loob ko pumasok. Pero ewan ko ba at kinakabahan ako, excited ako pero natatakot dahil sa panibagong lugar at mga taong makakasalimuha ko.
Sabi naman ni Moira eh mababait naman daw ang mga kamam aral nya kaya wala daw dapat akong ipag alala. Pero kinakabahan pa din ako.
Pano kung walang gusto makipag kaibigan saakin?
Pilit ko inalis ang bagay na yun sa aking isip.
"Sya nga pala, mamayang lunch break sumabay ka saamin ng mga kaibigan ko. Ipapakilala kita sakanila tiyak at magugustuhan ka nila" Napalingon naman ako sa sinabi ni Moira ng gulat.
"T-totoo ba yan? O-okay lang?" Nag alala kong tanong dito. "Okay lang naman ako mag isa. S-sanay na ako.." Nakayukong tugon ko dito.
Agad naman ito bumaling saakin ng nakasimangot "Oo! Okay lang ano, wag ka na nga mag emo jan at halika na at baka ma late pa tayo" Sambit nito sabay labas ng kwarto.
Napangiti na lang ako at bahagyang sumunod sakanya.
--
Sumakay kami sa jeep papunta sa eskwelahan namin. Tinuro saakin ni Moira kung saan sasakay at kung saan bababa. Wala pang 20 minutes ng makarating kami sa aming eskwelahan. Malaki ito kumpara sa eskwelahan ko sa probinsya. Napaka dami din estudyante sa labas. Tila lahat ay mag kakakilala na at sanay na sanay na sa kanilang paligid.
"Tara" Aya saakin ni Moira papasok sa aming eskwelahan.
Habang nag lalakad kami papunta sa aming silid aralan ramdam ko ang titig ng mga ibang estudyante. Bakas sa kanilang mga muka ang kuryosidad kung sino ako.
Pagkapasok namin sa aming silid aralan ay saktong dumating na din ang aming guro.
"Goodmorning class! Bago tayo mag simula sa ating discussion gusto ko malaman nya na may bago kayong classmate. " Naka ngiti ang guro na tumingin saakin at sinenyasan ako na tumayo at ipakilala ang aking sarili sa klase.
Napalunok ako ng bahagya. Eto na nga ba ang kinakatakutan ko.
Bahagya akong tumayo at sinalubong ang tingin ng lahat. Ipapakilala ko lang naman ang sarili ko pero tila sobrang hirap na hirap ako.
Kaya mo yan Isabelle...
"Ako si Isabelle.. pero pwede nyo akong tawaging Isay"
"Ano?! Isaw? HAHAHAHA!"
Nag tawanan ang lahat sa sinabi ng isa namin lalakeng kaklase. Tila ba isa itong nakakatawang joke at nag apiran pa sila habang nag tatawanan habang binabangit ang isaw
Napaupo na lang ako at nung mga oras na yun ay para bang matutunaw ako sa hiya.
Kahit na napahiya ay di ko nalang ito dinamdam. Nag simula na ang klase at dito ko nalang itinuon ang aking pansin kahit may naririnig pa din ako na nag tatawanan at kung minsan ay tatawagin akong uy isaw! nag bibingihan nalang ako.
Natapos ang araw ko ng mabilis dahil sadya akong nakatuon masyado sa klase. May mga nang aasar pa din paminsan pero di ko nalang ito pinansin pa. Hindi ko naman dapat pagtuonan ng pansin ang mga bagay na di ko naman ikatutuwa.
"Isay, pwede mauna ka muna sa gate? May kukunin lang ako sa locker ko." Sabi nito saakin habang kinakalikot ang kanyang bag na tila ba ay may nakalimutan ito.
Sumagot ako ng oo at umuna na papunta sa gate. Maraming tao sa harap ng gate ng school kaya naman lumabas na lang muna ako at tumayo malapit lang din sa gate.
Tahimik akong nag hihintay ng may nakita akong babaeng naka itim. Nasa kabilang kalye eto at naka tayo habang nakangiting naka tingin saakin. Napakunot naman ang nuo ko ng dahil dito sino ba ito? Nagtatakang tanong ko sa aking sarili.
Tila ba napansin nito ang aking tingin at kumaway pa ito ng bahagya saakin. Lalo pa akong nag taka. Napuno ng tanong ang utak ko.
Kilala ko ba sya? Kilala nya ba ako? Sino sya?
Nagulat na lang ako ng may biglang kumalabit saakin. "Nandito ka lang pala! Sino tinitignan mo? Bakit sobrang seryoso ng muka mo?" Tanong nito saakin ng nag tataka.
Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kabilang kalye. Wala na sya duon.
Sino ka?
BINABASA MO ANG
Sugo ni Kamatayan
ParanormalON-GOING | Hinding hindi mo dapat sila pag katiwalaan, lalo na't sila ang sugo ni kamatayan. Nag hahanap sila ng isang dalaga, at hindi lang basta basta dalaga. Isang dalagang birhen. Ikaw? Isa ka ba sa hinahanap nila? ©Dalle Lion