3rd Person's POV
Nagising si Isay dahil sa ingay ng paligid. Mga nag bubulungan. Tila ayaw iparinig sakanya ang ka nilang mga sinasambit.
"Apo ko..." Sambit ng kanyang lola pag ka mulat na pag ka mulat nya ng kanyang mata.
Umupo sya at sumandal sa head board ng kama bago tignan ang kanyang paligid. Naka upo sa harap nya ang kanyang lola habang ang pinsan nya naman ay naka upo sa study table nito tila pinag aaralan ang kanyang muka.
Titig na titig sakanya ang mga ito na para bang tinubuan sya ng pakpak sa muka.
"Kamusta pakiramdam mo Isay?" Tanong sakanya ng kanyang lola.
"Ma-maayos naman na po ang pakiramdam ko.." Tugon nito sakanyang lola.
"May naalala ka ba?" Pag uusisa naman ng kanyang pinsan na si Moira.
Pero bago nya pa Ito masagot ay agad ng kumalabog ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang nag aalala nya na tatay.
"ANONG NANGYARE?!" Pasigaw na tanong nito.
Isay's POV
"Anong nangyare?!"
Sumibol ang tuwa sa aking dibdib ng masilayan ko si Itay at inay.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong saakin ni itay.
"Maayos na sya. Wala na kayong dapat ipag alala. " Sagot ni lola kila itay.
"Ano ba kasi ang nangyare sayo at hinimatay ka?" Tanong ulit saakin ni itay habang nakatingin saakin ng diretso.
"Ah.. eh.. binangungot lang po ako itay pero okay naman na po ako" Sagot ko nalang dito.
Di ko maipaliwanag ng maayos kila itay ang tunay na nangyare dahil natatakot ako na baka di nila ako paniwalaan. Baka isipin pa nila eh gumagawa ako ng kwento para mapansin nila.
Tanging si Moira lang ang nakaka alam ng tunay na nangyare. Bahagya naman akong napatingin sakanya na nasa harap ko lang katabi si lola na tahimik akong pinag mamasadan. Tinignan ko din ito sakanyang mga mata.
Sinabi nya kay lola kung anong tunay na nangyare? Di ko alam kung bakit pero may parte na nag sasabi saakin na mas maganda na wag sabihin kila lola ang tunay nangyare.
Hindi ko din alam kung bakit pero may pakiramdam ako na mangyayare ito ulit.
At malakas din ang kutob ko na may hindi magandang mangyayare...
BINABASA MO ANG
Sugo ni Kamatayan
ParanormalON-GOING | Hinding hindi mo dapat sila pag katiwalaan, lalo na't sila ang sugo ni kamatayan. Nag hahanap sila ng isang dalaga, at hindi lang basta basta dalaga. Isang dalagang birhen. Ikaw? Isa ka ba sa hinahanap nila? ©Dalle Lion