Chapter 2

229 5 0
                                    

Ang Pagbabalik


ISAY'S POV

Iyak lang ako ng iyak, tulo lang ng tulo ang luha sa aking mga pisngi kahit anong pigil ko dito ay ayaw nito tumigil, ayaw nito mag paawat sa pag bagsak kaya hindi ko na din ito pinigilan pa.

Ang sakit sakit nang pakiramdam ko, hindi lang sa malakas na pag bagsak ko kung hindi dahil kay inay. Mahal na mahal ko siya na kahit anong gawin nya sakin eh hindi ako nagagalit sakanya kahit sobrang sakit na ng trato nya saakin, hindi ako nagagalit o ano pero hindi ko maiwasan na masaktan at mag tanong kung bakit ganun ang pakikitungo nya saakin.

Bakit nga ba?

Ampon lang ba ako? hindi ba nila ako tunay na anak? hindi ko na alam ang gagawin at iisipin ko.

Isipin ko pa lang na ampon lang ako napaka-sakit na. Pero wala naman akong magagawa diba kundi tangapin ang totoo?

Alam kong di pa ako sigurado at wala pa akong karapatan na mag isip ng kung ano ano sa mga bagay bagay, pero kasi hindi ko maiwasan eh.

''I-isay? a-ayos k-ka lang ba?'' Napatingin naman ako sa nag salita, si caloy. Ngayon ko lang napansin na andami palang nakatingin sakin.

Tingin, Titig mahahalata mo agad ang awa sa mga mata nila habang naka tingin/titig sakin. Mga tingin na halata mo ang pagtataka at pagka awa. Mga titig na may halong pag ka awa at pagtatanong.

Mapanuring mga tingin, at Mapanghusgang mga labi.

Alam ko na ang mga tingin na yan.

''A-ayos l-lang ako c-caloy s-sige..'' Sabi ko at dahang dahang tumayo sa maduming lupang pinag bagsakan ko, tinulungan ako ni caloy pero tinangihan ko ito at nag dire-diresto na lamang sa aming bahay.

''Nakaka-awa naman sya...''

Tama sya, ka-awa awa nga ako sino bang hindi maawa sa isang batang itinataboy ng kanyang sariling ina?

Nag dire-diretso lang ako sa aking sariling silid at agad pinakawalan lahat ng sakit sa aking puso.

Inay? ampon nyo lang ba ako ni itay?

Hindi naman importante sa akin kung tunay akong anak o hindi ang gusto ko lang naman eh mahalin niya ako tulad ng ginagawa ko sakanya lagi.

Humagulgol lang ako ng humagulgol hangang sa hindi ko na kinaya at naka tulog na ako.

**

Dahan kong idinilat ang aking mga mata. Napa sapo agad ako sa aking nuo dahil medyo masakit ito, medyo nanghihina din ako at nanlalabo ang paningin ko.

Napa-tingin naman ako sa aking paligid.

Plangana, may tubig itong laman at may naka babad dito na towel.

Biglang bumukas ang pinto at nagulat ako sa tumambad sa aking harapan.

''Anak, gising kana pala kamusta ang pakiramdam mo?'' Tanong sakin ng aking...

''Itay!'' Sigaw ko at agad lumapit sakanya para bigyan sya ng isang mahigpit na yakap.

''Itay...'' Yan nalang ang aking na sambit, sobrang saya ko at nandito na ang iisang taong nag mamahal sakin, ang aking itay.

''Kamusta kana aking anak? sobra kitang na miss, ngayon ko lang din napansin na dalagang dalaga kana, kamusta pa-aaral mo? siguro may nobyo ka na noh? haha. '' Sambit ng aking itay. Sobrang palabiro talaga sya kahit kelan.

Umupo ako saaking kama at si itay naman ay naghila ng upuan at duon umupo.

''Maayos naman po ako itay, at mabuti naman po ang aking pag-aaral hindi nyo po kailangan mag alala. Wala pa po akong nobyo diba nga po pangako ko sainyo ni inay na tatapusin ko muna ang aking pag aaral bago ako mag nobyo at isa pa masyado pa akong bata.'' Sambit ko habang nakatingin kay itay. Alam kong sinusubukan nyang basahin ang aking nararamdaman gamit ang pag tingin sa aking mga mata at pag obserba sa aking mga kinikilos.

Seryosong naka tingin saakin ang itay. ''Anak alam kong maayos ang iyong pag aaral, hindi na ako nag aalala pa dahil malaki kana at alam kong alam mo na ang mga ginagawa mo, at isa pa may tiwala ako sayo alam ko naman na gagawin mo ang tama, ang nararapat. Pero anak alam kong may pinag dadaanan ka, alam ko naman na hindi malapit ang loob mo sa iyong ina, pati na din ang inay mo.. '' Makikita mo ang pag aalala sa kanyang mga muka, sakanyang mga mata.

Tumungo nalang ako dahil tama ang lahat ng sinabi ni itay.

''Alam ko naman na malungkot ka, pero sana anak wag ka magalit sa iyong inay, kahit hindi kayo mag kalapit ng loob mahal ka niya anak, mahal na mahal kaya sana naman anak intindihin mo nalang muna siya anak.Pero wag ka mag alala dahil balang araw mag kakalapit din kayo ng loob, maaring hindi ngayon pero dadating din ang araw na yun. '' Sambit saakin ni itay sabay haplos sa aking buhok, nakaka tuwang andito na si itay.

Tuwing may problema ako lagi sya ang nag bibigay payo saakin, siya ang laging nag papangiti saakin tuwing malungkot ako, siya lagi ang nag nag pupuno sa lahat ng pagkukulang saakin ni inay.

Tama si itay. Maaring hindi ngayon pero baka bukas makalawa, yun na pala yung araw na magkalapit na kami ng loob ni inay dadating din ang araw na yun kaya hindi ako susuko.

Bumukas ang pinto ng aking silid at iniluwa nito si inay.

''Naka handa na ang hapunan. Bumaba na kayo bago pa ito lumamig.'' Malamig na sambit ni inay.

Sabay sabay na kaming pumunta sa hapag kainan at sabay sabay kumain.

Lahat kami ay abala sa pag kain ng basagin ni itay ang katahimikan na bumabalot sa aming tatlo.

''Alam ko na marami tayong utang kaya naman napag desisyunan ko na...'' Seryoso lang siyang naka-tingin sa aming mga mata habang kami naman ay nag hihintay sakanyang susunod na sasabihin.

...''Ibenta itong bahay at lumipat sa ating tirahan sa Cebu.''

Sambit ni itay na ikinagulat naman namin ni inay.

Itutuloy...

Sugo ni KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon