Chapter 4

59 3 0
                                    

Ng dahil kay FlowerGirlaluu ay ginanahan ulit ako mag UD dito hahaha kung di dahil Sayo di pa ako mag u-UD dito (Sorrytamadlang) kung meron mang nag aabang dito sorry ah? bawi ako promise.

Enjoy Reading Everyone!
__

Bagong tahanan


Isay's POV

Naka tingin lang ako sa malalaking gusaling dinadaanan namin. Grabe, sobrang ganda naman dito.

Andaming malalaking gusali diyos ko! nakakalula! Pero ang nag pa mangha pa saakin lalo ay ang mga tao dito sa Cebu. Ibang iba sila manamit pati na din yung kilos nila, naiiba sa lugar namin.

Grabe, para silang artista kung manamit! Tapos ang gaganda pa nila.

Hayy. Bigla ko na namang naisip sila Caloy. Kamusta na kaya sila? wala pang isang araw miss na miss ko na sila.

3rd Person's POV

Napansin ng tatay ni Isay ang pag ka mangha nito sa mga nakikita.

"Wag ka mag alala anak, pag naka sweldo na ako ulit eh papasyal din tayo dito ng mama mo. Okay ba yun?" Tanong ng tatay ni isay.

Agad naman napa ngiti si isay.

"Oo naman po itay! salamat po!!"

Pagkatapos ng mahaba haba nilang byahe naka punta na nga sila sakanilang destinasyon, Ang bahay ng mga magulang ng tatay ni isay, ang bago nilang titirahan.

Agad nilang nakita ang isang ginang na naghihintay sa may pinto ng luma pero malaking bahay. Napangiti ito ng makita ang sila.

"Inang!" Tawag ni tonio sakanyang ina sabay yakap dito.

"Tonio kamusta? Naayos nyo na ba ang problema nyo? Buti naman at nakarating kayo dito ng ligtas. " Malambing na sabi nito habang naka yakap sakanyang anak.

"Opo naayos na po namin. Eto na nga po pala si Isabelle." Sabi ni tonio.

" M-magandang hapon po.. lo-lola.." Nahihiyang bati ni isabelle.

"Eto na ba ang apo ko? napaka gandang bata mo naman kamukang kamuka mo sya. " Puna ng matanda sakanyang apo, at tila ang huli nyang sinabi ay isang maka-hulugang opinion.

Bago pa maka sagot muli si Isabelle ay nag salita na ang kanina pa na tahimik na si Selia.

"Inang, kamusta po?" Sambit nito. Halata mo sakanyang muka na hindi sya komportable at napipilitan lamang.

"Mabuti naman ako. Ikaw? kamusta ka Selia? mukang hindi ka pa rin nag babago." Sagot nito habang suot ang ngisi sakanyang mga labi.

Hindi naka imik si Selia at tahimik lang na nakatitig sakanyang biyanan. Ganun din sakanya si Inang.

Nagkaron ng isang nakakabinging katahimikan. Naramdaman ni Tonio ang tension na namamagitan sa dalawa kaya naman mag sasalita na sana si Tonio ng biglang lumabas ang kanyang pamangkin na si Moira.

"Lunch's ready. Don't make the food wait" Sambit ng dalaga suot ang napaka lamig nitong boses.

"Mabuti pa at pumasok na tayo sa loob at kumain. Halika na apo" Sambit ng Inang sabay hila kay Isabelle.

"O-opo l-lola.." Nahihiya pa rin si Isabelle pero sinubukan nya pa din umarte ng normal sa harap ng kanyang Lola.

"Halika apo at tumabi ka saakin" Malambing na Sambit nito sakanyang apo.

Walang pag da-dalawang isip na lumapit si Isabelle sakanyang Lola at umupo sa tabi nito.

Isang nakaka binging katahimikan ang bumabalot sa hapag kainan ng basagin ito ng Lola ni Isabelle.

"Moira simula ngayon mag hahati na kayo ng kwarto ni Isabelle at sa darating na pasukan ay magiging mag ka- klasse na din kayo." Anunsyo ng matanda kay Moira.

Tila hindi nagustuhan ni Moira ang naging anunsyo ng kanyang Lola at napatigil sya sa pagkain.

"Talagang gusto mo akong ipahamak noh? hindi kana nakuntento." Sambit ni Moira sabay alis sa hapag kainan.

Nagtataka man si Isabelle ay pinag patuloy nya nalang ang pagkain.

Mamaya ko nalang siguro itatanong kay Lola -Sambit nito sa sarili habang kumakain.

__

Natapos na ang lahat sa hapag kainan at oras na para matulog pero si Isabelle ay tila hindi mapakali at pinag iisipan kung papasok ba sya sa silid ng kanyang pinsan at maki tulog sa kwarto nito, o paki usapan nalang ang kanyang Lola na sa guess room nalang muna sya matulog.

Sa huli ay napag desisyonan nalang nya na paki usapan nalang ang Lola nya na sa guess room nalang matulog pero hindi pa sya nakaka habang pa alis ng bumukas ang silid ni Moira. Tumambad sakanyang harapan ang nakapanjama na si Moira na halata mong matutulog na.

"Pumasok kana." Malamig nitong paanyaya, sa huli wala din syang nagawa at pumasok na sya sa silid ng kanyang pinsan na si Moira.

Inaasahan nyang maayos at malinis ang kwarto nito dahil kapwa babae nya si Moira pero nagulat sya sa nadatnan.

Nagkalat ang mga damit,magazine,basura at kung ano ano pa. Tila walang pake alam at sanay na si Moira at inaapakapakan lang ang mga kalat na madaanan o kaya naman pagsisipain lang ito sa gilid gilid. Ang tanging maayos lang sa kwarto nya ay ang book shelf nito na nakakalula sa laki.

Ganun pa man ay nahiga nalang sya sa tabi ni Moira.

Unti unti ay dinadalaw na din ng antok si Isabelle pero bago pa nya ipikit ang mga mata nya ay di nya inaasahan ang sasabihin sakanya ni Moira na tila isa itong babala.

"Mag i-ingat ka lagi at wag na wag kang magtitiwala sakanila andyan lang sila sa paligid at nagmamasid para sa mga tulad mong b----"

Hindi nya na narinig pa ang huli nitong sinabi dahil sa tuluyang pag lamon sakanya ng kadiliman.

Itutuloy...

Sugo ni KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon