Chapter 5

25 1 0
                                    

Masamang panaginip


3rd Person's POV

"Isabelle.."

"Isabelle...."

May tumatawag kay Isabelle. Babaeng naka puti. Mahabang ang buhok at may mga malalamlam na mga mata. Suot ang malungkot nitong expresyon tila nang hihingi ito ng tulong.

"Isabelle tulungan mo ako..."

Umiiyak ito. Halata mo sa boses nya na nahihirapan sya at nasasaktan. Hindi nya kilala ang babaeng nasa harap nya, pero nasasaktan din sya para dito. Gusto nya itong tulungan pero hindi nya alam kung sa paano.

Gusto nyang mag salita. Gusto nyang kausapin ang babaeng nasa harap nya at tanungin kung ano ba ang maari nyang itulong ngunit wala lumalabas na boses o kahit anong salita sa bibig nya. Hindi nya alam kung bakit pero para syang pipeng puro hangin lang ang lumalabas sa bibig.

Natakot sya at ninerbyos. Gustong gustong nyang mag salita pero hindi nya alam kung paano. Pilit syang sumisigaw at palabasin ang boses nya pero kahit anong gawin nya ay walang lumalabas na boses sakanyang bibig.

Hanggang sa may itim na bagay na unting unti bumabalot sa paligid nya. Naiiyak na sya dahil sa takot at nahihirapan na din syang huminga. Hindi nya na alam kung ano ang gagawin, wala na syang ibang magawa kung hindi ang mag dasal sa panginoon.

Hindi nya alam kung bakit pero unti unting nawawala ang itim na bagay sa paligid nya. Unti unti din nagiging maayos ang pag hinga nya.

Nagmulat sya ng mata. Pawisan sya pero gayumpaman maayos kanyang pag hinga at pakiramdam. Nag taka sya ng makapa nya ang muka nya. Basa ito na tila ba umiyak sya. Nag tataka man ay ipinag sa walang bahala nya nalang ito.

Babangon na sana sya ng maalala nya si Moira na katabi nya ito sa iisang kama.

Dahan dahan syang lumingon at...

"SUMAMA KA SAAKIN SA PORGATORYO!!!"


"Ekkkkkkkkkkkkkk!"

Napa tili sya sa gulat nang imbis na si Moira ang makita nya ay isang lalaking may sungay at may mahahabang dila ang nakita nya sakanyang tabi habang hinihila ang kanyang kamay 'tila gusto syang isama sa porgatoryo.

" AAAAAHHHHH!!!!"

Wala na syang ibang nagawa kung hindi ang mapa sigaw. Nanginginig sya at naiiyak  sa takot. Hindi nya alam kung totoo ba itong nang yayare sakanya o bangungot lamang ngunit sa ngayon ang tanging nasa isip nya lang ay ang maka alis sa sitwasyon na iyon.

MOIRA'S POV

Nag aaral ako para sa quiz namin sa Science ng mapa tingin ako kay Isabelle. Napaka amo talaga ng muka nya. Halatang napaka inosente nito at wala pang ka muwang muwang sa nangyayare sa paligid nya.

*Sigh*

Kung may magagawa lang sana ako para sakanya. Para maligtas sya laban sakanila.

Kaya lang hindi ko kaya. Lalo na't yun ang itinakda. Kung pwede nga lang umalis sa pamilyang to ay matagal na akong umalis. 

Mag paka tatag ka Isabelle. Kahit na mahirap, sana makayanan mo pa din.

Aalisin ko na sana ang tingin ko kay Isabelle nang makita ko syang hinihingal. Parang nahihirapan syang huminga.  

Lalong bumibilis ang pag hinga nya.

Panaginip? Parang katulad kay...

Agad kong nilapitan si Isabelle at ginising sya.

"Isabelle! Gumising ka Isabelle!" Inalog alog ko si Isabelle hanggang sa bumangon sya at umiyak.

Pinupunasan ko ang kanyang pawis ng bigla sya akong yakapin.

Nagulat ako pero niyakap ko din sya pabalik. Alam kong takot na takot sya ngayon at kailangan nya ng taong yayakap sakanya.

"Tahan na Isabelle, tahan na. Mag dasal ka lang sa panginoon at tatagan mo lang ang loob mo." Sabi ko sakanya.

Iyak pa din sya ng iyak hanggang sa tumingin sya saakin.

"Moira, n-natatakot a-ako.. b-baka m-makuha n-niya a-ako.."

Nanigas naman ako. Bigla akong kinabahan. N-natatakot sya na baka m-makuha n-niya? Sino ang tinutukoy nya? May alam na kaya sya sa mga mangyayare?

Tumingin ako sa mga mata nya. Alam kong baka hindi ko magustuhan ang malaman ko pero wala akong magagawa. Kailangan ko itong itanong para matulungan ko sya.

"I-isabelle.. sabihin mo, s-sino ang g-gustong k-kumuha s-sayo?" Nanginginig ako. Kasi ako mismo, natatakot sa maari kong malaman.

Pero hindi. Kailangan kong mag paka tatag para kay Isabelle.

Tumingin din sya sa mga mata ko at sinagot ang tanong kong nakapag pataas sa balahibo ko.

"S-si... si kamatayan..."

At bigla na lamang syang nawalan ng malay.

Itutuloy...

Sugo ni KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon