Hi there! I realize that its easier for me to write this story from 3rd person's POV than Isay's POV So from now on I'll be writing this story from 3rd person's POV. Enjoy!
----
3rd Person's POV
"Nandito ka lang pala! Sino tinitignan mo? Bakit sobrang seryoso ng muka mo?" Pag tatakang tanong sakanya ni Moira.
"M-may nakita kasi akong babaeng naka tingin saakin kanina jan sa kabilang kalye"
"Asan? Wala naman ah?"
"B-bigla na lang nawala eh.. nung dumating ka"
Tila ba nabuhusan ng malamig na tubig si Moira ng marrying nya ito. Napuno ng gulat ang muka ng dalaga na tila ba may naaalang di maganda.
"M-mahaba ba buhok ng babae?" Tanong sakanya ni Moira.
Nagulat naman si Isay "Oo! Pano mo nalaman?" Tanong ni Isay kay Moira na mukang gulat na gulat pa din at hindi maka pag salita.
Nagulat na lamang si Isay ng dali dali lumapit sakanya si Moira at hinawakan ito sa magkabilang balikat neto.
"K-kahit anong mangyare w-wag na wag mong lalapitan yung babaeng yun ah?" Nanlalaking matang sambit ni Moira kay Isay.
Nagtaka naman si Isay "A-ano bang problema?" Kunot nuo nitong tanong kay Moira.
"W-wala.. halika na at umuwi na tayo" Sagot nalang nito sabay iwas ng tingin. Mahahalata mo dito ang pag ka balisa at tila ba di ito mapakali.
Naguguluhan man si Isay sa kinilos ng kanyang pinsan ay pinag sa walang bahala nya nalang ito at sumakay na ng jeep. Habang pauwi ay meron pa din tanong na namumuo sakanyang isip.
Sino yun? Kilala kaya ni Moira kaya alam nya itsura? Bakit ganun ang naging reaksyon nya?
Gustong gusto nya itong itanong kay Moira subalit di nya na lang ito ginawa. Bagkus ay tahimik nya na lang pinag masdan ang kanyang pinsan na tumitingin sa paligid animo'y di pa rin mapalagay.
--
"Kamusta ang bago mong eskwelahan anak?" Tanong sakanya ng kanyang tatay habang nag huhugas sila ng kanilang pinag kainan ng hapunan.
"O-okay naman po" Tahimik na sagot nya. Hanggang ngayon ay iniisip nya pa din ang babaeng nakita nita na naka itim at mahaba ang buhok. Bukod dun ay nag aalala din sya sakanyang pinsan na si Moira dahil simula ng makauwi sila ay wala ng imik ito at nagkulong nalang ito sakanyang kwarto. Ni hindi din ito lumabas upang kumain ng hapunan.
"Oh bakit parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ba?" Tanong sakanya ng kanyang ama. Bakas sa boses nito ang pag aalala sakanyang anak.
Napa buntong hininga na lang si Isay. " Tay, may kakilala po ba kayo dito sa Maynila na babaeng maputi na mahaba ang buhok?"
Nagtataka naman syang tinignan ng kanyang ama. "Babaeng maputi? Mahaba ang buhok?"
"Kanina po kasi nung hinihintay ko po si Moira sa labas ng gate ng school eh may babae pong mahaba ang buhok, maputi at naka itim na damit. Nakangiti ito saakin. Kumaway pa nga po eh" Kwento ni Isay sakanyang ama na ngayon eh natuod sa kinakatayuan nito.
"Tay? Okay lang po kayo?" Tanong nito sakanyang ama na ngayon eh may gulat sa muka. Napatigil din ito sa pag huhugas ng plato.
Agad humarap sakanya ang kanyang ama at tinignan sya sakanyang mga mata.
"Anak, kahit anong mangyare wag na wag kang lalapit sa babaeng yun. Wag na wag mo din syang kakausapin. Pag nakita mo sya sa malapit, lumayo ka agad naiintindihan mo?"
Naguguluhan man at nag tataka ang dalaga ay napatango na lamang sya sakanyang ama na seryosong nakatingin sa kanya. "O-opo" Sagot na lamang nito.
Pagtapos ng pag uusap nila ng kanyang ama ay dumiretso na sya sakanilang kwarto ni Moira upang mag pahinga.
Pag pasok nya sakanilang silid ay walang tao dito.
Asan kaya si Moira? Okay lang kaya sya?
Nagtataka man kung nasaan si Moira ay humiga na ito sakanilang kama upang matulog.
"Isay..Isay..."
Naalipungatan ang dalaga ng may marinig syang tumatawag sakanya. Nagkusot ito ng mata at tumingin sa paligid.
Sinong tumatawag saakin?
Napatingin sya sa kanyang tabi at nakitang natutulog ang pinsan. Tinitigan nya ito at natuwa dahil mukang mahimbing ang tulog nito.
Ngunit laking gulat nalang ni Isay dahil pag lingon nya ay may babaeng naka tayo sa harap nya at umiiyak.
"Isay...tulungan mo ako Isay..."
Natatakot pa man ay tinanong nya pa din ito "S-sino po kayo?"
Imbis na sumagot ito ay umiyak lang ito ng umiyak. At habang tumatagal ay lumalakas ang Iyak nito.
"Isay...tulungan mo ako Isay..."
Natatakot na sya at di nya na alam ang gagawin.
"M-moira... Moira.." Tawag nya sakanyang katabi pero hindi ito nagigising.
Wala na syang nagawa kung hindi ang pumikit at mag dasal. Ilang minuto ang lumipas ay bumalot ang katahimikan at ang kaninang umiiyak na babae ay tila ba nawala.
Para makasiguro ay binuksan nya ang mga mata nya
Ngunit pag ka bukas nya ng mga ito ay nagulat sya dahil tumambad sakanyang mismong muka ang babaeng umiiyak.
"ISAY!!! TULUNGAN MO AKO!!! ISAY!!!"
Sa sobrang takot ay wala na itong nagawa kung hindi ang mag talukbong ng kumot at umusal ng dasal.
Diyos ko, tulungan nya po ako...
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Sugo ni Kamatayan
ParanormalON-GOING | Hinding hindi mo dapat sila pag katiwalaan, lalo na't sila ang sugo ni kamatayan. Nag hahanap sila ng isang dalaga, at hindi lang basta basta dalaga. Isang dalagang birhen. Ikaw? Isa ka ba sa hinahanap nila? ©Dalle Lion