Chapter 3

205 8 1
                                    

SELIA po ang pangalan ng nanay ni Isay at TONIO naman po sa tatay nya. Enjoy reading!!

--

Malamig na pakikitungo


3RD PERSON'S POV

Gulat. Yan ang makikita mo sa muka ni Isay at ng kanyang inang si Selia habang naka tingin sa Padre de pamilya na si Tonio.

''S-sino naman ang nag sabi sayong lubog na tayo sa utang?'' Kalmado pero madiin na tanong ni Selia habang diretsong naka tingin sakanyang asawa na si Tonio.

''Hindi na mahalaga kung sino. Ang importante ay mabenta natin agad ang bahay natin na ito at mabayaran natin lahat ng utang natin ng makalipat agad tayo sa Maynila.'' Sabi ni Tonio na halata mo ang pag titimpi sa boses.

Tumigil sa pagkain si Selia at tumingin muli sakanyang asawa. ''Ano ba ito Tonio?! gawa ka ng gawa ng desisyon, ni-hindi mo nga ako tinatanong kung sangayon ba ako dito at bakit ka ba nag ma-madali ha?!'' Hindi na naka-pag timpi si Selia at inilabas na sa asawa ang hinanakit nya.

Hindi na din naka-pag timpi pa si Tonio kaya naman tumigil sya sa pagkain at nag salita. ''Ako ang padre de pamilya dito at alam ko kung ano ang nakakatama o nakakamali sa pamilya na ito! bakit Selia? may magagawa ka bang paraan upang mabayaran ang ating mga utang? diba wala naman? at bakit pa kita kailangan tanungin? Baka nakakalimutan mo na ako ang nag-tra trabaho at nag babayad ng mga gastusin natin kaya alam ko na ang dapat kong gawin!''

Hindi lang si Selia ang nagulat pati na din si Isay ay napatigil sa pagkain at napa-tingin sakanyang ama. Hindi nya kasi inaasahan ang pag taas nang boses ng kanyang ama lalo na't ang alam nya ay mahaba ang pasensya nito. Pero ang nasabi nya nalang sakanyang sarili ay 'Tumaas siguro ang boses ni itay dahil sa sobrang pagod'

Nagbuntong hininga ang kanilang ama at tumayo. ''Tapos na ako sa aking pagkain. '' Sabi nito sabay alis sa hapag kainan.

Tumingin naman ng masama si Selia sakanyang anak. Ang nasa isip nito ay 'Sinasabi ko na nga ba't nag sumbong ito sakanyang ama. Kung hindi sya nag sumbong hindi sana galit si tonio ngayon. '

''Masyado kang sumbungera. Sarili mo lang ang iniisip mo! masyado kang maka-sarili! kung hindi ka sana nag salita hindi sana sya magagalit ng ganito.'' Malamig na sabi ni Selia sakanyang sariling anak.

Mag sasalita pa sana si Isay nang bigla itong umalis sa hapagkainan. Naiwan syang naka tulala. Iniisip ang mga paratang sakanya ng sarili nyang ina.

ISAY'S POV

Naiwan lang ako dito sa hapagkainan. Iniisip ang mga sinabi saakin ni inay kanina. Ang hirap at ang sakit ng mga sinabi nya saakin. Sa tingin ko pinag bibintangan nya ako. Pero bakit? bakit nya ako pinagbibintangan? wala naman akong alam sa pag ka-galit ni itay.

Ni-hindi ko nga din inaasahan ang ginawa kanina ni itay. Sobra na talaga ito. Di mo ba talaga ako kayang mahalin inay?

Pumapatak ang aking mga luha habang nag liligpit ng aming pinag kainan. Ito na lang ba ang kaya kong gawin? ang umiyak?

Napa buntong hininga nalang ako. 

Siguro nga eto na lang talaga ang magagawa ko. Ang umiyak. Ang humikbi. Ano pa bang magagawa ko diba? galit si itay. Panigurado kapag nag sabi pa ako sakanya ng problema ko at nalaman nyang tungkol na naman ito kay inay sigurado akong lalo pa syang magagalit kay inay. At ayokong mangyare yun.

Mag-huhugas na sana ako ng pingan ng bigla kong narinig ang boses ni inay sa aking likuran.

''Ako na ang mag-huhugas ng mga yan. Pinapatawag ka ng iyong itay.'' Malamig na naman na sambit ni inay. Kahit kelan talaga napaka-lamig ng pakikitungo nya saakin.

Pumunta ako sa kwarto nila inay at itay. Kumatok ako at agad din naman akong pinag buksan ni itay ng pinto.

''Ano pong sasabihin nyo saakin itay?'' Tanong ko sakanya. Ngayon ko lang napansin ang itsura ni Itay, muka syang pagod na pagod at maraming iniisip. Kawawa naman si itay.

''Anak, isay gusto ko sana sabihin sayo na dun na tayo titira sa Maynila, sa bahay ng lola't pinsan mo.'' Nanlaki ang aking mga mata dahil sa tuwa.

''Talaga po itay?! meron po akong pinsan dun?'' Tanong ko. Natutuwa talaga ako at may makaka sama ako duon. Nag iisa lang kasi akong anak at natutuwa akong mararanasan ko ng mag karoon ng kasama sa bahay. Si inay lang kasi ang halos kasama ko sa bahay sa maraming taon dahil saglit lang din mag bakasyon dito sa isabella si itay.

''Oo naman.'' Sambit ni itay habang natatawa tawa pa. Hinawakan nya ang aking mahahabang buhok at nag salita ulit. '' Sya si Moira. Mabait, kaya lang ubod ng tahimik. At napaka hilig din nun mag aral at mag basa kaya naman napaka dami nyang medalyang nakukuha galing sa paaralan.'' Pag kwe-kwento saakin ni itay. Kung ganun, kamangha mangha pala ang aking pinsan na si Moira!

''Sa isang araw na tayo aalis dito anak. Aayusin ko lang ang mga kailangan kong ayusin dito pagkatapos nun aalis na tayo dito at pupunta sa cebu. Sa Maynila ka na din mag aaral at magkakasama na din tayo ng inay mo. Okay lang ba sayo yun anak?'' Tanong sakin ni itay.

''Oo naman po itay. Basta, kung ano man po yung mga plano nyo alam ko naman po na para po yun sa ating lahat. Basta po andito lang ako para suportahan kayo ni inay'' Sabi ko ng naka ngiti.

Niyakap ako saglit ni itay at nag salita. ''Osige na anak matulog kana at ng maka pag pahinga kana. Alam ko naman na pagod ka din. '' Sabi ni itay.

Paglabas ko ng silid nila itay ay nadatnan ko si inay na papunta dito sa kwarto nila. Balak ko sana syang kausapin bago ako matulog kaya lang nilagpasan nya lang ako. Hayy.

Bago ako matulog ay nag isip muna ako ng kung ano ano.

Di ko itatangi na nana-nabik na talaga ako sa pagpunta namin sa Maynila, alam ko kasi na ang pag punta namin sa Maynila ay ang panibagong simula para saamin nila inay at itay.

Lalo na saakin.

Itutuloy..

Sugo ni KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon