Isabelle Carreon Andayog
3rd Person's POV
''Isay! Isay!''-tawag ng ina sakanya.
''Sandali lang po inay!'' Pag sagot nya dito 'Hay grabe, ansakit na ng balakang ko kaka walis di naman nauubos yung kalat!' sabi nya sakanyang sarili. Nag wawalis kasi sya sa tapat ng kanilang bahay..
Sya si Isabella Carreon Andayog, o mas kilala bilang Isay 16 na taong gulang na sya at mag 4-4th year na sa darating na pasukan ang kanyang pangalan ay nangaling sakanilang probinsya na Isabella.
''ISAY ANO BA!!'' Pagalit na pagtawag sakanya ng kanyang ina, 'Patay! galit na ata si inay'sabi nya ulit sarili kaya dali dali nyang binitawan ang walis ting-ting at nag madaling pumunta sa kanyang ina.
''Bakit ba ang tagal tagal mo ha?!'' Pagalit na tanong sakanya ng kanyang ina.
''Pasensya na po inay, nag wawalis po kasi ako sa tapat ng ating bahay'' Pag dadahilan nito sakanyang ina. Takot kasi sya dito dahil bukod sa hindi sya malapit dito mabilis din maubos agad ang pasensya nito at madaling magalit.
''Ang kupad kupad mong kumilos!'' Pagalit sakanya ng kanyang ina.
''Pasensya na po inay..'' Mahinang sambit nito sakanyang ina.
''Anong pase-pasensya?! pumunta ka sa ilog at labhan mo tong mga toh! ang kupad kupad kumilos'' Pagalit sakanya ng kanyang ina, naka yuko lang siya dahil onting onti nalang at tutulo na ang kanyang mga luhang kanina pang pinipigil.
Sakanyang isip 'Di ko alam kung bakit ganun si inay sakin, kung ituring nya ako parang di nya ako anak, buti pa si itay napaka bait at ramdam na ramdam ko ang pag mamahal nya saakin.'
ISAY'S POV
Habang nag lalaba ako dito sa tabing ilog di ko na napigilan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan na bumagsak.
Bakt ba kasi ganun si inay? napaka sungit,laging mainit ang ulo sakin,kung ituring nya ako parang di nya ako anak, parang di nya ako mahal.
Di kami malapit sa isa't isa ni inay simula bata pa ako, onting pag kakamali ko lang papaluin nya na ako, tapos kahit wala akong ginagawang masama laging ansama ng tingin nya saakin, atsaka simula nung maging labing dalawang gulang ako lagi nya na ako inuutusan at pagagalitan nya ako pag nag papahinga ako.
Ansakit ansakit nya din lalo mag salita saakin, parang di nya ako anak. Kahit kelan di sya naging masaya ng dahil sakin, ni minsan kahit ang taas taas ng grado ko sa pag susulit di nya ako pinuri, lagi nya ako ikinukumpara sa iba at lagi nya din ako tinataboy.
Bakit kaya sya ganun sakin? lahat naman ginagawa ko para maging malapit kami sa isa't isa lahat ng utos nya sinusunod ko kahit na minsan labag sa loob ko, ginagawa ko pa rin para sakanya kasi akala ko sa ganung paraan mapapa saya ko sya. Pero hindi pa din pala.
Buti pa si itay, ramdam ko na mahal na mahal nya ako. Sya ang nag pupuno sa lahat ng pag kukulang sakin ni inay.
Madalas sumasagi saaking isip ang tanong na..
Siguro ampon lang ako?
Pero sa tuwing ipinararamdam sakin ni itay kung gaano nya ako ka-mahal, nawawala bigla angtanong na yun sa isip ko.
Naisip ko siguro nga talagang di lang ako ganun ka mahal ni inay.
Pinunasan ko ang aking luha at ang aking pawis psh! nakaka-pagod mag laba.
*Sigh* ngayon ko lang naramdaman ang pagod at gutom ah! anong oras naba?
''Isay! Isay!'' Tawag sakin ni...
''Caloy? bakit mo ko tinatawag? may problema ba?'' Tanong ko dito. Hingal na hingal sya na para bang may humabol sakanya ano kayang problema nito?
''Yung nanay mo kasi!'' Sagot ni caloy saakin. Namuo namn bigla ang pag aalala sa saaking isip..
''B-bakit? anong nangyare kay inay?! sabhin mo!'' Napalakas ata ang boses ko kaya gumuhit ang pag ka-gulat sa muka ni Caloy, nag aalala na talaga kasi ako eh!
''T-tara! at puntahan natin ang nanay mo'' Sabi nya sabay takbo kaya sumunod na ako saknya at tumakbo na din.
Namumuo ang pag aalala sa aking isip at ang Kaba sa aking dibdib. Pano nalang pala kung may nangyare ng masama kay inay? wala pa namn dito si itay dahil nasa cebu sya ngayon at nag tratrabaho.
Habang papalapit kami ng papalapit sa aming tahanan ay andaming pumapasok sa aking isip at mas lalong lumalakas ang kabog sa aking dibdib, para itong nag papabilisan at kung ilalagay nyo ang inyong tenga saaking dibdib eh maririnig nyo talaga ang malakas na kabog o pintig nito.
Nandito na kami sa tapat ng aming tahanan pero walang ka-tao tao dito. Napatingin naman ako sa pinang-gagalingan ng ingay.
''Hayop ka! mag iisang taon na yang utang mo pero ni isang piso wala ka man lang naibigay saakin?! bayaran mo yun ngayon din kung hindi ipapademanda kita!!'' Teka parang si aling delya yun ah?
''Hoy babae! bakit?! ano bang akala mo?! na-tatakbuhan kita?! kung yun ang iniisip mo pwes nag kakamali ka! babayaran din kita hinihintay ko lang ang asawa ko! atsaka bakit kaba nag mamadali ha? wala ka naman binubuhay ah?! ginagamit mo lang naman yang pera mo para lumandi, malandi ka mahiya ka nga!!'' KAY INAY NA BOSES YUN AH?!
Tumakbo ako papunta sa pinangagalingan ng ingay at nakita kong marami na din tao dun. Bakit hindi nila inaawat?!
''Isay!'' Tawag sakin ni caloy pero hindi ko siya pinansin at tumuloy ako sa pakikipag sisikan sa mga taong nanunuod sa away nila inay hangang sa nakarating na nga ako, naabutan ko namn silang nag sasabunutan ni aleng delya.
''Inay! inay tama na po'' Pagpigil ko pero ni isa sakanila ay walang gustong mag patalo at mag paawat kaya naman lumapit ako kay inay at hinila sya.
''Inay paki-usap po tumigil na po kayo malulungkot lang po si itay kapag nalamang nakikipag away kayo inay!'' Paghila ko sakanya pero nagulat nalang ako sa naganap dahil..
*BUGSHH
''MGA BWISET!''-Sigaw ni inay sabay alis.
''I-inay...'' Tawag ko sakanya pero di nya ako pinansin at nag lakad patungo sa aming bahay.
Bumagsak ako sa lupa dahil sa pag tulak sakin ni inay, masakit hindi dahil sa pag bagsak ko sa lupa, kundi dahil sa pag tulak saakin ni inay nag aalala lang naman ako sakanya kaya ko siya pinipigil maki-pag away pero ansakit lang dahil imbis na matuwa sya dahil nag aalala ako sakanya eh nagalit pa sya saakin.
Mahal na mahal ko si inay pero hindi ko na talaga alam ang gagawin ko para lang mahalin nya din ako pabalik.
Di ko na napigilan at tumulo na ang mga luha ko sa maduming lupa na binagsakan ko.
Itutuloy...
Don't forget to vote and leave a comment please. ❤
BINABASA MO ANG
Sugo ni Kamatayan
ParanormalON-GOING | Hinding hindi mo dapat sila pag katiwalaan, lalo na't sila ang sugo ni kamatayan. Nag hahanap sila ng isang dalaga, at hindi lang basta basta dalaga. Isang dalagang birhen. Ikaw? Isa ka ba sa hinahanap nila? ©Dalle Lion