Nakahalukipkip ako habang nasa loob pa rin ng elevator, kapagkwan ay may nag-ting hudyat ng pagbukas nito.Naglakad ako with discomfort dahil nga sa malagkit na pakiramdam sa katawan ko.
Tuloy tuloy lang ako eventhough I see my employees bowing while I am passing. Habang naglalakad ay unti unti kong linuluwagan ang aking neck tie.
Di ko rin pinansin ang pag-Good morning sa akin ni Ellaine, parang may sinasabi pa siya peri pumasok na ako sa opisina ko agad ng padabog.
Nag-alis ako ng damit, lahat.. I put it in the trash.. except my boxer shorts. MALILIGO AKO!!
Pumasok ako sa shower room. Mabilis lang ako roon, dumeretso na ako agad sa Walk-in closet ko to change.
Di na ako nagpili ng isusuot ko , Pete's sake.. I'm late.
Nahablot ko ang Light Blue long sleeves at slacks na medyo fitted sa may laylayang parte at black shoes.. Di na ako nag neck tie, ubos na pasensya ko..
Inayos ko ang buhok ko gamit ang aking kamay. Di ko iyon napunasan kaya medyo messy ang look. I didn't have time to use the mirror. Time is ticking and I have a deal to close.
Lumabas ako ng shower room and umupo sa aking sofa malapit sa intercom.
I calmed myself. Kakausapin ko ang secretary ko.
"Ellaine, is Mr. Constantia arrived?" Tanong ko habang naka-dequatro.
"He just called a while back, Sir, and he said that he is out of town with her wife, and..."
"What? Why didn't you tell me earlier!!?" Malakas na bulyaw ko na pumutol sa sasabihin niya.
"N-Nagmamadali ka p-po kasi kanina s-sir kaya hindi ko po nasabi." Uutal utal siya.
"Is there anything more that he said??!" May diin ang mga iyon.
"A-and he said sir that his daughter will be the one ne-negotiating with you s-sir.. " nanginginig ang boses niya.
"Ang s-sir, may b-babae po s-sa baba claiming that she has an appointment here. With you raw po. But the guards won't let her in kasi po inutos niyo raw po na palabasin siya" Dagdag pa niya.
Naalala ko ang babaeng yon. Tinawagan ko ang head security.
"What's happening down there?" Kalmado kong tanong pero may authoritative pa rin ang boses.
" Ser, nagwawala po kasi yung babaeng pinalabas mu ser. "
"What's the name of that woman??" Tanong ko.
"Thricia Constantia raw po. "
Siya ang anak ni Mr. Rafael Constantia. Shit.
"Papasukin niyo siya at papuntahin sa office ko. She has an appointment with me" Ito na lamang ang nasabi ko.
"Yes boss. " tugon ng head security at ibinaba ko na.
Balik sa intercom,
"Ellaine, the girl outside was the daughter of Villa de Amour's owner. Assist her."
"Yes, Sir." Punctual niyang tugon.
