Kat Viray: "Mutya! Ang magiging pangalan mo" bulaslas ko. Nakabibighani at di ko mapigilang di sya pag masdan. Bagay na bagay sa kanya ang pangalang Mutya. Kulay gatas na balat at mala anghel ang kanyang mukha. Matangos na ilong, manipis at mapulang labi, yung kulay ng kanyang mga mata ...may pag kahel ngunit kapag nasisinagan ng araw ay nagkukulay kayumanggi. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong pabago bagong kulay ng mga mata. Kung sya'y tumingin di ko mapigilan ang pag init ng aking mukha para akong baga na unti-unting natutunaw sa apoy sa tuwing ako'y kanyang pag mamasdan.
Kat Viray: "Mutya, kung ika'y may kailangan tawagin mo lang ako nariyan lamang ako sa labas" kailangan ko ng umalis at di ko matagalan ang kanina nya pang pag titig.
BDL: "Katalina. I want to go outside" sambit nya nakita ko ang bahagya nyang pag iling at paguulit ng nais nyang imungkahi.
BDL: "Uhmm gusto kong lumabas." Yung mga mata nyang batid ang lungkot at kapansin pansin din ang kaunting takot. Marahil malayo sya sa kanyang pamilya.
Dali dali syang tumayo ngunit napaupong muli.
Kat Viray: "Mas makakabuting mag pahinga ka na lamang muna" paanyaya ko dito.
BDL: "No please!! sabi mo anim na araw na akong uncons..sshh ahh" napatigil sya sandali at parang iniisip ang susunod na sasabihin. "I mean amm..ahh..walang malay kaya gusto kong lumanghap naman ng fresh air.. um sa..sariwang hangin" pag papatuloy nito. May mga salita syang iba at di ko maunawan pero kita ko sa kanya pag sisikap makapag salita sa paraang aking maiintindihan.
BDL: "May mga salita akong hindi mo mauunawaan kaya pag pasensyahan mo ako pero ittry ko ahh susubukin kong makapag salita ng simple at maiintindihan." Sabay punas ng butil na pawis sa kanyang noo.
Kat Viray: "Nauunawaan ko. Halikana at ipakikilala din kita kila Inang" hinawakan ako ang kanyang kamay upang siya'y suportahan sa muling pag tayo.
BDL: "Thank you sa..salamat Katalina" Simula nung malaman ang aking tunay na pangalan ito na ang itinawag nya sa akin.
Nakita ko sila Inang na naka upo sa mahabang bangko na ginawa ni Amang. Si Inang nag tatahip ng palay gamit ang bilao, sa tabi nito ay si Paeng na siya naman nag babayo. Si Paneng na hawak ang maliit takalan. Inilapag ko muna ang plato. Sumalok ng kaunting tubig sa banga pinunan ng tubig ang basong kawayan at iniabot kay Mutya. Iniabot naman niya ito mabilis na ininom.
BDL: "May yelo ba ang jar na ito bakit malamig sya? At the same time matamis sya." Natawa ako ng bahagya sa kanyang mga tanung.
Kat Viray: "Hindi ko alam na may lasa pala ang tubig sa balon at dahil umulan nung makalwa kaya siguro malamig ito" sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pag asim ng mukha nya at kung maari lang iluwa ang tubig na kanyang nainom marahil ginawa na nya.
BDL: "'Whatttt! Tubig sa balon? Katalina don't you know its dagerous to drink water in the well" Malakas at ipit na boses ang kumawala sa kanyang manipis na mga labi. Wala din akong naintindihan sa sinabi nya.
Nakita ko naman na dalidaling pag pasok nila Inang at ng dalawa kong nakababatang kapatid.
"Bale...leng" Nung makita nila si Mutya napahinto si Inang. Si Paneng mabilis na nag tago sa likod
ni Inang at si Paeng parang naengkanto nakatitig lamang sa aming dalawa."Gising ka na pala" wika ni Inang. Nilingon naman sila ni Mutya at magalang na bumati.
BDL: "Magandang araw po. Ako po si Mutya. Inang maraming salamat po sa pag papatuloy at pag aalaga sa akin" lumapit pa ito at inaabot ang kamay at nag mano. Kita ko naman ang malawak na ngiti ni Inang.
"Kaawaan ka ng Dyos. Nakagagalak naman na napaka tatas mong managalog" si Inang na katulad namin ni Ka Minyong na namangha sa babaeng mestiza.
BDL: "Ako po'y may dugong pilipino" Tugon ni Mutya. Nilapitan ko sila Inang at ginabay sa labas upang mas maliwanag nilang makita si Mutya. Duon isa-isa ko silang pinakilala.
BINABASA MO ANG
Transmigration (1789) #caitbea
Historical FictionFate is the belief that whatever happens is preordained and cannot be changed. Faith is the belief in something that is not based upon evidence both past and future. Bea de Leon is considered as an extremely gifted person her comprehension towards...