Sabik na sabik na akong makita sya mag iisang buwan na din mula nung huling mag daop palad kami. Simula nung makuha nila ang pinaka malaking transaksyon sa dayuhan mas lalo na syang naging abala. Kinailangan pa nyang lumipat sa mas malapit na bayan para hindi na maaksaya ang oras sa pag lalakbay.
Pilit inaalala ang mga nakaraan na sobrang tamis upang kahit papaano maibsan ang aking pangungulila. Hindi ko sukat akalain na ganito pala kabigat sa pakiramdam na malayo ako sa aking iniirog.
Lahat na ata ng tao na narito nasilayan sya ultimo ang batang si Chaoxing samantalang ako na kanyang nobya kahit anino ma'y pinag kait.
Nakita kong nakabalik na si Xioxing at kasaluyukang kinakausap ang kanyang ina. Mabilis ko itong nilapitan at hinintay matapos silang mag usap at saka naki balita sa aking Irog.
Gamit ang mga kumpas na itinuro ni Bea mabilis kong naunawaan ang bata. Mabuti naman daw ang kalusugan ni Bea marami din daw ang nais makipag transaksyon sa kanila dayuhan man o mga pilipino. Nakahinga ako ng maluwag nung malaman ko ang kalagayan ng kanyang kalusugan bagaman nangungulila pa rin.
Ilang araw pa ang lumipas at si kuya Bilyon naman ang dumating. Narinig ko silang nag kwekwentuhan ng patungkol sa mga babaing mananayaw. Sumikdo ang inis sa aking puso lalo nung maalala ko yung kaparehong pangyayari sa aming bario. Kaya pala wala na syang panahon sa akin!
Kat Viray: "Naiinis ako sayo Bea! Mapuputol ko talaga yang.." napatigil ako at natawa sa iniisip.
Bumalik ako sa aming kwarto at nag sulat sa maliit na papel at pinakiusapan si kuya na ibigay kay Bea.
*****
Isang buwang mahigit nung lumipat ako sa mas malapit na lugar sa daungan kinakailangan kong gawin ito upang mas mapabilis ang transaksyon at mailihis ng bahagya kay Ignacio at sa aking Ama ang lugar ni Katalina.
Nakabalik na ang aking Ama at gaya ng aming prediksyon ni Sr. Galvez malaking kaparusahan ang nakahain sa lahat ng taong kasama kong nag lakbay patungo sa pilipinas.
"Isabel ayos naman ang iyong pulso at tibok ng puso. Ngunit malungkot ang aurang nakapalibot sa iyo." Si Rashquinta na isang mongolian na manggagamot na marunong mag salita ng russian. Kasama nito sina Peter at Sophie mga russian din. Anak sya ni Catherine the great ang kasalukuyang empress ng Russia. Umalis sila sa kanilang bansa dahil sa planong pag patay sa kanila. Napadpad sa teritoryo ng mga hapon at duon ginupo sila ng mga ito.
Si Rashquinta lang ang nais kong bilin sa mga hapon sapagkat may alam sya sa pang gagamot. Ngunit nakiusap na kung maaaring isama ang mag asawa. Si Peter na kasalukuyang nag papagaling sa malaking hiwa nito sa tiyan at si Sophie na ilang buwan na lamang at manganganak na.
BDL: "Mateo ang pangalan ko. Ilang beses kong sasabihin sayo ang bansang ito ay di tulad ng Russia na tanggap ang pamumuno ng isang babae" paalala ko sa kanya. Tumango lamang ito inayos ang kanyang mga gamit at lumabas na.
Napakaraming papel sa aking harapan lahat ito mula sa ibat ibang lahi na nais makipag transaksyon sa amin. Kilala na kami bilang supplier ng mga dayuhang manlalayag. Mas lumaki na din ang aming nasasakupang mag sasaka. Kung susumahin halos buong luzon nakuha ko na.
Isang beses lang sa isang taon ang pag aani kaya sinamantala namin ang pag kakataong mabili ko at maiimbak ang lahat ng palay.
Ang mga pilipino sa panahong ito ay may payak na pamumuhay. Di problema ang kakainin sa isang buong araw. Sagana sa prutas, gulay at isda. Ito ang kinuha kong pag kakataon upang turuan sila na pag yamanin pa ang kung anung meron. Makakatulong ito para kumita sila at mapaunlad ang antas ng kabuhayan.
BINABASA MO ANG
Transmigration (1789) #caitbea
Historical FictionFate is the belief that whatever happens is preordained and cannot be changed. Faith is the belief in something that is not based upon evidence both past and future. Bea de Leon is considered as an extremely gifted person her comprehension towards...