7.

217 8 1
                                    

Kinabukasan maagang nagising si Inang at nag punta sa ibayo. Kaming apat na lamang ang nag agahan. Nahampas ko naman ang kamay ni Bea nung nilagang saging nanaman ang kukunin nya.

Kat Viray: "Kumain ka ng maayos! Ang daming pag kain bakit ba palaging saging ang kinakain mo!" irap ko sa kanya. Kumuha ako ng kanin at ulam at nilagay ko sa plato nya. Napasapo pa ito ng ulo.

BDL: "Anu ba yan. Tama na kaya! Anu ako tulad mo... mukhang kalabaw" agad ko naman itong kinurot sa tagiliran.

Malakas namang tumawa yung dalawa kong kapatid kaya sinamaan ko sila ng tingin. Di naman nya ito ginalaw at nag patuloy sa pag babasa. Kaya gaya ng dati sinusubuan ko sya habang patuloy ang pag babasa nya.

Natapos ang agahan. Nasa tapat kami ng bahay. Ako ay nananahi ng mga supot na gagamiting lalagyan ng uling. Sya naman patuloy pa din ang pag babasa. At yung dalawang kapatid ko nanunundo ng mga batang kukuha ng mga bao.

Kat Viray: "Ilang wika ang kaya mong salitain?" tanung ko dito. Nag angat sya ng mukha bahagya.

BDL: "Um. Kaya kong mag salita ng english, tagalog, japanese, french, spanish, chinese, russian at kaunting latin." sagot naman nito habang binibilang sa mga daliri ang mga wikang kaya nyang salitain at nag patuloy ng pag babasa matapos sumagot.

Natulala naman ako. Saan nya kaya natutunan ang mga iyon.

BDL: "Wag mo na alamin kung saan ko natutunan dahil di ko din alam" sabi naman nya kahit hindi ko pa naman itinatanung.

Nag patuloy kame sa mga gawain namin. Mayamaya lang dumating si Menang kasama nito ang kambal nyang kapatid si Pitang at Pitong. Mga anak sila ni Ka Lino, kasamahan ni Amang sa dagat na nawawala. Si Menang ay matalik kong kaibigan kasing edad ko sya at yung kambal ay dalawang tag init ang tanda namin sa kanila.

"Baleleng magandang umaga" bati nito sa akin. Napalingon naman ito sa kasama kong mestiza na tila ba walang narinig. Siniko ito ng bahagya, nag angat naman ang mukha nito sa akin at sinabing Yes?.

"Menang ito si Bea. Bea si Menang kaibigan ko at yung dalawa nyang kapatid si Pitong at Pitang" pag papakilala ko sa kanila. Bakas sa mukha nung tatlo ang pag kamangha sa magandang mukha ng mestiza.

BDL: "Kumusta kayo? Pitong at Pitang uupahan ko kayo ng salapi kung makakapulot kayo ng mga tuyong bao, kahoy at mga sanga ng puno. Ang inyong magiging upa ay depende sa dami ng inyong makukuha. Dalin nyo dito makalipas ang tanghalian" lalong natulala yung tatlo nung marinig nila itong mag tagalog. Matapos sabihin nag patuloy na ito sa pag babasa.

Nag punta naman kame ni Menang sa loob ng bahay at duon kumuha ako ng mamimiryenda nila.

Kat Viray: "Menang eto kumain muna kayo" iniabot ko ang bibingka na kasamang ibinigay samin ni Kuya Santigo at matamis na mani na binili naman ni Bea sa bayan. Agad naman itong naubos. Nag paalam na yung dalawa at lumabas mag sisimula na daw sila para makarami.

"Baleleng pinapunta ako ni Inang para makibalita kila Amang" umpisa naman si Menang.

Kat Viray: "Menang ang sasabihin ko sayo dapat ikaw lang ang makaka alam" pabulong na sabi ko dito. Tumango naman ito at sumenyas ng krus sa dibdib tanda ng pangangako nya.

Kinuwento ko ang nangyari saming lahat ni Bea at kung paano kami nag kasalapi pang upa ng mga taong mag hahanap sa mga Amang namen. Nakita ko naman na bahagyang na syang naluluha dahil marami ng mag hahanap kila Amang.

Transmigration (1789) #caitbeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon