17

199 6 2
                                    

Pinakalma ko ang sarili at sinabing di pa buo ang plano. Ngunit nanginginig pa din ito sa galit at nais pa nitong sunggaban uli si Diego. Binanggit ko sa isip ang pangalan ni Katalina. Biglang uminit ang aking pakiramdam at napuno ako ng pag mamahal. "Isabel iisa tayo kung mahal mo si Katalina kokontrolin mo ang galit mo"

Isang hingang malalim at bumalik kami sa katinuan. Hinarap ang lalaking gulat na gulat. Tumutulo pa ang dugo nito sa ulo ngunit di nito nagawang mag reklamo man lang nung makita nya kung sinu ang bumato sa kanya. Mukha ni Ignacio na punong puno ng galit.

BDL: "Napaka husay Diego Andres anung ginagawa ng tauhan mo dito?" 

"Ig..Ignacio si..sinabi ni Torres ha..hawak nya ang buong daungan. Paumanhin hindi ko alam na.." hindi nito halos masabi ang susunod pang sasabihin sa sobrang panginginig nito.

BDL: "Ikaw sa lahat ang hindi marunong sumunod at makinig sa utos. Diego itago mo ang iyong sarili parating na ang aking ama. Si Torres..alam mo na ang iyong gagawin" mabilis itong umalis at isinama ang lahat ng mga opisyal paalis sa daungan.

Mabilis kong pinaayos ang mga nasira ng mga kastila at pina handa muna ang mga halamang gamot habang isinasaayos muli ang pang hapunan.

Hindi pa nakaka recover si kuya Bilyon sa pag kagulat nung bumalik ako sa barko. Kaunti na lamang ang mga buhangin sa orasan. Kinuha kay Amang ang singsing at inilagay sa pinaka ilalim na bulsa ng aking suot.

BDL: "Kapitan, paumanhin po sa pagka antala." Batid sa mga mukha nila ang pag tataka nung biglang nawala ang mga kastilang opisyal. 

Sinunggaban ko ang pag kakataong ito upang ipa alam na may kalayaan na silang pumili ng mag bibigay ng probisyon. "May kasulatan kami na galing sa bagong pamunuan na pinapayagan kaming mangalakal sa mga dayuhan ito ay galing mismo sa kapitolyo" iniabot ko ang isang papel na may lagda ni Sr Galvez at syempre pekeng lagda ni Ignacio bilang umaaktong governador heneral ng pilipinas. Wala sa plano ang pag bato ko kay Diego ang totoong plano ay kasulatan na aming kinuha kay Sr. Galvez na nag sasaad ng pag payag nito sa bidding.

Nag patuloy kami sa pag bibigay ng mga nais ikalakal. Mga halamang gamot na naka label sa kanilang wika at kung para saang lunas. Nung makuha ko ang hudyat na ayos na ang hapunan. Ipinaayos ko ulit ang lamesa na aming iniakyat sa deck ng barko at lahat ay ianalok sa buffet. Pina tikim ko din sa kapitan ang pinag halong tuba at katas ng pinya na kanya namang nagustuhan.

"Mateo ang lahat ba ng nasa lamesang handa ay galing sa mga probisyon na inyong ibibigay?" Si Sumanth na amoy ko ang hininga. Maging si kapitan ay napa iling din nung maamoy ito.

BDL: "Sumanth, maka aasa kang lahat ay nasa aming probisyon. Gaya ng sinabi ko sa iyo ang mga karne ay tatagal at kung kayo'y maka pag lalakbay sa lugar na may yelo maaari itong mas tumagal pa ng kalahating taon. Ang mga sangkap at palaman ay tatagal ng isang taon kung maingat at mayos ang iyong pag pagamit." Isang senyas ang nakuha ko kay Xioxing na sobrang kinatuwa ko mga expression ng mukha na nag sasabing kami ang may pag asang kunan nila ng probisyon.

"Mag kanu ang iyong hinihingi sa mga probisyon?" Tanung ni kapitan.

BDL: "Dalawampung ginto sa bawat barko" diretsahan kong sagot. "Nais ko munang inyong pag isipan at gaya ng nasabi ni Sumanth marami kayong pinag pipiliang mga nag bibigay ng probisyon. Maaari nyong subukan ang lahat bago kayo mag desisyon. Babalik kame limang araw mula ngayon upang aming makuha ang inyong sagot at kakailanganin namin ang tatlong linggo para ihanda lahat ng mga pagkain kung sakaling kami ang inyong mapipili." Para naman talagang masusing pinag iisipan ang lahat ng mga ito. Habang inaantay maubos ang lahat ng mga pag kain sa mesa isang hamon mula sa kapitan ang mag laro ng chess na masaya kong pinaunlakan.

Transmigration (1789) #caitbeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon