6

201 8 0
                                    

Dumiretso ako sa pangalawang palapag malapit sa bintana kung saan kita ako ng limang lalaki. Matapos maupo kaswal akong nag tanung tungkol sa chess match na nang yayari sa lugar na ito. Magiliw naman akong sinagot ng intsik at binigyan ng kaunting pointers. Kunwaring nagalak ako sa kanyang binalita at pasimpleng inabutan sya ng isang pera. Tuwang tuwa naman ito at mabilis na kumilos. Kinuha ang aking buong pangalan pansin ko ang pag bago ng kanyang reaksyon nung mabasa ang aking pangalan. Ginamit ko lang naman ang pangalan ng anak ng bagong  gobernador heneral.  Hindi sya ordinaryong taga silbi lamang. Salamat sa kasunduan at sa kwento ni Mr. Qi about sa pamilya ng bagong gobernador heneral.  Dalawang intsik at isang pilipino ang bumaba mula sa 3rd floor  at papunta sa aking direksyon. Halos silang tatlo ay mga nasa late 40s to early 50s ang edad.

"Senior deLeon" bati nung intsik na marunong din mag salita ng wikang espanyol. Kunwaring nagulat ako at tinapunan ng malawak na ngiti. Pwede na talaga akong mag artista.

Hindi pa man ipinapakilala ang isang intsik ngunit base sa reaction ng aking katawan si Mr. Xing na ang aking kaharap. Mas matindi ang pag tayo ng aking balahibo at para bang may enerhiyang hinihigop ang aking kaluluwa. Halos di ko matagalan ang kanyang presensya napapikit ako at nag dasal ng taimtim upang pakalmahin ang sarili.

"Senior de Leon ito si Mr. Xing ang makakalaban mo sa larong chess ako ang magiging taga salin ng salita" pukaw naman ng intsik.

Si Mr. Xing ay maliit at halos kasing taas lamang ng aking balikat, mahahabang balbas at bigoteng naka trim ng maayos. Ang buhok nito ay may mangilan ngilang puti at nakatali ng mataas hanggang tuktok ng ulo. May katamtamang pangangatawan at nakasuot ito ng red long-sleeved robes with belts pang karaniwang damit ng old chinese man.

Naupo sa harapan ko si Mr Xing, sa kanan nito yung translator at sa kaliwa yung pilipinong nag aayos ng chess board.

Binase ko ang galaw ng aking pyesa sa paraan ng pag galaw nito. Sa ika sampung galaw nakuha ko ang estilo ng kanyang laro. May mangilang ngilang tanung sa akin ang translator na kung hindi ako nakapag research kay Mr. Xing aakalain mong mga normal na katanungan lamang. Ibinigay ko ang mga sagot na gusto nilang marinig. Hindi pa natatapos ang unang laban pansin ko ang biglang pag dami ng tao.

Sa maikling panahon kumalat agad ang balita na ang wala pang talong si Mr. Xing kalaban ang batang mestizo. Sinadya kong mag patalo ng dalawang beses ngunit sa dalawang larong yun nakuha ko kung bakit hindi sya natatalo. Tama si Mr. Qi obserbahan kong mabuti ang mga kilos at expression nito. Di sya nag kamali! Tatlo silang kalaban ko! Yung pilipino at itong dalawang intsik. Mga senyales kung anung estilo at atake ang gagawin. Ang pag hawak nya sa kanyang bigote ay hudyat sa pilipino kung anung estilo nang laro ang meron ako at kung dalawang hawak pa sa kanya kabilang parte ng mukha kung anung pyesa ang kailangan galawin. Having a photographic memory is really an advantage plus point na din na I'm from millennial era at nakalaban ko pa ang ilan sa mga grand masters ng chess kaya mas nahasa ako sa larong ito.

Inumpisahan ko na ang pang oscar award na pag arte ko. Sinadya kong ihulog ang kunwaring kontrata ng mga bagong opisyal ng espanya kasama nito ay pekeng kasunduan sa pag upa ng bahay. Kitang kita ang pag babagong anyo nung translator at kasabay nito ang pag bibigay balita kay Mr. Xing na agad nitong kinasaya. Itinaas nito ang kanyang kamay at isang mejo batang lalaki ang lumapit at may iniabot kay Mr. Xing.

Tumayo ako upang mag bigay hudyat na din sa limang lalaking nasa baba. Nakita ko naman na nag umpisa na silang gumalaw.

Pansin ni Mr. Xing na wala na akong hawak na pera kaya binigyan ako nito ng magandang offer na walang sinu man ang hindi kakagat. Pinalakas pa nung translator ang loob ko. Sa huling dalawang laro daw ay talagang napaka ganda ng naging laban namin ni Mr. Xing. Sinabi ko naman na wala na akong dalang pera pa. Sabi naman nito na maaari kong isanla muna ang kahit anung alahas, napahawak naman ako kunwari sa singsing na binigay ni Santiago. Sinadya pa nilang ihuli ang kontrata na hawak ko bilang kolateral sa magiging laban.

Transmigration (1789) #caitbeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon