"Bea one more round." Utos ng therapist ko. This day is my 4th PT seassion I'm wearing a walking harness with ceiling lift to support my back and weight.
Two months after I wake up nag undergo ako ng spine surgery because I can't feel anything on my legs. Base on my imaging results my legs were perfectly fine naman they just needed to fix yung nerve na naipit sa likod. Successful ang surgery kaya they recomended me to go on PT after 4 months of recovery.
"Good job! Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba o pangangalay kang na raramdaman?" Habang tinuturo ni Jovs yung parte ng katawan ko. I decided na dito sa pinas icontinue ang rehab ayaw ko ng mag stay sa state kasi mas ramdam ko ang lungkot na meron ako.
Numb na siguro ako sa pain though my brain acknowledge it but compare sa sakit na wala na si Katalina at ang realidad na hindi na kami mag kikita at magkakasama habang buhay walang kasing sakit.
BDL: "All good. I feel great." Maikling sagot ko. She guided me back to the nearest chair. Pag kaupo ko she started massaging my legs. Tumingala sya sakin saglit at umiling lang. I know naman na lahat ng tanung nya about pain may maikling akong sagot at never ko inamin na masakit talaga yung mga pinapagawa nya. Ang totoo mas gusto ko itong physical pain na meron ako ngayon kasi nadidivert ang attention sa sakit ng mga binti at nawawala panandali ang pag iisip ko sa nakaraan.
"May schedule ka pa ba after this?" Tanung ni Jovs.
BDL: "Yes. Schedule with my psychiatrist. Doc Rad will be here in 30." Sagot ko.
"After nun meron pa ba?" Tanung nya ulit.
BDL: "Wala na." Sagot ko naman.
"Bea..anu kasi ngayon kasi.." sa nahihiyang boses ni Jovs. "yung..yung 7th birthday ni Lisa. Pupunta lahat ng mga bata at parents nung Give a Smile Foundation. Gusto ka din nila sanang personal na pasalamatan sa malaking tulong mo para sa mga bata" Si Jovs ay volunteer ng foundation at dati nyang kapit bahay si Lisa, isa sa mga batang may cleft lip. Sya din ang may pinaka maselang condition na kinakailangan ng specialist na galing pang ibang bansa para mag perform ng surgery sa kanya.
Parang tinadhana na makita ko yung bata. Nung kinailangan kong mag undergo ng overall physical examination at humingi ng cardio clearance before iperform ang spine surgery na requirments ng UC Davis isa sa hospital sa US. Nasa tapat sya ng hospital kasamang nag titinda ang kanyang lola. Saktong ding nag tanggal ito ng facemask kaya nakita ko ang kabuuan ng kanyang mukha.
Simula nuon gabi gabi akong dinadalaw ng alaala ni Chaoxing at ng kanyang pamilya. Agad kong pinakuha ang information nung bata hindi ko man nagawan ng paraan si Chaoxing nuon sa ganitong paraan makakabawi ako sa kanya. Nag sponsor ako ng libreng surgery sa lahat ng mga batang may cleft palate/ lip at isa si Lisa sa makaka receive nito.
"Naiintindihan ko kung di ka makakapunta..." I stop her sa anu pang sasabihin nya. Inakala nyang di ako sasama nung di kaagad ako naka sagot sa kanya.
BDL: "Sige attend ako. Pwede bang isama ko si Doc Rad?" Sagot ko. Lumawak naman ang ngiti nito at napalakas pa ng kaunti ang pag pisil nito sa binti ko. Napangiwi naman ako ng bahagya.
"Naku naku sorry Bea. Sinisugurado ko lang din na may pakiramdam ka talaga" segunda pa nito na kinataas lang ng kilay ko at kinatawa nya ulet.
Inalalayan nya ako para makapag palit ng damit at sinamahang bumalik sa aking kwarto para sa next schedule at duon na din sya mag hihintay matapos.
Maya maya lang may katok kaming narinig. Bago pa mabuksan ang pinto nakatayo kaagad si Jovs sa haba ng mga pata nito mabilis nyang narating ang pinto. Nakasanayan na ni Doc Rad ang pagkatok ng ilang beses wala mang sumagot agad ding syang papasok si Jovs naman na saktong lumabas. Dahil din sa pareho silang matangkad nag kauntugan yung dalawa. Sinabayan pa ng pareho nilang pag hawak sa ulo ng nakabanggan at sabay ding nag sorry sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Transmigration (1789) #caitbea
Historical FictionFate is the belief that whatever happens is preordained and cannot be changed. Faith is the belief in something that is not based upon evidence both past and future. Bea de Leon is considered as an extremely gifted person her comprehension towards...