12

324 6 2
                                    

"Baleleng anu daw sabi ng manggagamot?" si Inang na tulad ko'y balisa.

Kat Viray: "Maayos naman po daw ang tibok ng puso nya. Kailangan lang po nyang mag pahinga. Maaaring bbukas ppo gi..gising nna ssya" naiiyak nanaman ako habang hinahaplos ang buhok ng aking irog. Dalawang araw na syang walang malay.

Simula nung bumalik sila sa bayan. Kabilin bilinan nya kay Simiona na iuwi sya sa akin. Hindi ko talaga sya dapat hinayaan at mas pinilit ko sanang sumama sa kanya.

Matapos kumalat ang balita sa intsik na amo ni ka Gimo mas maraming ding mga kontratista at halos ilang bario ang nais makipag usap sa kanya. Nag desisyon kaming bumalik muna dito sa bahay upang mas tahimik at may taong makakahalili sa akin kung sakaling may kailangan kong umalis sa tabi nya pansamantala.

Kat Viray: "Irog ko nais ko muling masilayan ang iyong mga mata pakiusap...pakiusap ko gumising ka na" hawak ko ang kanyang mga kamay dinadama sa aking mukha ang mainit na temperatura nito.

Masuyo akong nakatingin sa napaka amo nyang mukha. Ang mga labing napaka tamis na mga halik ang kanyang pinaranas sa akin. Mga salitang di man mabulaklak gaya ng iba at palagian mang panunukso ngunit hindi ko ipag papalit kaninu man.

Ang kanyang mga matang pinaka paborito ko sa lahat dahil sa pag iiba iba ng anyo na sa akin lamang nya pinapakita. Yung tingin na pilya at sasabayan pa ng mga kamay na madalas kong hampasin dahil sa mga pahaging na pag hawak nito sa maselang bahagi ng aking katawan. Yung tingin na alam kong may gagawin syang panunukso ngunit kapalit nito ang pag lalambing sa tuwing kaming dalawa na lamang. Yung tingin na tila ba ako lamang ang nakikita nya nag papainit ng aking mukha at nag papalukso sa aking puso. Yung tingin na pagiging madunong mga pag sasalaysay na mabilis maunawaan. Yung tingin na may pag unawa kapag may bagay akong nais nyang ipaliwanag nya sa akin. Yung mga tinging nag aalala kapag nakikita nya akong gumagawa lahat ng gawaing bahay. At yung tingin na naiinis at bahagyang takot kapag pinipilit kong damihan nya ang pag kain. Irog ko..paumanhin ngunit nag aalala lamang ako sa iyong kalusugan mas malakas pang kumain sa iyo si Paneng kaya nais kong masigurado na sapat lamang ang iyong pag kain.

Pumanhik ulit si Inang at ngayo'y may dala ng pag kain ko at sinabihang matapos kumain tawagin sya para kunin ang aking pinag kainan.

Sa tuwing kakain nakakaramdam ako matinding pagka balisa. Nag aalala ng husto sa kalusugan ng aking irog. Dalawang araw na syang walang malay kaya dalawang araw na din syang walang kinakain.

Bigla akong nskaisip ng paraan. Ininom ko ang tubig, ibinangon sya ng bahagya gamit ang aking labi pinasa ko ang tubig sa kanya at itinulak ng aking dila hanggang sa kanyang lalamunan. Tumigil sandali at pinag masdan ang kanyang pag hinga. Maayos pa rin ang kanyang pag hinga kaya ako'y nagalak ng bahagya.

Dinurog ko ng halos maging tubig ang kanin at inulit ang ginawa ko. Minasdan ang kanyang pag hinga at walang nagbago. Nakakalahati sya ng kanin at isang basong tubig. Pinaupo ko sya habang nakayakap ako sa kanyang likuran para matunaw ang kanyang kinain ginamitan ng buhanging orasan ang tagal ng kanyang pag upo.

Matapos maubos binalik ko sya sa pag kakahiga pinalitan ng damit at pinunasan ang katawan. Hinilot ko ang kanyang mga binti at sinunod ang braso at ulo. Tinawag ko na din si Inang para bantayan panandali ang aking Irog. Ipag hahanda ko sya ng masustansyang pag kain para mamayang gabi.

Ilang mga taga ibayo at kabilang bario din ang nag pupunta sa bahay para mag bigay ng mga gulay at minsa'y takalan sa amin pasasalamat kay Mateo.Nag umpisa na rin kasi ang pag aani at halos lahat ay abala mapabata man o matanda lahat nasa palayan para mag trabaho.

Sa mga susunod na linggo mag uumpisa na rin ang mga kasiyahan. Sa panahon na ito pinag diriwang ang ibat ibang okasyon. Kapistahan ng mga puon, kasalan, pag bibinyag, mga patimpalak ng mga bawat bario. Buhay na buhay ang bawat kabahayan maagap pa lang gising na ang lahat at sa gabi nama'y maririnig ang iba't ibang awitin kung di nama'y ang palitan ng mga tula o ang pag sayaw.

Transmigration (1789) #caitbeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon