Point of View: Stephanie
"Alam mo bessy ang landi talaga niyang si Yeri" sabi niya habang kumakain ng chocolate cake
Uminom muna ako ng juice at saka huminga ng malalim "Higad yung haliparot nayon eh! Kala naman niya ang ganda niya" sabi ko habang nilalantakan ang stawberry cake na binili ko
"Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa buong mundo na pag-mamayari mo na si Park Jimin" sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang daldal talaga ng imapaktang to. "Okay! Pero hindi niyo naman habang buhay maitatago na mag-asawa kayo"
"Alam ko naman yon pero hindi pa ngayon ang tamang panahon para sabihin namin na mag-asawa kami" inirapan niya naman ako
"Akala ko ang swerte mo kasi kinasal ka sa isang Park Jimin pero mali pala ako" sabi niya habang may lungkot sa kanyang mga mata
"Mahal niya din naman ako" sabi ko at ngumiti ng pilit
Inirapan niya naman ako "Wag ako ang lokohin mo" sabi niya at kumain nalang
Nag-paalam na naman ako sakanya na pupunta na ako sa room ko. Hindi naman kasi mag-kaklase ni Wendy. Habang nag-lalakad ako ay nakasalubong ko si Yeri kasama ang kanyang alipores na si Joy. Lalagpasan ko na sana sila pero bigla niyang hinigit ang braso ko
"Ano ba bitawan mo nga ako" sabi ko pero lalo niyang hinigpitan ang pag-kakahawak sakin at bumaon saking balat ang matutulis niyang kuko"ARAY!" sagaw ko.
Napansin ko din na dumadami na ang tao at pinapalibutan kami. Hinablot ko naman ang buhok niya at hinigit ito pababa. Kahit masakit ang pag-kakahawak niya sa braso ko ay kaylangan kong lumaban sa kanila.
"ARAY! ARAY! BITAWAN MO AKO! JOY HELP ME!" sigaw ni Yeri lalo ko namang hinigit ang buhok niya. Naramdaman ko naman ang hapdi kaya napangtingin ako sa braso ko na ngayon ay nadugo na.
"You! Pag-babayaran mo ang ginawa mo sakin" sabi ko at lalo ko pinaba ang buhok niya na dahilan para mapaluhod na siya sa lupa naramdaman ko naman na may humablot sa buhok ko kaya pababa kaya napaupo ako pero hindi padin ako nabitaw sa buhok ni Yeri kinaladkad naman ako ni Joy pero hindi ko padin binibitawan ang buhok ni Yeri. Wala akong pake kahit masakit na ang braso at ang anit ko. Lalabanan ko sila hanggat kaya ko.
"Malandi ka bitawan mo ang buhok ko! A-aray!" mangiyak-iyak na sabi ni Yeri
"Ikaw ang malandi!" sigaw ko.
Naramdaman ko naman na bumitaw na si Joy sa pagkakahawak sa buhok ko kaya naman napatayo ako at lalo ko namang hinila ang buhok ni Yeri "Wala naman akong ginagawa sayo ah!" galit ko sabi sakanya
"Nilalandi mo si Jimin!" naiyak niyang sabi nag-init naman ang ulo ko kaya lalo ko pang-hinigit ang buhok niya kaya lalo siyang napa-iyak.
Ako pa ngayon ang nalandi kay Jimin, Asawa kaya ako ni Jimin. Siya nga ang nalandi kay Jimin may asawa na yung tao nilalandi pa niya. "Bitawan mo si Yeri" sabi ni Joy at hinawakan ang braso kong nadugo kaya naman napabitaw ang isa kong kamay kay Yeri "Sabi nang bitawan mo siya!" sabi ni Joy at lalong diniinan ang pag-kakahawak sa braso ko kaya lalo itong dumugo.
Nakahawak padin naman ang isa kong kamay sa buhok ni Yeri.
"Anong nangyayari dito?" napabitaw naman ako sa buhok ni Yeri nang marinig ko ang boses niya tumakbo naman si Yeri sakanya at yumakap dito
"Sinabunutan niya ako!" naiyak na sabi ni Yeri habang nakayakap kay Jimin.
Lumapit naman sakin si Jimin at tiningnan ako ng masama "Ano ang ginawa mo sakanya?!" galit niyang tanong sakin
BINABASA MO ANG
Married to Park Jimin | Completed
Romanceseulgi x jimin ff. | bangtan series #1 "I am Married to Park Jimin" graphics by: @machiyeo Date Started: 10/15/14 Date Finished: 7/22/15 All rights reserved 2015, Copyrights seul-g.