Three

5.7K 230 69
                                    

Point of View: Stephanie

*Kring* *Kring* *Kring*

Agad akong bumangon ng marinig ko ang alarm. Ngayon kasi ang simula ng klase namin.

Dumaretso ako sa kwarto ni Jimin at ginising siya.

"Jimin gising na" gising ko sakanya habang niyuyugyog siya

"Hmm, Tanga kaba? Nakikita mo nang natutulog pa" sabi niya habang nakapikit, Ghed. Ang gwapo talaga ng asawa ko kahit tulog.

"May pasok na tayo. Baka mahuli pa tayo!" sabi ko sakanya habang niyuyugyog siya

"Ikaw nalang pumasok kung gusto mo, Masakit ang ulo ko" sabi niya habang nakapikit

"Aabsent kana agad? Lasing ka kasi ng lasing diyan" sabi ko sakanya. Talaga naman simula ng mag-kasagutan sila nung isang linggo ni Jungkook at pinagalitan siya ng mga Hyungs niya ay halos araw-araw nalang siyang lasing kapag uuwi, Minsan amoy pabango pa siya ng babae. Tangina diba?

"Ano namang pake mo? Manahimik ka nalang Stephanie Paula Park" sabi niya habang nakapikit, Park? Omo! Tama ba ang rinig ko? Apilido niya ang ginamit niya sa pangalan ko? At sinabi niya ang buong pangalan ko sa kauna-unahang beses!

"WHAAAAAAAAA! YES! YES!" nagtatalon ako sa kama nung masigurado na yun nga talaga ang sinabi niya. Sinabi niya ang buong pangalan ko at sinabi niya iyon gamit ang apilido niya. Napatayo naman siya at mukhang nainis sa ginawa ko.

"Ano bang ginagawa mo? Nasisiraan kana ba?" inis niyang tanong

"Masaya lang ako" sabi ko at niyakap siya, agad naman niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sakanya

"Baliw kana nga, Labas na nga" sabi niya sabay tulak sakin na muntik ko nang ikahulog, Napairap nalang ako sa hangin at lumabas na atleast tinawag niya ako sa buong pangalan ko. Ang saya saya ko mga bru.

Naligo na naman ako at inayos ang mga gamit ko. Bumaba na ako para ipaghanada ng almusal ang mahal kong asawa.

"Jimin, Bilisan mo na diyan!" sigaw ko sakanya, Bumaba na naman siya dala dala yung bag niya, Hinagis niya ito sakin at agad ko naman itong nasalo.

"Bigay mo nalang sakin mamaya yang bag ko, Puntahan mo ako sa room" utos niya tumango naman ako

Sanay na naman ako, Simula nang lumipat ako sa paaralan nila ay pinakilala niya ako sa lahat bilang slave niya hanggang makatapos kami sa pag-aaral namin. Wala naman sakin iyon dahil mas mabuti iyon dahil nakaka-lapit ako sakanya kahit nasa school kami.

"Alis na ako" paalam niya sakin, At sa pangalawang pag-kakataon naging masaya na naman ako, Ngayon lang din kasi siya nag-paalam sakin na aalis na siya, Noon aalis nalang siya basta tapos pag-tatanungin ko hindi sasagot. "Para ka talagang tanga, Alis na ako. Ingat ka sa byahe" sabi niya at umalis na

"Para ka talagang tanga, Alis na ako. Ingat ka sa byahe"

"Para ka talagang tanga, Alis na ako. Ingat ka sa byahe"

"Para ka talagang tanga, Alis na ako. Ingat ka sa byahe"

"Para ka talagang tanga, Alis na ako. Ingat ka sa byahe"

"Para ka talagang tanga, Alis na ako. Ingat ka sa byahe"

"Mrs, Park andito na po tayo" sabi ni manong driver sakin, Bigla naman akong nabalik sa reyalidad ng may nakita akong lalaki na may kaakbay na babae

Pinasaya niya lang ako saglit, Tapos palulungkutin na naman niya ako.

Nakita ko siya na may kaakbay na babae at yun ay si Yeri ang kanyang Ex girlfriend. Ouch lang diba?

"Mrs, Park? Okay lang ba kayo?" tumango tango nalang ako kay manong habang nakatingin padin sakanila, Ang landi talaga ng Yeri nayan. Sarap kalbuhin. Bumaba na ako sa sasakyan dala dala yung bag ng mahal kong asawa.

"Park Jimin!" sigaw ko, Napatingin naman sakin lahat ng tao, Syempre pati sila "Oh, Bag mo" sabi ko sakanya at iaabot na sana ito sakanya ng pumigil si Haliparot a Yeri

"May lakad kami ni Baby, So sayo muna yang bag niya" maarte niyang sabi, Sabunutan kita diyan e "Pati nadin tong bag ko" sabi niya at pinatong yung bag niya sa kamay ko

"Tek--"

"Sige na, Buhatin mo nadin yang bag niya. Punta kana lang sa room mamaya" sabi ni Jimin

"Byebye" Yeri, Umirap nalang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa

Sa sobrang inis ko ay kinaladkad ko yung bag ni Yeri, Dahilan para mag-kasira sira ito.

Pagkarating ko sa room ay nilagay ko sa upuan ni Yeri yung bag niya at pumunta na sa room nila jimin.

"Jungkook" tawag ko sa naglalarong si Jungkook, Napalingon naman sila sakin

"Oh? Paula, Ginagawa mo dito?" tanong ni J-hope

"Araw-araw nalang ba tatanungin mo ako ng ganyan j-hope? Alam mo namang trabaho kona na ihatid at sundo tong bag ni Jimin" sabi ko at umirap sakanya

"Asan na naman ba yang As--" agad ko naman tinakpan ang bibig ni Jin

"Shhh, Wag ka maingay, Maraming chismosa sa tabi tabi, Lalo nat sikat pa kayo, Baka may makarinig satin" sabi ko at tinanggal yung kamay ko sa bibig niya "Sige paki-bigay nalang to sakanya, Una na ako. Thankyou" sabi ko at tumakbo na papuntang room

Papasok na sana ako pero narinig ko ang boses ng haliparot na si Yeri "SINO ANG GUMAWA NITO SA BAG KO?" galit na galit niyang sigaw, pumasok naman ako at umupo sa upuan ko

"You?!" sabi niya at lumapit sakin "Anong ginawa mo sa bag ko?" galit niyang tanong sakin

"Wala akong ginagawa sa bag mo" sabi ko "Diba sabi mo dalhin ko, Sinunod naman kita kaso masyado akong nabigatan kaya kinaladkad ko yung bag mo" umusok naman ang ilong niya na parang galit na, Akma naman niya akong hahampasin ng bag niya pero may pumigil sakanya

"Wag mo siyang sasaktan" sabi ninto sakanya

"P-pe-pero, Tingnan mo naman yung ginawa niya sa bag ko?" galit niyang sabi

"Papalitan ko nalang" kumuha naman siya sa wallet niya ng pera at binigay ito kay Yeri, Palabas na siya pero tumigil siya sa may pinto at tumingin ulit samin "Wag mo siyang sasaktan, Kung ayaw mong ako ang makalaban mo" pananakot niya dito

Buti nalang at laging nandyan si Jungkook para ipagtanggol ako. Lumingon naman sakin si Yeri at umirap nalang at nag-walk out.

Kaawa-awa naman.

✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘  

A/N: Chapter 3 na. Sana magustuhan niyo :D Short update lang siya.

Vote & Comment. Enjoy!


Married to Park Jimin | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon