Point of View: Jimin
Matapos kong ihatid si Yeri sa bahay niya ay nag-madali akong umuwi at naabutan kong wala pa doon ang magaling na si Stephanie!
Agad ko namang kinuha ang phone ko mula sa aking bulsa at tinext siya.
To: Stephanie
Umuwi kana! Bilisan mo...
Umupo nalang ako sa couch at hinantay siyang dumating. Hindi padin talaga siya nag-babago manloloko padin siya gaya ng dati. Wala naman akong pake kung saktan niya si Yeri, Dahil wala naman akong pake kay Yeri. Ginagamit ko lang si Yeri para gumanti sakanya, Para maranasan niya lahat ng naranasan ko.
Flashback...
Pupunta ako ngayon sa rooftop para sabihin lahat at umamin kay Step na Mahal ko siya.
Naisipan ko kasi na umamin sakanya, Ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko para sakanya dalawang taon kodin itong tinago sakanya.
Kaya naman ngayon ay lalakasan ko na ang loob ko para masabi ko lahat sakanya ang nararamdaman ko.
Nang isang hakbang nalang ang layo ko mula sa pintuan ng rooftop ay may narinig akong dalawang taong nag-tatalo kaya naman sumilip ako ng kaunti sa may pinto para makita kung sino ang mga ito.
Si Stephanie at Dave.
"Stephanie, sabihin na kasi natin sa kanila na may relasyon tayo" inis na sabi sakanya ni Dave
"Hindi pwede!" sigaw naman sakanya ni Step
"Bakit? Dahil ba sa mga magulang mo? Sigurado naman akong ititigil nila ang engagement party niyo ni Jimin kapag nalaman niyang meron kanang kasintahan"
"Hindi, Ayokong malaman nila." sabi niya habang umiling-iling
"Ano ba ang dahilan mo? Wag mong sabihin na gusto mo na si Jimin?" sabi niya kay Step lumapit naman siya dito at hinalikan ito, Ilang sandali pa ay humiwalay na siya kay Step "Nakalimutan mo naba? Ginamit mo lang siya dahil sikat siya at gusto mong sumikat? Wag mong sabihin sakin na gusto mo na siya?" tanong niya kay Step
"Oo, Tama ka! Ginamit ko lang siya dahil gusto kong sumikat ako. Hindi ko naman alam na ganon pala siya kauto-uto at katanga dahil hindi niya napansin yon!" sabi niya habang natatawa "Kaya ayokong sabihin sa kanila na may relasyon tayo dahil hindi pa ako nag-sasawa na pag-laruan si Jimin, Gusto ko siyang pag-laruan hanggang sa dumating ang engagement party!" natatawa niyang sabi.
Para namang nadurog ang puso ko dahil sa mga narinig ko. Lahat pala ng pinapakita niya sa akin ay isa lamang laro? Kala ko totoo lahat ng iyo, Pero hindi naman pala. Akala ko gusto niya din ako.
Laro lang pala lahat ng ito para sakanya!
End..
"Jimin, Jimin" nagising naman ako dahil sa yugyog niya, Dinilat ko ang mga mata ko at agad siyang tinulak palayo sakin
Napanaginipan ko na naman ang nakaraan. Bakit ba hindi ko nalang makalimutan iyon? Bakit ba hindi ko siya kayang patawarin sa lahat ng ginawa niya sakin? Bakit niya ba kasi ako sinaktan ng ganon?
"Jimin, Okay kalang?" napatingin naman ako sakanya
"Wag kang umarte na parang may pake ka" sabi ko at tumayo, tinalikuran ko na naman siya para umakyat nalang sa kwarto ko, Nawalan na ako ng gana na kausapin siya dahil sa ginawa niya kay Yeri
"Hindi ako umaarte, May pake naman talaga ako sayo!" sabi niya, Napaharap naman ako sakanya at ngumis
"Talaga? Pwes ako wala akong pake sayo!" nakangisi kong sabi
BINABASA MO ANG
Married to Park Jimin | Completed
Storie d'amoreseulgi x jimin ff. | bangtan series #1 "I am Married to Park Jimin" graphics by: @machiyeo Date Started: 10/15/14 Date Finished: 7/22/15 All rights reserved 2015, Copyrights seul-g.