Two

6.4K 262 135
                                    

Point of View: Stephanie

Kakagising ko lang tumingin naman agad ako sa orasan na nasa gilid ko, 9am na pala pero bakit parang hindi ako ginising ngayon ng Asawa ko? Nag-ayos muna ako bago ako bumaba. 

Hindi ko naman naabutan si Jimin sa Baba, Kaya naman umakyat ako sa kwarto niya binuksan ko ito at naabutan ko siyang natutulog, Ang kalat ng kwarto niya. 

Kinuha ko ang mga damit na nakakalat sa mga sahig, Hindi ko alam pero naiyak nalang ako sa mga nakikita at naamoy ko, Amoy lahat pabango ng babae at iba't ibang amoy pa ito, Yung iba naman niyang polo ay may mga kiss mark pa. 

Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos nalang ang mga kalat sa kwarto niya, Matapos ko itong ayusin ay ginising ko na siya, Wala ba sing practice ngayon or meeting etc ng mga ka-Member niya. 

"Jimin?" sabi ko habang niyuyug-yog siya

"Hmmm? Natutulog pa ako pwede ba?" sabi niya at hinawi yung kamay ko 

"Wala ba kayong practice ngayon?" tanong ko sakanya

"Meron" 

"Anong oras? 9:20 na kaya" 

"Wag kana nga lang maki-alam, Kahit kaylan napaka-pakielamera mo" inis niyang sabi at tumayo na sa pag-kakahiga 

Hindi kona lang siya pinansin at pumunta sa dressing room niya "Anong isususot mo? Ihahanda kona" tanong ko sakanya

"Lumabas kana lang, Mag-handa ka ng makakain ko, Hindi yung nangingi-alam ka diyan sa mga gamit ko" sabi niya kaya naman sinunod ko nalang siya 

Gaya nga ng sinabi niya naghanda na ako ng makakain namin. Bumaba na naman agad siya at umupo. 

"Hotdog at Bacon na naman? Wala ka na bang ipapakain saking iba?" reklamo niya 

"Ano bang gusto mo? Ipagluluto nalang ulit kita?" tanong ko sakanya 

"Wala, Kape nalang ang iinumin ko, Kahit kelan wala ka talagang kwenta" sabi niya kaya naman nalungkot ako 

Kumain nalang din ako, Kaylan kaya siya mag-babago sakin? Mabait naman siya sa ibang babae ah, Pero bakit sakin na Asawa niya ganto siya "Jimin, Malapit na nga pala ang Anniversary natin" pag-papaalala ko sakanya "Gusto ko sana mag-paparty sa mga kamag-anak at kaibigan lang natin" sabi ko pa

"Mag-sasayang ka lang ng pera, Hindi naman mahalaga ang Anniversary, Ang mahalaga buhay ako at buhay ka" sabi niya at tumayo na 

"Aalis kana?" tanong ko, Tulad padin ng dati wala padin akong nakuhang sagot at sumakay nalang siya sa sasakyan niya

✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘  

Nakatunganga lang ako ngayon dito sa bahay, Sa isang linggo padin kasi ang pasukan namin, Tsaka ayaw ni Jimin na umaalis ako sa bahay ng hindi ako nag-papaalam sakanya, Pag-naman tatawag ako para mag-paalam di naman siya nasagot kahit itext ko siya hindi din siya nasagot. 

Habang naka-upo ako sa sopa ay naramdaman ko naman na nag-vibrate yung phone ko. 

Calling Suga the gilagid....

"Hello?"

"Hi! Wala kaming practice ngayon, Pupunta kami diyan sainyo ngayon ah."

"Huh? Wala kayong practice? Pero sabi ni Jimin meron daw? Umalis nga siya ng maaga eh"

Married to Park Jimin | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon