Six

5.1K 213 51
                                    

Point of View: Stephanie

Gumising ako ng maaga para hindi na kami mag-kaabot ni Jimin, Nag-luto ako ng pagkain niya at tinakpan ito. 

Kahapon? Kahapon yung pinaka-masakit na araw na dumating sa buhay ko. HIndi dahil sa nasugatan ako sa braso ng dalawang bruhang si Yeri at Joy, Kundi dahil kahapon ang kauna-unahang beses na napag-buhatan ako ng kamay ng Asawa ko. 

Flashback...

Matapos kong mag-pahinga sa BTSH ay umuwi na ako para mag-paliwanag sa lahat ng nangyari kay Jimin. 

Pag-dating ko sa bahay ay pumasok na ako agad, Agad akong pumunta sa kwarto niya. 

"Jimin?" unti-unti kong binuksan ang pinto ng kwarto niya, Nakita ko naman siya na naka-upo sa study table niya kaya naman pumasok na ako. 

"Sino nag-sabi sayong pumasok ka?" seryoso niyang sabi habang naka-hawak sa libro niya

"G-gusto ko lang naman mag-sorry" nakatungo kong sabi 

"Bakit ka sakin nagso-sorry? Kay Yeri ka mag-sorry! Alam mo bang iyak ng iyak yung tao dahil sa ginawa mo sakanya!" pasigaw niyang sabi sakin, Hindi ko na naman napigilan yung luha ko dahil bumagsak na naman ito mula sa mga mata ko, Kaya naman nanatili lang ako sa pagkakatungo.

"B-bakit ako? Hindi naman ako ang nauna, Siya ang nauna!" paliwanag ko sakanya, Naramdaman ko naman na tumayo siya sa pag-kakaupo niya sa silya niya at lumapit sakin. 

Hinawakan niya ang baba ko at hinarap ang mukha ko sakanya "Wag ka ngang sinungaling! Hindi magagawa ni Yeri na mang-away! Wag mo akong lokohin" galit niyang sabi 

"B-bakit? Nandoon kaba nang mangyari lahat? Hindi naman diba? Hindi mo naman nakita lahat? Dalawa sila, Isa lang ako? Tingin mo may laban ako sa kanila? Tingin mo hilig ko ang gulo? Ako yung Asawa mo diba? Dapat ako yung kinakampihan at pinaniniwalaan mo? Pero ano? Putangina! Lagi nalang ba si Yeri? Ganon ba yung mga gusto mong babae? Yung mga malalanding babae!" hindi ko na napigilan yung sarili ko at nasabi ko na sakanya lahat ng gusto kong sabihin.

Pak!

Nanghina naman yung mga tuhod ko dahil sa sakit na naramdaman ko ng dumampi yung kamay niya sa mga pisngi ko, Pero hindi dahil sa lakas ng sampal niya ako nanghina kundi dahil sa nalaman kong kaya niyang gawin sakin ito para lang sa Yeri nayon! 

"Lumabas ka na sa kwarto ko!" sigaw niya kaya kahit na hindi kaya ng tuhod kong tumayo ay pilit akong tumayo. 

Nang makalabas ako sa kwarto niya ay agad akong tumakbo sa kwarto ko kahit na hinang-hina ako. 

End.....

At ayon nga ang nangyari, Dahil na naman kay Yeri nagawa sakin ng Asawa ko iyon.

Hindi ko naman namalayan na may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko, Agad ko naman itong pinunasan at pumunta na sa may pinto upang lumabas. 

Hawak kona ang door knob ng naramdaman kong may bubukas dito, Ohmy! Mag-nanakaw ata? Hinanda ko ang sarili ko at hinawakan ang shoulder bag ko para ipampalo sa mag-nanakaw, Unti-unti naman itong bumukas, Handa na sana akong ipalo sakanya ang shoulder bag ko ng mapag-tanto kong hindi pala ito mag-nanakaw. 

"J-jimin" gulat kong sabi at binitawan ang shoulder bag ko

Tumingin lang siya sakin ng seryoso at nilagpasan ako "Naka-handa na ang almusal mo. Aalis na ako" paalam ko sakanya.

Alam ko naman na wala akong makukuhang sagot sakanya dahil galit siya sakin. Sinuot ko na naman ang sapatos ko at sasakay na sana sa sasakyan ko ng may humawak sa braso ko. Napatingin naman ako sakanya "B-bakit? M-may kaylangan kapa ba?" tanong ko sakanya 

Married to Park Jimin | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon