Eight

5.5K 240 43
                                    

Point of View: Jimin

Maaga akong umuwi para alamin kung nasa bahay naba ang asawa ko. Gusto ko siyang kausapin, Simula kasi noong nangyari yung away namin ay hindi na siya umuuwi lagi ng maaga. Minsan lasing siyang nauwi, minsan din naman hindi siya nauwi. 

Hindi ko alam, Pero parang hindi ako naging masaya noong pinalayo ko siya sakin, Hindi ako nakaramdaman ng kahit kaunting tuwa ngayong iniiwasan at nilalayuan na niya ako.

Pero wag niyong isipin na gusto ko siya at nami-miss ko siya, Dahil hindi totoo yon. Gusto ko lang mag-kaayos kami dahil ayoko ng nagkaka-iwasan kami at nag-kakainlangan kami. Gusto ko din naman humingi ng tawad sakanya dahil sa nagawa sakanya ni Yeri. Nalaman ko kasi na si Yeri ang naunang nang-away, Pero hindi naman kasalanan lahat ni Yeri iyon. Dahil kung ayaw niya ng away sana hindi nalang siya gumanti diba? 

"Stephanie!" sigaw ko mula dito sa sala, Alam ko naman na nandito na siya dahil nasa labas na ang sapatos na gamit niya kanina ng umalis siya "Nagugutom na ako! Mag-luto kana ng pag-kain" muli kong sigaw 

Naramdaman ko naman ang mga yabag ng paa niya mula sa taas at nakita ko siyang pababa na. Napatingin naman siya sakin saglit ngunit agad niya din itong iniwas. 

Teka? Parang may mali sakanya? Bakit parang ang tamlay niya? Lalapitan ko sana siya kaso bigla nalang siyang nagdare-daretso sa kusina. 

"Anong gusto mong ulam?" tanong niya, Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa narinig ko ang matamlay niyang boses. 

Lumapit ako sakanya at hinipo ang kanyang noo "Napaka-init mo Step!" alala kong sabi sakanya, Hindi naman niya ako pinansin at nag-patuloy lang sa pag-hihiwa ng kakainin namin para sa hapunan. "Step, Okay ka lang ba?" muli kong tanong sakanya at sa pangalawang pag-kakataon ay wala akong narinig na sagot mula sakanya. 

Ilang sandali ko siyang pinag-masdan at kitang kita sa mukha niya ang panghihina na nararamdaman niya, Hinarap ko siya sakin na dahilan ng pag-kagulat niya "B-bakit?" tanong niya 

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko sakanya

"Wag mo na nga lang akong paki-elaman" sagot niya sakin at tinanggal ang mga kamay ko, Tinalikudan niya ako at pinag-patuloy na ang pag-hihiwa

Wala na naman akong nagawa kaya naman iniwan ko nalang siya sa kusina at pumunta nalang sa sala para manood ng tv. 

Ilang sandali akong nag-hintay na matapos si Step sa pag-luluto, Pero hanggang ngayon ay wala parin siya kaya naman tumayo ako at pumunta sa kusina. 

"STEP!" dali dali akong lumapit sakanya at binuhat siya. Sinakay ko siya sa sasakyan ko at pinaharurot ito papunta sa pinaka-malapit na ospital. 

Napatingin naman ako sa pulso niya na ngayon ay may umaagos na dugo, Bakit niya ginawa yon? 

Gusto na niya bang mamatay! Iiwan nalang ba niya ako nang hindi manlang siya nahingi ng sorry? Hindi niya naba aantayin na mapatawad ko siya!

Pag-kadating na pag-kadating namin ng ospital ay agad ko siyang binuhat at pinasok sa ospital "Tulong! Bilisan niyo!" sigaw ko, Napatingin naman sakin ang ibang tao sa ospital pero wala akong pake sa kanila ngayon. Kaylangan kong unahin ang asawa ko. 

Agad namang dumating ang mga doktor at nurse at agad siyang kinuha mula saakin, Sinakay nila ito sa isang stretcher at agad na pinunta sa ER.

Point of View: Wendy

Dali dali akong pumunta sa ospital na sinabi sakin ni Jungkook. Nang makarating ako doon ay agad kong hinanap ang kwarto ni Step. 

Hindi ko talaga mapapatawad ang lalaking yon. Wala siyang awa, Walang siyang puso!

Nang makahanap kona ang kwarto ni Step ay agad ko itong binuksan. Napansin ko namang napatingin silang lahat sakin maliban kay Step na ngayon ay nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog. 

Tiningnan ko ng masama si Jimin at agad siyang nilapitan. 

PAK! PAK!

Nagulat naman ang mga kasama niya sa ginawa ko, Lumapit sakin si Teahyung at Jungkook para pigilan ako na saktan ulit si Jimin. 

Lumapit naman sakanya si Jhope, Suga, Jin at Rapmonster at tinanong kung ayos lang siya. 

"Bitawan niyo ako!" pag-pupumiglas ko sa dalawang naka-hawak sakin, Chansing na sila sakin Hihi. "Kulang pa nga yang dalawang sampal, Kulang pa yan sa lahat ng sakit na naidulot niya sa kaibigan ko!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong naiyak. 

Ang kawawa kong kaibigan, Wala naman siyang nagawang masama para gawin sakanya ito ng asawa niya. Nag-mahal lang naman siya. 

"Tama nayan, Wendy!" awat sakin ni Teahyung

"W-wag kang maki-alam sakin. Wag kayong maki-alam" naiyak kong sabi habang nag-pupumiglas ako sa kanilang dalawa "Kung sa kaibigan niyo ba ginawa iyon? Hindi niyo ba gagawin ang ginagawa ko ngayon?" naiyak kong sabi, tiningnan ko naman siya na ngayon ay nakatingin lang sakin ng seryoso, Parang wala siyang paki-alam sa nang-yari sa kaibigan ko "Ganyan kana ba talaga ka manhid? Alam mo bang araw-araw naiyak sakin yang kaibigan ko dahil sayo, Araw araw siyang umiinom kahit hindi naman siya sanay uminom ng alak. Alam mo bang hindi lang ito ang unang beses na naisipan niyang mag-pakamatay!" sigaw ko sakanya habang naiyak, Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko. 

Oo hindi lang ito ang unang beses na naisipan niyang mag-pakamatay. Naisipan niya nang mag-babungo sa isang truck pero napigilan ko siya. 

"Anong sabi mo?!" 

"Hindi lang ito ang unang beses na naisipan niyang mag-pakamatay! Dahil sayo, ikaw ang dahilan ng lahat, Jimin! Wala ka kasing paki-elam sa Asawa mo, Hindi mo ba alam, muntik na siyang mag-pasagasa sa truck at ang mas malala doon binayaran niya ang driver para sagasaan siya! Alam mo ba ang dahilan kung bakit niya nagawa iyon! Sabi niya baka pag-namatay siya mapatawad mo na siya! Hayup ka!" naramdaman ko naman na bumitaw na sakin sila Jungkook, Napa-upo nalang ako sa sahig at nag-iiyak "Hindi ka manlang ba naawa sa kaibigan ko, Ginawa na niya lahat para lang mapatawad mo siya sa nagawa niya! Kahit ang pag-papakamatay gagawin niya mapatawad mo lang siya, Jimin! Kahit konti lang, parang awa mo na patawarin mo na ang kaibigan ko. Hindi niya dapat nararanasan to ngayon!" sigaw ko, naramdaman ko naman na may kamay na humawak sa balikat ko, Tiningnan ko siya habang naiyak 

"Tama nayan!" mahinahon niyang sabi sakin. Pumantay siya sakin at saka ako niyakap. 

Napayakap nalang din ako kay Jungkook habang naiyak. Napaka-sama ng lalaking yon, Napaka-sama ni Jimin! Hindi siya deserve ng kaibigan ko. 

"Hindi, Hindi mo alam kung gaano ka-sakit ang nagawa niya sakin! Wala kang alam" napatingin naman ako sakanya na ngayon ay seryoso lang nakatingin sa katawan ng natutulog kong kaibigan. "Hindi mo alam kung gaano kasakit na makita ko siyang naiyak, nasasaktan. Hindi mo alam kung gaano ko siya gustong patawarin pero hindi ko magawa!" 

Tinitigan lang namin siya. Galit ang makikita mo sa mga mata niya. Wala kang ibang mababasa kundi galit at sakit.

"Siya lang ang babaeng mahal ko, Siya lang ang una't huling babaeng mamahalin ko. Pero nagagalit ako sakanya, pinahihirapan ko siya! At dahil sakin nagawa niya ito. Kasalanan ko lahat!" sabi niya habang naiyak "Hindi ko mapatawad ang babaeng mahal ko! Napaka-hina ko!" 

Nilapitan naman siya ng dalawa niyang Hyung na si Jin at Jhope. 

Sa isang iglap lahat ng galit ko sakanya ay napalitan ng awa.  

✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ 

Vote & Comment!

Enjoy! (:

Married to Park Jimin | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon