Ten || Epilogue

6.7K 232 94
                                    

Point of View: Jimin

After Four Months....

Sumakay na ako sa aking sasakyan. Nilapag ko sa katabi kong upuan ang isang plastik ng mangga na may alamang at isang tuyo. Sa dinami dami naman kasi ng pwedeng pag-lihian ng Asawa ko tuyo at alamang pa? Ano na kayang maging itsura ng anak namin? 

Medyo ginabi nadin ako dahil dinaanan ko pa ang lugar kung saan ko ihahanda ang surpresa ko sa aking asawa ngayong isang linggo nalang at 1st anniversarry na namin. 

Pinarada ko na ang sasakyan ko at agad na pumasok sa bahay, Naamoy ko agad ang bango ng adobo na niluluto ng aking asawa kaya naman agad akong pumunta sa kusina para puntahan siya. 

Napangiti ako ng makita siya, Nakasuot siya ng apron habang inaamoy ang niluluto niya, Nilapag ko naman dala-dala ko sa mesa at yumakap ako sa kanya habang siya ay nakatalikod. 

"Nandyan na yung mga pinapabili mo, Mahal ko" bulong ko sakanyang tenga

"Lumayo ka nga sakin, Amoy pawis ka!" pagtataboy niya sakin. Pinatay naman niya ang kalan at humarap sakin ng nakataas ang kilay, Sanay na naman ako sa buntis kong Asawa dahil simula ng naging four months na yung tiyan niya ay ganyan na ang trato niya sakin. 

Pinaglilihian ata ako ng Asawa ko. 

Nginitian ko naman siya "Sungit mo naman Mahal ko, Kiss ko asan na, Binili kita ng pinapabili mo oh" sabi ko sakanya at kinuha sa mesa yung mga pinabili niya sakin

Inirapan naman niya ako at kinuha ang mga dala ko "Maligo ka nga, Mag-hahanda ako ng pag-kain! Chupi na!" pag-tataboy niya sakin

Pero imbis na sumunod ako sakanya ay sinunggaban ko siya at hinalikan para naman tumingil na siya sa pagsu-sungit niya sakin. Humiwalay na naman ako sakanya matapos ang isang minuto, Nginitian ko lang siya at pumantay ako sa tiyan niyang medyo malaki na, Hinimas himas ko ito "Baby, Bilisan mo diyan ah, Para naman may kakampi na ang Daddy kapag nagsu-sungit si Mommy" parang bata kong sabi sa tiyan ng asawa ko. 

Nakita ko naman na napangiti siya "Ikaw talaga, Balak mo pang gawing kakampi ang anak natin" sabi niya sakin, Hinimas himas niya din naman ang tiyan niya "Baby, Bilisan mong lumabas diyan para aawayin natin ang daddy kapag namba-babae" sabi niya habang nakangiting hinihimas ang tiyan. 

Tumayo na naman ako at niyakap siya "Hinding-hindi na ako titingin sa iba. Sapat na kayong dalawa sakin ng magiging anak natin" 

Binatukan naman niya ako ng mahina "Siguraduhin mo lang, Dahil iiwan ka talaga namin ni Baby" napahiwalay naman ako dahil sa sinabi niya, Kunot noo ko siyang tiningnan 

"Anong ibig mong sabihin?" ewan ko parang iba ang dating sakin ng sinabi niya

Pinisil naman niya ang ilong ko "Masyado ka namang kabado, Syempre hindi mangyayari iyon" nakangiti niyang sabi at hinalikan ako "Maligo kana nga doon" sabi niya at tinulak tulak ako palabas ng kusina 

Kinabukasan...

"Andito na kami!" sigaw ng baliw na kaibigan ni Step at agad pumasok sa bahay kasama si Jungkook

Tss, Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na sila na ni Jungkook, Ang maknae namin pumatol sa isang baliw? Jusko. Balak yata mag-kalat ng lahi ng babaeng ito. Tinanong naman namin si Jungkook kung sigurado siya sa desisyon niya at 'oo daw' siguradong-sigurado siya. Minsan nga iniisip ko baka ginayuma siya ni Wendy. 

"Mahal ko, Abot mo nga sakin yung mangga" agad naman ako napatingin sa asawa kong naka-upo sa sopa habang kumakain ng pizza na dala nila Jungkook 

Married to Park Jimin | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon