Scarlet POV
NAGISING ako na para bang nauuhaw ako, agad kong iginalaw ang aking katawan, pero sobrang hina ko. Para bang wala akong lakas.
"Wag ka munang gumalaw, Sj." Pigil sa akin ni Mayla. Iminulat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang isang puting kisame.
"Nasaan ako?" mahina kong tanong. Pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng katawan ko.
"Nasa hospital ka."
Naalala ko na, may pumasok sa bahay namin at…nanlaki ang mga mata ko.
"Sila mama, Mayla?" tanong ko kay Mayla. Kahit nanghihina ay naitanong ko pa rin iyon kay Mayla.
Umiwas ito ng tingin, di ito makatingin sa akin. Para bang nahihirapan ito sa di ko malaman na dahilan.
"Sila mama, Mayla?" tanong ko ulit. Kahit na may ideya na ako sa nangyari sa kanila ay kailangan ko pa ring siguraduhin.
"W-wala na sila Sj, di na sila umabot sa hospital. Mabuti na lang at pumunta ako sa inyo ng araw na iyon. Kung hindi, baka pati ikaw ay wala na rin," mahabang sabi nito.
Isa-isang nagsitalunan ang aking mga luha. Di ko mapigilan ang maghinagpis, dahil sa nangyari sa pamilya ko. Akala ko wala ng sasakit pa. Meron pa pala.
Naikuyom ko ang kamao ko. Pagbabayaran ninyo ang lahat ng ito.
"Saan sila nakaburol Mayla?" tanong ko sa kaibigan ko.
"Sa bahay lang din ninyo. Tatlong araw kang tulog, kaya kami na muna nag-asikaso ng burol ng pamilya mo." Di ko mapigilan ang lumuha muli.
Ang pamilya ko, wala na sila. Iniwan na nila ako. Tulala ako at di makausap ng maayos. Ilang araw lang ako sa hospital ay lumabas din agad. Dahil gusto kong makasama ang pamilya ko, kahit na sa huling sandali nila. Masilayan ko man lang sila.
Gusto kong maabutan ang burol ng aking pamilya. Dumating ako sa bahay namin, nakita ko ang mga kabaong na nakahilera sa sala namin, nanghihina ang mga tuhod ko at isa-isang tumulo muli ang aking mga luha. Mabuti na lang at inalalayan ako ni Mayla kundi, baka nalugmok na ako sa lupa ngayon. Walang lakas ang aking mga binti, para gusto ko ng mamatay at sumama sa pamilya ko. Hindi ko kayang tignan na sila nasa kabaong, habang ako nandito at buhay.
Nang malapit na ako sa kabaong ni mama at papa ay di ko mapigilan ang paghihinagpis. Sobrang sakit lang, dahil sila nawala at ako ay nabuhay. Agad kong niyakap ang kabaong ni mama.
"Mama, papa!" sigaw ko habang umiiyak. Walang sawa sa pagtalon ang aking mga luha. Gusto ko ng mamatay. Bakit di na lang ako namatay, para di ko maramdaman ito.
"Sj," umiiyak na sambit ni Mayla, yakap-yakap niya ako. Habang ako ay nakayakap sa kabaong ni papa.
"'Pa, bakit ninyo ako iniwan, sana ay isinama na lang ninyo ako. Paano na ako, 'pa. Wala na kayo ni mama," umiiyak kong daing.
Sobrang sakit lang, dahil wala akong nagawa, hindi ko nailigtas ang magulang ko. Di ko man lang nailigtas ang pamilya ko. Wala akong kwentang anak.
Tulala akong nakatingin sa kabaong ng pamilya ko, walang tigil ang luha na sa aking mga mata.
"Tama na iyan, Sj, tahan na. Baka nagkasakit ka na n'yan." Pag-aalo sa akin ni Mayla.
"Mas mabuti, Mayla. Nang makasama ko na sila mama, papa, at mga kapatid ko," Malamig kong tugon dito.
"Hindi magandang biro iyan, Sj. Binigyan ka ng pangalawang buhay. Kaya dapat ipagpasalamat mo iyan!"
BINABASA MO ANG
Art Of Temptation: Her Sweet Revenge (COMPLETED)
Romance||A Collaboration|| Art Of Temptation: Her Sweet Revenge R-18 | Mature content Pinatay ang magulang at kapatid ni Scarlet nang mga kalalakihan na di nila kilala. Nagising na lang siya na wala ng buhay ang kanyang pamilya at nag-iisa na lamang siya. ...