Chapter 14

300 7 0
                                    

Nasa isang exclusive bar ako ngayon. Kasama ko si Lance, nagbar kaming dalawa at naging malikot na ang kamay nito. Ilang oras lang ay may sumigaw sa loob ng isang VIP room. Ngumisi ako.

Dahil alam ko na natagpuan na nila ang bangkay ng dalawang magkaibigan. Levy Aquino and Mike Dizon, akalain mo nga naman. Sabay ko pa silang napatay.

Hindi ko naman akalain na darating si Mike. Si Levy lang naman talaga ang pakay ko doon. Saktong bumukas ang pinto ng VIP room at nakita nito ang walang buhay na si Levy, agad ko itong sinipa at sinaksak nang ilang beses para mamatay.

Lumabas agad ako, dahil baka may makakita. Ayaw ko pang makulong, dahil may kailangan pang magbayad.

Bumalik agad ako kay Lance.

Hinila agad ako ni Lance, papalabas. "What is wrong Lance?" tanong ko sa kanya.

"Aalis na tayo. Baka madamay pa tayo," sabi nito sa akin.

Nagpatianod na lamang ako. Gusto ko na ding magpahinga. Masyado akong napagod, dahil nanlaban pa kanina si Levy bago ko ito napatay.

Pinasakay niya ako sa kanyang kotse. Sasakay na sana ito nang may tumawag dito.

"Lance," tawag ng isang pamilyar na boses. Sumilip ako sa may bintana.

"France. What are you doing here?" tanong nito sa isang lalaki.

"Makikipagmeet ako kay Levy and Mike. Any thing wrong about that?" tanong nito kay Lance.

"Yes, dahil sobrang bad influence sila sa iyo. Hindi ka naman dating ganyan. Bakit bigla kang nagbago France?" tanong nito sa lalaki.

"Not your business. Say hi to me kay dad at sa mistress niya. Sobrang sarap pala ng mistress niya," nang-uuyam nitong sambit kay Lance.

"Respect, Madelaine France!" sigaw nito.

"How? Siya ang dahilan kung bakit namatay si mommy!" balik nitong sigaw kay Lance.

"Hindi niya kasalanan iyon. Kasalanan iyon ni mommy."

"Yeah, right! Kakampihan mo pala siya. Dahil di ninyo nakikita ang tunay na kulay ng babaeng iyon."

I know him. Nanlako ang mga mata ko ng maalala ko siya. Siya ang lalaking sumaksak sa akin. Siya ang lalaki nang pumasok sa aming bahay at pumatay sa pamilya ko.

Pumasok na si Lance. "Sino iyon?" tanong ko sa kanya.

"He is France, my twin brother," plain nitong sagot sa akin.

Pinatakbo na nito ang kotse nito. Masyadong malalim ang iniisip nito.

"It's seem na ayaw niya kay Tita Madelaine?" tanong ko sa kanya.

Nakilala ko na si Tita Madelaine. Sobrang bait ng babaeng iyon. Para bang di ito makabasag pinggan.

"Tita is my step mom, at hindi iyon matanggap ng aking kakambal. He love our mother so much. Hindi nito nakikita ang totoong kulay ng aming ina. Pero ako kitang-kita ko. Kung ano ang totoong kulay ng ina ko." Humigpit ang kapit nito sa manibela.

"Hey, stop that. Baka mabangga tayo."

Napabuntong-hininga ako, buti na lang at nakinig ito sa akin. Akala ko mababangga na talaga kami. Nadala kasi ito sa sinasabi nito.

"It is okay. Kung hindi ka pa handa na ikwento sa akin ang lahat. Maiintindihan ko," malumanay kong sambit dito.

"Thank you, love. Dahil nandito ka sa tabi ko ngayon," nakangiti nitong sambit sa akin.

Umayos ako nang upo. Now I know who he is. Kakambal pala siya ni Lance. Kahit na ganun ay di iyon sapat, ang alam ko lang ay may kinalaman si Lance o baka wala naman talaga? Umiling ako, hindi. Hindi pwede na makapante ako. Baka ako ang atakihin nila pag nakakuha sila nang pagkakataon.

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon