Scarlet POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Naghahanda ako, para sa party mamaya. Dahil kailangan namin pumunta ay wala kaming magagawa, kahit na umayaw kami.
This is our last year on College, parang padespedida party na din namin ito.
"Kahit, anong lagay ko ng kolorete sa mukha mo Sj, your still beautiful. Walang kupas!" tumatawang sambit ni Marj, ang baklang nag-aayos sa akin. "Aling Melay, anak n'yo ba talaga itong si Sj?" tanong ni Marj kay Mama.
Tumatawa lang si Mama. "Oo naman, Marj, anak namin iyang ni Edgar."
"Iba kasi siya sa mga kapatid niya."
"Siguro, nagmana iyan sa Lola at Tita niya."
Lola ko? Kahit kailan ay di ko nakilala pa nakilala ang Lola ko, si Tita Riza lamang.
"Nasaan ang Lola nitong si Beautiful Sj, Aling Melay?" tanong ni Marj, habang inaayusan ko.
"Matagal ng sumakabilang buhay," Malungkot na sambit ni Mama. Ako man ay nalungkot bigla. Di ko namang akalain na wala na pala ang Lola ko.
NASA venue na ako, dito lang din naman ginanap sa school campus ang party. Para di na daw kaming mahirapan pa. Napangiti ako, dahil alam ko na ito na ang hudyat ng aming pagtatapos.
"Sj!" sigaw ni Mayla mula sa kung saan.
Pero biglang nagslowmotion ang lahat nang makita ko ang lalaking gumugulo sa aking isipan.
"Sj," untag sa akin ni Mayla. Bigla naman akong nagising sa pagkatulala.
"Oy, Mayla! And'yan ka pala!" alanganin kong tawa, dahil nasa likod nito ang lalaking iyon na di ko man lang alam ang pangalan.
"Sj, si Kuya Lance pala, pinsan ko." nakangiting pakilala sa akin ni Mayla sa pinsan nito.
"Pinsan mo siya!" gulat kong bulalas, dahil di ko akalain na may pinsan pala si Mayla.
"Yes, and guess what, siya ang guest speaker natin sa graduation. Am I right Kuya?" baling na tanong nito sa pinsan nito.
"Yes," husky ang boses nito na para bang nang-aakit.
"Kuya, si Sj pala. Bestfriend ko." Pakilala ni Mayla sa akin kay Lance.
"Hi, nice to meet you, again!" walang emosyon nitong sabi sa akin.
"Yeah, nice to me you too." May galak sa boses ko, dahil ngayon ay alam ko na ang pangalan nito.
'Lance,' bulong ko sa aking isipan. Kay ganda namang pangalan.
Nagsisimula na ang party nasa table ako, kasama ko si Mayla at ilang kaklase ko. Habang si Lance ay nasa kabilang mesa kung nasaan ang Faculty Member at kanina ko pa nakikita kung paano lumingkis ang mga kamay ni Ms. Soriano sa braso ni Lance, si Ms Soriano ay Math Teacher namin.
'Malandi,' anas ko sa aking isipan. Di ko kayang tingnan ang paglalampungan nila.
Mabuti na lang ay lumapit si Mark sa akin. Para yayain ako na sumayaw. Sa halip na ma-upo lang ako dito at panay titig sa dalawa ay sumama ako kay Mark.
Pumunta kami sa gitna ng bulwagan. Inilagay ni Mark ang aking dalawang kamay sa kanyang balikat, at ang kamay naman nito ay nasa baywang ko.
"Alam mo bang ang ganda mo ngayong gabi? Sa lahat ng kadalagahan dito ay ikaw ang pinakamaganda," sabi nito sa akin. Alam kong binubula lang ako nito.
BINABASA MO ANG
Art Of Temptation: Her Sweet Revenge (COMPLETED)
Romance||A Collaboration|| Art Of Temptation: Her Sweet Revenge R-18 | Mature content Pinatay ang magulang at kapatid ni Scarlet nang mga kalalakihan na di nila kilala. Nagising na lang siya na wala ng buhay ang kanyang pamilya at nag-iisa na lamang siya. ...