Chapter 12

305 10 0
                                    

Scarlet POV



DAHIL nga sekretarya ako ni Lance and girlfriend na din nito ay isinama niya ako sa ibang bansa. Hindi na rin ako mahihirapan na mapalapit dito.

Nasa kwarto ako ngayo ng suite namin ni Lance. Napagod ako sa b'yahe dahil kakarating lang namin. Ilang oras din ang inilagi namin sa private plane nito. Naalala ko pa ang ginawa naming dalawa sa eroplano nito. Di ko maiwasan na mapakagat-labi.

Nasa banyo ako ngayon, dahil nagbibihis ako. May meeting kasi mamaya si Lance at dahil sekretarya niya ako ay isasama niya ako. Dahil nga mamaya ay may meeting ay maliligo muna ako sa dagat.

Sa may resort kasi ang meeting ni Lance. Hindi nito mahindian ang isang kliyente dahil nga bigatin at sayang din ayon dito. Lumabas na ako ng banyo, agad akong napahawak sa aking dibdib ng makita ko si Lance na nakaupo sa kama at seryoso ang tingin nito sa akin.

"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong nito sa akin. Pero para bang bumibigat at asmosphere sa loob ng kwarto.

Kinuha ko ang dress at isuot iyon. Pinagwalang bahala ko iyon.

"Maliligo ako. Sayang din, mamaya pa naman ang meeting mo," sabi ko dito.

"Mamaya na, paamo mo muna ito." Tumaas ang kilay ko at dumako sa ibabang bahagi ng katawan nito na nakatago sa loob ng pantalon nito.

Ngumisi ako. "Later, love!" sambit ko sabay alis sa harapan nito.

Nakalabas ako sa kwarto ko. Actually, dalawa ang dahilan ko kung bakit sumama ako kay Lance. Una ang makasama ito. Pangalawa nandito ang ikatlong target ko.

Napag-aralan ko na kanina ang ikatlong lalaki na may kinalaman sa pagkamatay ng pamilya ko. Kinuyom ko ang mga kamay ko, hindi na ako makapaghintay na matapos ang buhay nito sa mga kamay ko.

Lander Villaforte, anak ng isang mayamang pamilya. Pero may bisyo ito, drugs, babae at casino. Malapit lang dito ang casino hotel na pinagkukutaan nito. Kaya mamaya ay isasagawa ko ang plano ko. Hindi na ako makakapag-antay.

Ihuhuli ko na lang si Michael dahil gusto kong unti-untiin ito.

Nasa labas na ako. Maraming mga turista na iba't-ibang lahi. Tinatanaw ko ang karagatan ng may tumabi sa akin.

"Hello, bago ka lang dito?" tanong nito sa akin. Nilingon mo ito. Nanlaki ang mga mata ko dahil agad ko itong nakilala.

Simon Lopez, isa sa mga lalaki na pumatay sa pamilya ko. Agad nag-igting ang mga panga ko, pero pinigilan ko iyon. Kita mo nga naman ang pagkakataon, palay na ang lumapit sa manok.

Isang ngiti ang iginawad ko dito. Ngiti na sobrang tamis, isang ngiti na akala mo ay di gagawa ng kasakiman.

"Yes, actually kararating lang namin ng boss ko," saad ko dito.

"Really! Nasaan ba ang boss mo?" tanong nito.

"I'm here Simon, so stop flirting with my GIRLFRIEND." Nawala ang magandang ngiti ni Simon ng makilala ito. Talagang pinagdiinan ni Lance ang 'girlfriend'.

"Lance, nandito ka pala at girlfriend mo ang babaeng ito? Ang ganda ng taste mo," sabi nito sa akin, sabay bigay ng isang tingin sa akin na may kasamang pang-aakit. Tinignan niya ako ng pailalim.

I know that stares. Pinag-aralan ko din ang Art of Seduction kaya sisiw lang iyan sa akin.

Hinila ako ni Lance papalapit sa kanya. Agad na ipinulupot ang braso sa aking maliit na baywang.

"Yes, any probleme of that?" taas-kilay na tanong ni Lance.

"Wala naman, pero maganda siya. Baka naman pwedeng matikman…" Ngis nito kay Lance.

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon