Epilogue

859 10 3
                                    

NAGHAHANDA na ako para sa paghaharap namin ni Lance, ngayon. Hindi niya ako matatakasan.

Umalis na ako sa bahay ay pumunta sa abandonadong gusali kung saan kami maghaharap ni Lance.




NASA opisina na ako ngayon. Dahil tatapusin ko muna ang mga dapat kong tapusin dito. Kagabi, it was magical. Siguro, hanggang doon na lang talaga kami ni Scarlet. I let myself be with her last night at iyon na ang una at huling pagkikita naming dalawa.

Naghahalungkat ako sa mga papeles ng may mahulog sa sahig. Pinunit ko iyon. Alam ko kung kanino galing ito.

'Magkita tayo sa Abandonadong Gusali, Lance. Bukas'

Kahapon ito? Bakit hindi ko ito nakita. Bakit walang sinabi ni Scarlet kagabi?

Naalala ko pala na pinaimbestigahan ko si Scarlet at nahalungkat at lahat. Lalo na ang pagkamatay nang kanyang pamilya. Bakit gustong makipagkita ni Scarlet sa akin?

Tumayo ako, gusto kong nalaman ang dahilan ni Scarlet. Kung bakit gusto niyang makipagkita sa akin. Bakit hindi niya sinabi kagabi?

"Cancel my appointment today, Megan," utos ko sa aking secretary.

"Pero, sir."

"Obey, what I said. No, buts."

Umalis na ako sa kumpanya ako. Sumakay ako sa kotse ko at pinaharorot ito, papunta sa abandonadong building na iyon. Alam ko ang papunta doon. Dahil may address naman na nakalagay. Nang nakarating ako doon ay agad akong nag park.

Kinuha ko ang baril ko, dahil baka pakana lang ito ng kalaban nang aming kumpanya. Bumaba na ako at pumasok sa gusali. Dumating na din ang mga tauhan ng ninong ko.

Tinawagan ko kasi ito, bago ako pumunta dito. I need back up, baka kasi frame up itong lahat.

"Bakit, Rose?" tanong ni Scarlet sa taong kausap nito. "Bakit mo ito ginagawa."

"Simple lang. Dahil sa yaman."

"Akala ko totoo ka sa akin. Akala ko talaga tinulungan mo ako. Iyon pala, tinulungan mo akong maglinis ng kalat ninyong dalawa."

"Tanga ka kasi."

"Dahil ginawa mo akong tanga."

"Katapusan mo na, Scarlet."

Nakita kong tinutukan ng baril ni Rose, si Scarlet. Kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa harap ni Scarlet. Napaigik ako, dahil sa sakit.

Isang bala ang tumama sa aking likuran.




"Hindi ka na sana nakialam pa, Lance," ngisings sambit ng kakambal ko.

"Bakit, France? Bakit mo sinusunod ang utos ni Rose?" tanong ko sa kanya.

"Dahil ko siya, at mahal niya ako."

"He didn't love you, Lance. Mahal ka lang niya. Dahil napapakinabangan ka pa niya. Wake up, brother. Tutulungan kita. Basta umalis na tayo dito."

Umiling ito. "Hindi ko pwedeng iwanan, si Rose."

"Hindi mo siya kailangan, France. Tutulungan kita. Pupunta tayo sa ibang bansa. Doon mamumuhay ka nang mapayapa."

"Hindi!" sigaw nito. "Hindi nyo mabibilog ang ulo ko. Si Rose lang ang papakinggan ko."

"France, makinig ka. Hindi siya si Rose. Hindi siya ang Rose na minahal mo. Nagbago na siya, dahil sa pera. Nawala na ang dating Rose, na kilala natin, France."

"Wag mong bilogin ang ulo ko, Lance. Dahil kahit anong gawin mo at si Rose lang ang paniniwalaan ko!" madiin nitong sigaw sa akin.

Kinalabit ko ang baril ko at tinamaan sa may hita si France. Hindi naman nakakamatay ang baril na hawak ko. May bala ito na maaaring makapagpahina sa isang tao. Matutulog lang ito.

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon